Pansin kong palaging tulala si Arie nitong mga nakaraang araw. Tinatanong ko naman siya pero lagi naman wala ang sagot niya. Lagi din siyang nagkukulong sa bathroom. Nagigising na lang ako sa madaling-araw na wala siya sa tabi ko. Nasa kusina o bathroom siya.
Wala ngayon si Arie. May binili sandali sa labas. Nandito ako sa loob ng bathroom. May napansin akong white stick sa sulok ng bathroom. I picked it up. And it was a pregnancy test. Fuck! Positive ang test! Buntis si Arie! Pero hindi niya sinasabi sa akin. I knew she would be pregnant! Of course, I hid all her pills.
I heard Achi shouted Momma kaya bumaba na ako. Nasa kusina sila ni Arie. Binigay niya ang pasalubong kay Achi.
"Achi here's your pasalubong. Inom ka ng maraming water after, okay?" Bilin niya.
Excited naman na tumango si Achi at nagthank you. Umakyat naman si Arie sa kwarto kaya sumunod ako. I locked the door.
"You're pregnant." Sabi ko sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at humarap sa kanya. Nag-iwas lang siya ng tingin at nakayukong nilaro ang mga daliri.
"Sasabihin mo ba sa akin?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Inangat ko ang mukha niya para makita ang mga mata niya. And all I saw was fear and doubt. I sighed at the sight of her and I hugged her.
"I'm sorry. I'm sorry." Sabi ko sa kanya.
She didn't hugged me back. We're just like that for a couple of minutes. I just sighed.
"Nagpacheck-up ka na ba? Kailan mo pa nalaman?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Nung isang araw lang." Mahinang sagot niya.
"We'll go to the doctor tomorrow." Sabi ko sa kanya.
Pero bigla na lang siyang tumakbo sa bathroom. Sinundan ko siya doon at natagpuan ko siyang sumusuka doon. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinagod ang likod niya. Inipon ko ang buhok niya palayo sa mukha niya. Pagkatapos niyang sumuka doon ay hinang-hina siyang naupo doon. Tinulungan ko siyang makapagmumog at binuhat ko siya papunta sa kama. Inihiga ko siya doon.
"I will take you to the doctor. I'll just get the car. Wait me here, okay?" Alalang-alala kong sabi sa kanya.
"W-wag na. N-normal lang yun. Magpapahinga na lang ako dito. Pakisabi na lang kay Ara na umakyat dito, please." Hinang-hina niyang sabi sa akin.
Tumango na lang ako at tinawag si Ara.
"Manang masama ang pakiramdam ni Arie. Ipagluluto ko lang siya ng soup." Sabi ko kay manang.
"Naku! Ilang gabi na kasing nagpupuyat ang batang yon eh. Kaya siguro masama ang pakiramdam." Sabi ni Manang.
"What?! Nagpupuyat? Bakit siya nagpupuyat?" Tanong ko kay manang.
"Lagi ko siyang naaabutan dito sa kusina tuwing madaling-araw eh. Kumakain habang nagdedecorate ng mga cupcakes na binebenta niya." Kwento ni manang.
"Binebentang cupcake? Nagbebenta siya ng cupcake? Bakit? Kailangan ba niya ng pera?" Tanong ko ulit.
"Hindi naman niya kailangan. Nag-iipon lang siya para sa kanila ni Achi. Para daw pag may gusto siyang bilhin ay may pangbili siya o kaya si Achi. Minsan kasing naggrocery kami ay may nagustuhan siyang damit. Alam kong gusto niya yun pero hindi niya binili. Sinabi lang niya ay hindi na daw siya pwede magsuot ng ganon dahil nanay na siya." Kwento ni manang.
She's my wife. She has rights to everything I have and own. I didn't know I damaged her soul.
"Manang buntis po si Arie kaya masama ang pakiramdam niya." Sabi ko sa kanya.