"Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo pero nawala na. Nagising na lang ako isang araw, hindi ko na maramdamang mahal kita. I'm sorry Hera." Sabi niya sa akin.
"I hate you. I hate you Zayn for breaking my heart like this. I hate you pero sa tuwing sasalubungin ko ang mga mata mo nanghihina na ako. You hurt me and it's okay. Because I can't do anything about this already. Let's just never see each other again." Nanginginig kong sinabi sa kanya.
Pinigil kong umiyak sa harap niya. Hindi na niya ako kailangan pang makita na ganito kahina. Tapos na siya sa akin.
Tumalikod na ako sa kanya at saka lang ako umiyak habang naglalakad palayo sa kanya. Matapos ang gabing yun hindi na muling nagkita ang landas namin.
Five fucking years....
I don't know what's more bearable, living numb or living sad. Either ways, I'm living both life. Everything changed after that night and I don't know if that's okay.
"Hera! God, I missed you!" Sigaw niya sa akin sabay yakap.
Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung paanong nahanap niya ako sa nilipatan kong bahay noon.
"Hera. Please take me back. Hindi ko pala kayang mawala ka. Please baby.." Sabi niya sa akin.
"Nahihibang ka na ba? Bakit ka pa babalik sa akin? Hindi na ako bagay sayo. Maghanap ka na lang ng iba." Naiiling kong sabi sa kanya.
"B-bakit? Please... Hera.." Sabi niya.
Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya. Mula ng araw na iyon ay iniwasan ko siya. Hindi ko kayang harapin siya. Hindi ko na kailangan ng panibagong sakit mula sa kanya. Hindi ko na kaya.
"Hera ano ba?! Kausapin mo naman ako! Nagkamali ako, oo! Pero wag naman ganito. Hindi ko kayang ganito tayo. Please take me back..." Pakiusap niyang muli.
I just cried there. All the tears I kept alone came falling like rain. I was crying so loud and I couldn't stop. How can I go back to him when I am already a damaged good? I'm already unreparable.
"I'm-I'm sorry... Zayn... hindi mo na ako pwedeng balikan kasi sira na ako. Hindi na ako yung Hera mo kasi nung mawala yung pagmamahal mo para sa kanya, nawala na rin siya. Mukha lang ni Hera to pero hindi na ako yun. " Sabi ko sa kanya.
"A-ano bang sinasabi mo?" Sabi niya habang hawak ang mga balikat ko.
"Hindi ko na kayang masaktan mo pa kasi baka hindi ko na kayanin pa. Baka hindi na makaya ng nagmamalfunction kong utak. You see, I'm depressed and I have anxiety. I'm a damaged good. May pakinabang pa ba sayo ang isang baliw na babae?" Sabi ko sa kanya at pagkatapos ay tumalikod na para umalis.
Hinila niya ako sa braso at inangat iyon. Napansin niya ang mga marka kadesperadahan ko. Kita ko sa mga mata niya ang sakit at awa. Inagaw ko ang kamay ko at itinago iyon sa likod ko. Lumayo ako sa kanya at naglakad na palayo sa kanya.
"Hera.... Ayoko ng mga ginawa mo pero kasalanan ko yan. Hindi ka magkakaganyan kung di kita sinaktan. Please... hayaan mo akong alagaan ka at tulungan na bumalik sa dati. Please.... Hera, ayokong mawala ka. I'm sorry..." Sabi niya habang umiiyak sa balikat ko.
Umiling-iling lang ako. Umuwi ako ng araw na iyon sa bahay ko. I just lay on my bed, doing nothing. I couldn't do anything. The rain were pouring so hard that it comforts me.
"Hera! Hera babe! I can be with you! I wanna be with you Hera! Please.... Hera! I can love your flaws and scars! Kaya ko Hera! Just let me be with you!" Sigaw sa labas ng bahay ko.
I looked at my window and saw Zayn shouting outside my gate.
"Hera, mahal na mahal kita! Mahal kita! Naririnig mo ba ako?! Mahal kita! I'm sorry I ruined you! I know I damaged you but please let me love you! Alam kong sinabi ko sayo na nawala na ang pag-ibig ko sayo, pero kahit kailan hindi nawala! Hera, kahit kailan hindi nawala! Hera kahit kailan hindi!" Sigaw niya and I was crying while he's shouting everything.
Lumabas ako ng bahay at hinarap siya.
"Zayn, ano ba?! Wag mo na akong pahirapan, please! Hindi ko kaya! Please! Tama na! Kahit nawasak ako sa pag-iwan mo sa akin at mahal na mahal pa rin kita, pagod na ako... Pagod na yung isip ko. Hindi ko na kaya." Pagmamaka-awa ko sa kanya.
Ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang mukha ko at siniil ako ng halik. Itinulak ko siya pero pinigilan lang niya ang mga kamay ko. I'm crying while he was kissing me because I love him. I still love him despite of what all happened. Gustong-gusto ko pa rin tumakbo pabalik sa kanya kasi he is my home. Na sa kabila ng sakit na dulot niya sa akin, he still healed me. I am defenseless against him. Kung totoo man na nagbalik ang pagmamahal niya para sa akin, wala akong laban doon.
Tinanggap ko siya pabalik kahit alam kong sa huli, maiiwan din akong wasak.
I was having one of my episode kaya nagkulong lang ako sa kwarto ko. But he kept on knocking.
"Hera... Please lumabas ka na. I know you're sad again. I'm here. I can listen to you." Pagod niyang sabi sa akin.
Lumabas ako nang hindi pa din siya tumigil sa pagkatok. Lumabas akong puno ng luha ang mga mata.
"I know. I know you can listen to me. Pero tinanong mo na ba yung sarili mo kung gusto mo bang makinig sa walang kwentang kalungkutan ko?!" Sabi ko sa kanya.
"I want to pero ayaw mong hayaan akong tulungan ka. Hera, you won't just let me help you! Nakakafrustrate na!" Sigaw niya sa akin.
"Sa tingin mo ba hindi ako napapagod?! Pagod na pagod na ako sa kakapaniwala at kakakontra sa isip ko! Sa tuwing hindi ko magawa ang mga normal na bagay lang naman para sa ibang tao! Hirap na hirap na ako..... Gusto ko nang magpahinga...Gusto ko nang bumitaw na lang... Gusto ko nang wag na lang lumaban... Hindi ko naman to ginusto ko eh... Pagod na pagod na ako..." Iyak ko sa harap niya.
"I-iwan mo na lang ako....." Paulit-ulit kong sabi sa kanya.
"Babe, I'm sorry. Let's not fight over this. I'm sorry. Natatakot lang ako pag nagkukulong ka mag-isa sa kwarto mo. Ayaw kong mawala ka ulit sa akin. Please, I'm sorry." Sabi niya at hinila ako palapit sa kanya.
I was just crying because I'm fucking too sad. I want to be better for him. I still want to love him wholly.
Inakay niya ako sa kwarto at nahiga kami ng magkatabi. He just let me cry my heart out while caressing my hair. And I think that's the most comforting thing he ever done for me. I mean, he always comforts me but this was the most heartfelt. He is the most beautiful thing that ever happened to me.