Laila

10 0 0
                                    

I've seen how all my friends got broken by men, and it's not a good sight to see. I've seen how much damage it caused them to fear love. I never thought I would go this far for love. I never thought I would be a martyr for love.

"Babe, wala lang yung nakita mo. Kalimutan na lang natin yun and let's go home. Let's stop fighting, please." Sabi niya sa akin.

Hindi ako sumagot sa kanya. Sa tingin ko, wala na akong nararamdaman sa lahat ng ito. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang tumatakbo sa iisang babae sa tuwing nag-aaway kami o nasasakal siya sa akin. Sa ilang taon ng relasyon namin, hindi ito ang una at huling nagkita sila. Mas madalas pa nga silang magkita kesa sa aming dalawa. Takot akong mawala siya kaya pinalampas ko na lang ang lahat noon. Takot ako sa magiging sagot niya sa akin kasi alam ko naman na ang kahahantungan ng lahat ng ito.

Huminga ako ng malalim. At muling tumitig sa mga mata niyang dahilan kung bakit niya natangay ang puso ko.

"A-alam mo, t-tapusin na lang n-natin to. M-mabuti pang putulin na natin to kasi Kahell ubos na yung natitira kong pagmamahal sayo. K-kung palagi mong s-sasabihin sa akin na wala lang yung paulit-ulit na pagbalik mo sa kanya, sa tuwing nag-aaway tayo at nasasakal ka sa akin baka hindi na talaga ako ang mahal mo." Nauutal kong sabi sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ko pa nakuha ang tapang kong sabihin sa kanya ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para humarap ako sa kanya kahit na wasak na wasak ako.

"Laila, please. Lagi mo na lang bang sasabihin yan sa tuwing ganito? Please let's not fight about this." Pang-aalo niya sa akin.

Hinawakan niya ako sa braso pero umiwas ako.

"Hindi Kahell. A-ayoko na. A-ayoko na. Ubos na ubos na ako. W-wala na akong ibibigay pa sayo. M-maghiwalay na tayo." Iyak ko.

"Ito ba ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.

Kahit hindi ako sigurado, tumango ako. Kahit alam kong sa gagawin kong ito, wala na akong babalikan. Kahit alam kong pagsisisihan ko ito sa huli.

"O-oo. Malaya ka na." Mahinang sabi ko sa kanya.

Pagkasabi ko non, tinalikuran na niya ako at bumalik kung saan siya nanggaling kanina. Naiwan lang ako doong umiiyak. I cried for us. I cried for the end of us. I cried for him. I cried because I know we ended for good.

Umuwi ako sa bahay namin ng mga kaibigan ko. Tumira kami sa isang bahay para matulungan ang isa naming kaibigan na iniwan ng asawa niya. We were all broken by love. Funny it seems, that we all got broken at the same time.

Sumalubong sa akin si Cass. Hirap na siyang maglakad dahil malaki na ang tiyan niya. Iniwan siya ng asawa niya nung two years old ang panganay nila at matapos yun nalaman naming buntis siya. She was devastated at the news but she don't have any choice but to move forward.

Pilit siyang ngumiti sa akin.

"Laila, may problema ka ba?" Tanong niya sa akin.

Umupo kami sa sofa.

"N-nakipaghiwalay na ako sa kanya. Ang sakit-sakit Cass." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Alam ko Lai. Alam ko. Kaya mo yan, Lai. Mahirap sa umpisa pero mawawala din ang bakas niya sayo. Makakawala ka din sa pagmamahal mo sa kanya. Darating ang time na pag nagkaharap kayo, wala na yung pain, wala na din yung bilis ng tibok ng puso mo. Those men don't know the damage they do when they hurt us." Mapait niyang ngiti sa akin.

"Akala mo hindi mo kaya, hindi mo kakayanin na wala siya pero pagkatapos non, kaya mo pala. Kaya mo palang wala siya sa tabi mo." Sabi pa niya.

Niyakap niya lang ako. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kaya ko to. Kaya namin to.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon