Chapter 9: Sorry

5.7K 126 0
                                    

(White's Note: )

Unang-una po sa lahat,humihingi po ako ng Apology sa mga Typo Errors ko hindi lang dito sa chap. na'to kung di sa buong storyang 'to.Hope you'll understand meh.  :)


Enjoy Reading!!!!!!!!!!


[Chapter 9]



Third Person's POV:



Ang swerte ko at sya pa mismo ang lumapit para sakin.

Walang kahirap-hirap na nakuha ko sya.

Hindi magtatagal at matutupad din ang mga pangarap ko.

Pangarap na sanay natupad kung hindi lang dahil sa babaeng 'to.

Kaya ngayon,magbabayad sya.

Lahat ng 'to ay para sa kanya.

Para sa kapatid ko na pinatay nila na walang kalaban-laban.

Lahat ng 'yon ay sariwa parin hanggang ngayon.

Umupo muna ako sa may silya at doon ibinuhos ang lahat ng mga hinanakit ko na matagal ng nakatago.

Bahagya kong itinaas ang ulo ko at nakita kong gumalaw sya.

Agad-agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko.

*****

Jamaica's POV:

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko para malaman kung nasan ba'ko.

Dilim.

Dilim lang ang nakikita ko maliban sa isang pintuan.

Walang kahit na anong bagay ang nakikita ko.

Inilibot ko ng maigi ang kabuuan ng mata ko at laking gulat ko ng makita sya.

Basang-basa ang pisngi nito na para bang galing sa pag-iyak.

Akmang tatayo na sana ako para yakapin sya ng mapagtantong nakatali pala ako.

Tinitigan ko sya na may halong pagtataka.

"'Wag mo ng balakin pang makawala dyan sa pagkakatali mo." Walang gana nyang sambit na syang ikinagulat ko.

Hindi sya yung kaibigan ko.

Yung kaibigan na laging nandyan para sayo.

Yung laging nagbibigay ng Advice sakin na daig pa ang mama ko.

"Stop looking me like that."
Seryoso nyang sambit.

"Ano bang nangyayari sayo,huh?Ibang iba kana kumpara dati!Please tell me what is the Problem para matulungan kita!"

Ramdam ko sa presensya nya ang isang salita."GALIT".

Galit ang syang  nananaig sa mga mata nyang nagliliyab.

"Yun na nga eh!Ikaw yung problema ko!Ikaw yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito!Wala kang kwenta!"

Ano bang kasalanan 'ko?

"Huh?Ako?"
Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Naging Campus Queen kalang nagiging makakalimutin kana.Nakalimutan mo naba yung kasalanan ng pamilya mo,huh?Dahil sa inyo Naghiwalay ang mama at papa ko."Ramdam ko sa boses nya ang lungkot at pangungulila."Pero alam mo ba ang mas pinaka masaklap?Yung dahil sa Daddy mo nagpakamatay ang Mommy ko!Wala kang kwenta!Akala ko kaibigan kita pero hindi......Niloko mo lang ako!"

Hindi sya ang kaibigan ko.Hindi sya.Ibang iba na talaga sya.

"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo!At lalong hindi ko alam na nagkasala pala kami sayo."

Tama pala talaga ang sabi nila,may mga bagay na akala natin tama sa paningin natin pero yung totoo nakakasakit na pala tayo.Hindi ko inaakala na may kasalanan ako sa kanya.

"Tumigil kana!Pinapabilog mo lang ang isipan ko.Yung isipan kong nilason ng mga kasalanan nyo!"

Bahagya kong nakita ang unti-unting pagtulo ng mga luha nya.

"Sorry."

Yun lang ang syang nasabi ko sa kabila ng mga kasalanang hindi ko inaakala.

"Sorry?Akala mo'ba matatanggap ko ang sorry mo?Yung sorry na minsan na'kong binigo.Yung sorry na minsan narin ako pinatay.Pasensya na ngunit iba na'ko sa inaakala mo.Hindi na'ko ang kaibigang itinurin mong pamilya."
Tumalikod sya sakin at syang pagdating ng mga lalaking may dalang mga tubo.

Bago sya umalis ay isang mensahe ang ibinigay ko sa kanya.

"Sorry.....ulit."
Kasabay non ang pag Landing ng mga tubo sa katawan ko.

Napabuga na lamang ako ng dugo dahil sa lakas ng pagkakatama sakin ng tubo.

Aaminin ko, masakit.
Masakit ang ginawa nila sakin pero balewala ito sa sakit na nararamdaman nya.

Yung sakit na matagal na nyang itinatago.

Yung sakit na hindi pa naghihilum hanggang ngayon.

Hindi ko sya masisisi  kung bakit nya 'to ginagawa.Kung bakit nya 'ko sinasaktan at pinaparusahan.

It's all my fault!

Naging masyado akong kampante sa mga ipinaggagawa ko.

Sana balang araw ay mahanap nya rin ang puwang sa kanyang puso.Pusong sugatan at nagdurusa.

Siguro tama lang 'to sakin.

Tama lang 'to sa isang taong tanga at mang-mang na katulad ko.

Tama lang 'to sa isang taong walang ibang ginawa kundi ang manakit ng isang tao.

"Tayo na pare.....mukhang wala na syang kalaban-laban kung saka-sakaling tatakas sya."
Suhestyon ng kasama nila na syang sinang-ayunan ng iba.

Umalis agad sila at iniwan ang mga tubo sa maliit na kabinet.

Iniwan nila ako dito na nag-iisa.

Takot ako sa dilim pero mas natatakot ako sa mga maari nyang gawin.

Alam kong galit ang syang nananaig sa kanyang puso.

I can't  blame her because she has a big reason that she can't forget it.

Malaki ang kasalanan ko sa kanya at ang tanging paraan para  pagbayaran ito ay ang kamatayan ko.

Buhay ang inutang at buhay rin ang syang kabayaran.

Bahagya kong itinaas ang ulo ko ng marinig ang pagbukas ng pintuan sa harapan ko.

Iniluwa nito ang isang babae.

Ang babaeng nasaktan ko ng mahabang panahon.

"Kain kana."
Sabay lagay ng isang plato na may lamang ulam at pagkain sa harapan ko.

"Alam kong hindi mopa kayang tanggapin ang sorry ko kaya handa akong mag-hintay........kung may hihintayin pa'ko."
Bigla nalang tumulo ang luha ko sa  mga sandaling 'to.

"Patawad,pero hinding-hindi na.I'll never accept your apology anymore. And that's enough." Sabay talikod sakin pero nararamdaman ako ang kunting paghikbi nya.

Unti-unti nang bumagsak ang katawan ko dahil sa pagod at sakit na nararamdaman ko.

Ngunit bago ito tuluyang bumagsak ay isang mahalagang salita ang binitawan ko.

"P-patawad........ate L-lucy."

Sabay bagsak ng katawan ko.

I'm so so sorry,ate Lucy.








Continue...

That Nerd [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon