[Chapter 19]
Zoey's POV:
Minutes passed after I tooked my expensive watch when I wake up.It's already 8:47 in the morning.Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at itinuon ang pansin sa labasan.Nandyan na pala si Yaya Mellita at naghahanda na ng makakain.Agad kong isinuot ang mamahalin kong slipper at naglakad sa gawi nya kaya napatingin sya sakin na dala ang malapad nyang ngiti.
"Kain kana,Zoe." Pag-aaya nya.
"Saka na lang po,yaya Mellita.Busog pa po ako." Pagtatanggi ko kaya agad syang nalungkot.Marahan ko syang yinakap para mawala na ang pangungulila nya.
"Sigurado ka?Anong oras na,oh.Baka magkasakit ka nyan." Alalang tugon nya.
"Don't worry,Yaya Mellita.I'm fine.Busog lang talaga ako." Tugon ko at sinuklian sya ng ngiti.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nagtungo sa garden.Lagi na lang sila wala.Buti na lang talaga at nandito si yaya Mellita na syang tinuring ko ng parang nanay.Lagi syang nandyan for me.Sya lang talaga ang nakakaunawa sakin.Pero yung sarili kong mga magulang hindi ako inaalagaan.Mas importante pa sa kanila yung trabaho kesa sakin.Mas pinaglalaanan nila ng oras yung business kesa sakin.Minsan nga naiisip ko na mas mahalaga pa sa kanila yung trabaho nila kesa sakin.They couldn't give me an importance and value in this world.
************
Jacob's POV:
Sobrang saya ko dahil sa sagot ni Jamaica kahapon.She's my happiness.
Palipat-lipat ako ng posisyon dahil hindi parin ako maka-move on sa sagot nya.It's a big YES!Yes as in kami na talaga.Yes as in magiging asawa ko na sya.At Yes dahil sya na talaga ang nakalaan para sakin.
Nasa sofa ako ngayon at nakangiti sa kawalan.I'm so happy.Damn much.Hindi ako makapaniwala sa isasagot nya.Talagang nabigla rin ako.Akala ko kasi hindi pa sya handa na maging asawa ko na sya soon as possible.Hindi ako naniniwala sa 'Destiny'.It's just saying.Pero hindi nito mababago kung ano ang nararamdaman ko.
Agad kong kinuha ang phone ko at sinimulan ng tawagan si Max.
"Hello,Dude?Napatawag ka?" Tanong nya.
"Nasa'n na pala kayo?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Nasa school na kami.Kayo?Bakit wala pa kayo?" Alala nyang sagot.
"Hindi muna ako makakapasok,Max.Bigla kasing sumakit yung ulo ko.Kaya,si Jamaica na lang yung pumasok.Alam mo namang bawal syang lumiban diba?Running for valedictorian pa naman sya." Pagpapaliwanag ko.
"Oh.I see.Sige,mamaya na lang tayo mag-usap muli.May klase pa'ko." Pagpapaalam nya.
Agad kong pinatay yung phone tsaka itinuon ang pansin sa may pintuan ng biglang sumakit ulit yung ulo ko.
Bakit ba'to nangyayari sakin?
Inilihim ko kay Jamaica kung ano yung matindi kong nararamdamam dahil alam kong mag-aalala sya.At alam ko rin kung gaano sya ka-over protective sakin.Sighed.
Wala akong magawa sa bahay kaya naglinis na lang ako.Nakakawalan ng gana.Sana na lang pala pumasok na lang ako.Humugot muna ako ng buntong-hininga bago magpasyang simulan na ang paglilinis.
Hindi pa'ko nakakalahating oras ng biglang tumunog yung phone ko.It's Samantha.Ang ex-girlfriend ko.Nagdadalawang-isip pa'ko kung sasagutin ko ba'to o hindi kung gano'y alam naman naming dalawa na kaming wala.
"Hello,Samantha?Napatawag ka?" Tanong ko.
"Ahh...ano kasi..." panimula nya.
"Anong ano kasi?" Tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
That Nerd [COMPLETED]
Jugendliteratur[UNDER EDITING] Jamaica Montefalco just want a simple life. She's so smart that she could answer all riddles you'll give to her. Maybe she's a nobody because she often wears long and below thigh dresses. But what if she found someone who is opposit...