[Chapter 22]
Jamaica's POV:
Nakasanayan ko ng gumising araw-araw na nasa tabi ko si Jacob at mahimbing na natutulog.I miss him.Lagi na lang syang busy.Tinanong ko sya kahapon kung bakit hating-gabi na sya dumating pero 'busy lang ako' yung sinagot nya.No more no less.Pagod na'ko sa ganitong buhay.Mula nung sinabi ko sa kanya kahapon ng umuwi ako sa bahay na pupunta ako sa amerika sa makalawa parang nawalan na sya ng gana para makasama ako.
Hindi naman pwede na aalis ako dito sa pilipinas at iwan sya na may hinanakit parin.I want this to ends in happiness.Hindi yung aalis ako na hindi parin kami bati.Ayoko ng ganito.Para kaming mga tanga na hindi nagkikibuan sa isa't isa.I'm hate this kind of love.Love paba ang tawag dito?Love paba ang tawag sa lalaki't babaeng magkakasama nga pero hindi naman nagkikibuan?
Bukas na'ko aalis kaya hindi ko dapat palampasin ang ganitong sitwasyon.Hindi ko dapat pabayaan yung pagmamahalan naming dalawa.Agad kong kinuha ang gamit ko para mamaya.It's already 6:45 in the morning pero hindi parin sya gising at lalong hindi pa sya naghahanda for our graduation.
Akmang gigisingin ko na sana sya ng makitang mahimbing yung tulog nya.Ang gwapo nya talaga kahit tulog.Sa'n kaya sya pinaglihi?
Mamayang 8:30 na magsisimula yung graduation namin kaya inihanda ko na yung sarili ko.Kinuha ko muna yung speech ko para mamaya bago nagdecide na lisanin na ang lugar na ito.
Nagtricycle na lang ako dahil hindi pa gising si Jacob na syang laging nagmamaneho para sakin.Ilang minuto lang yung lumipas at nakarating na'ko sa school.Nagbayad muna ako kay manong tsaka ako pumasok.Ngayon ko lang napansin na talagang pinaganda ang disenyo dito sa school.Halo-halo yung kulay ng design kaya hindi nakakapagtaka na magagandahan ka.
Agad akong nagtungo sa classroom para makita na si Brenda.At hindi nga ako nabigo dahil nandito sya ngayon at nag-aayos na ng susuutin nya.Sabi ng principal samin na kami na daw ang bahala kung ano yung susuutin namin para mamaya.
"Ganda mo naman,Jamaica.Nakakainggit." pagpupuri ni Brenda na ngayo'y nagsusuot na ng high heels.
Natawa ako."Hindi naman sa gano'n.May konti lang inayos." Pagtatanggi ko sa papuri nya.
"May konting inayos?Eh,ako nga halos isang oras na'ko dito pero hindi parin ako gumaganda.Hiya ako sa bangs mo,teh." Sambit nya na parang hindi parin makapaniwala.
Binatukan ko sya dahil sa pagiging gaga nya.
"Oh,nasa'n na pala si Jacob?Hindi ba kayo magkakasama?" Tanong nya ulit as if na sya yung nanay ko.
"Wala eh.Hindi pa nagigising.Pagod guro yun." Sagot ko.
"Hindi mo ba napapansin na parang wala ng ganang si Jacob na makasama ka?Naku,girl.Baka may iba na yan." Suhestyon nya kaya nakatanggap ulit sya ng bantok.
"As if naman na ipagpapalit nya ko,noh.Never." pagpupumilit ko.
"Hindi natin alam." Pagpaparinig nya kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin.
***************
Max's POV:
Nandito parin ako sa bahay ngayon at kakahikab pa dahil antok na antok parin ako.Ngunit hindi naman pwedeng palampasin ko'to ang pagkakataon na magkikita kami ni---erase erase Max.May iba na sya.May girlfriend kana kaya please 'wag mo ng saktan pa ang sarili mo,okay?Tama na.Just enough.Makontento ka na nakikita mo sya araw-araw
Although,minsan absent ka.Inaamin ko na mahal ko parin si Christine.Si christine na ex ko.At si christine na iniwan ako at ipinagpalit sa iba.Ngunit mas umaapaw parin yung feelings ko sa kanya kahit sya sa iba.Gusto ko lang sya pero sa t'wing naiisip ko sya,parang nakakaligtaan ko yung nararamdaman ko.Gusto ko syang yakapin,halikan,at lapitan.Pero sa t'wing naiisip ko yun parang ako lang mismo yung naaawa sa sarili ko.Naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang sya magawang lapitan.Natawa na lamang ako ng mapakla sa sarili ko.Tama na Max.Ikaw lang yung nasasaktan sa t'wing iniisip mo yung mga bagay na malabong mangyari.Mga bagay na dapat matagal ng kinakalimutan.
BINABASA MO ANG
That Nerd [COMPLETED]
Teen Fiction[UNDER EDITING] Jamaica Montefalco just want a simple life. She's so smart that she could answer all riddles you'll give to her. Maybe she's a nobody because she often wears long and below thigh dresses. But what if she found someone who is opposit...