CONGRATULATIONS PART II

1 0 0
                                    

Graduation Day!

BIM's POV

nakapila na kami ngayon sa labas ng auditorium habang hinihintay na magsimula ang graduation rites. almost 5 pm na and any minute now ay magsisimula na procession of graduates.

*Insert Graduation March*

isa-isa na pumasok ang mga graduates sa loob ng auditorium. mabilis na tumakbo ang graduation program at nasa awarding of honors na parte na ito ngayon.

"Madrigal, Bianca Isabelle Miroe, Bachelor of Science in Civil Engineering, Cum Laude" anunsyo ng emcee.

tumayo na ako at hinintay sina mom, dad at kuya para sabay-sabay kaming umakyat ng stage. sila kasi ang magsasabit ng medal sa akin. and how i wish na andito din si hon ngayon. all our friends are here at sya lang ang kulang. pero naiintindihan ko naman sya. at hihintayin ko na makauwi sya.

samantalang, naghihintay naman sina bes kasama si yaya at pamilya nito sa labas ng auditorium kung saan may live video streaming kaya napapanood nila ang nangyayari dito sa loob.

at sa wakas, i have na may diploma. agad kaming lumabas ng auditorium matapos ang ceremony. asinalubong kami ng mga kaibigan ko and they congratulate me. then, nagpicture taking muna kami ng family ko and friends. after that, inaya ko sila for a simple dinner sa restaurant ni bes. nagpaalam na rin ako kina mom at dad na don kami matutulog sa condo ni hon for a small celebration. at pumayag naman sila. hapon pa naman daw ang punta namin ng batangas tomorrow for the big celebration na hinanda nila. i can't find any words to describe how excited i am.

From: Honey ♥♥♥

congratulations to the woman who caught my heart from the very start. i'm so proud of you honey! i love you. see you soon

To: Honey ♥♥♥

thank you hon. napaluha naman ako sa message mo. i love you! see you when you get back. i miss you so bad.

From: Honey ♥♥♥

and i miss you more honey! can i hug and kiss you all day and all night when i get back?

To: Honey ♥♥♥

grabe naman yun hon. hehe. kaw po bahala. you're the boss.

From: Honey ♥♥♥

can't wait to see you! don't forget tomorrow. ok?

To: Honey ♥♥♥

yes honey! noted na yon! hapon pa naman daw ang alis namin dito sabi ni mom. i love you! we're having dinner, atm!

From: Honey ♥♥♥

sige honey! enjoy! i love you!

tinago ko na ang phone ko sa pouch ko. kahit wala si hon, masaya pa rin ako kasi di naman nya ako nakakalimutan. masaya kaming nag-uusap-usap habang kumakain. they asked about my plans. i told them na magrereview muna ako to prepare for the board exam. then pag may license na ako, i will join clarize on her firm. actually, may investment naman kami don na magkakaibigan. mas malaki nga lang ang share ni clarize kasi sya ang may idea non. gustuhin man ni bes steph na mag-join, di naman pwede kasi sya na ang namamahala ng business nila.

after ng dinner, nagkanya-kanya na kami ng byahe papunta sa condo ni hon. malapit lang naman ang condo ni hon. maga 30 minutes drive lang kasama na ang traffic. and since pay day today, eto kami, stuck sa traffic. naka-convoy lang naman kami papunta sa condo.

____________

STEPH's POV

"hello James! nasa condo ka ba?" nag-aalalang bati ko sa kanya

"oh steph! yeah! why?" usisa nya

"you have to move out! we're on our way para magceleb-" hindi ko na natapos sasabihin ko kasi binabaan na nya ako ng phone.

From: James

sorry if i hang up. nilinis ko pa ang condo. buti na lang di ko pa naiuwi dito ang mga gamit ko. thanks sa pag-inform. papunta na ako kina mom. maaga kasi ako aalis bukas. ingat kayo sa byahe tomorrow. and enjoy kayo sa mini celebration nyo.

thank God. akala ko mabubuko na si James. buti na lang talaga. kung nagkataon, sira ang plano nya.

________________

THIRD PERSON's POV

masayang-masaya si Bim dahil sa wakas ay naka-graduate na sya at Cum Laude pa ganon din ang mga magulang at kapatid nya na sobrang proud sa achievement nya.

lingid naman sa kanyang kaalaman ay nandoon din si James sa graduation nya at lihim na nakamasid sa kanya.

"di na tayo magkakahiwalay pa! i love you soon to be Mrs. Bianca Isabelle Miroe Madrigal-Gutierrez!" yan ang tumatakbo sa isip ng binata habang tahimik at masayang pinagmamasdan ang nobya.

tuwang-tuwa ang binata dahil nakikita nya kung gaano kasaya ang babaeng pinakamamahal nya. maluha-luha syang nakamasid sa dalaga. luha ng kaligayahan. lalo na at natanggap na nito ang blessing mula sa kanilang mga magulang para pakasalan ang dalaga. di pa rin sya makapaniwala na sa kabila ng pinagdaanan nya ay magiging Cum Laude pa ito. buong akala nya noon ay di na nya makikita ang magandang ngiti ng dalaga. kaya laking pasasalamat nya at naging ok ang dalaga.

malaki rin ang pasasalamat ng mga magulang at kapatid ni Bim kay James dahil malaki ang naitulong nito sa pagrecover ng dalaga.


They are both lucky to have each other. Bagay na kina-iinggitan ng marami sa kanila. James is such an amazing boyfriend to her and Bim as well is such a wife material to him. sabi nga nila, they are lucky to have found each other. they have an amazing relationship. malaking plus na gusto sila ng mga magulang nila para sa isa't isa. and they have supportive friends.


Mahal na mahal nila ang isa't isa. at suportado ng lahat ang relasyon na meron sila. James have so much respect on her. and gaya ng ipinangako nya noon, inalagaan at pinasaya nya ang dalaga sa abot ng kanyang makakaya.

si Ryan, tanggap na nya na hanggang doon na lang silang dalawa. Totoong masaya sya para sa babaeng dati ay sya ang nagpapasaya, ang babaeng pinakamamahal nya. tanggap na nya na hindi na maibabalik pa ang nakaraan. he started to date again. gaya noong una, isine-set up sya ng mga kaibigan para maki-pag blind date. pero talagang wala pa lang syang matipuhan. pumasok na rin sya sa firm ni clarize bilang architect kung saan makaka-trabaho din nya ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang pihikang puso.

kasalukuyang busy si James sa batangas sa paghahanda para sa sorpresa nya para sa dalaga. at talagang sobrang excitement ang kanyang nararamdaman dahil ilang oras na lang at aayain na nyang maging kabiyak ang babaeng kanyang pinakamamahal.

sa isip-isip ni James, maaaring hindi ito ang una nyang minahal pero nagpapasalamat pa sya at niloko sya ng dati nyang nobya. dahil kundi nangyari yon ay hindi nya makikilala ang babaeng ihaharap nya sa dambana ng Panginoon.

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon