THE WEDDING

8 1 0
                                    



BIM's POV

maaga ako ginising ng wedding coordinator. kailangan ko daw kasi maayusan ng maaga dahil mag shoot pa daw kami. hindi na nga kami nagkausap ni hon kanina dahil sobrang busy na.

at ngayon nga ay nagsisimula na sila na ayusan ako.

iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. kasi eto na talaga yon. ilang oras na lang at ganap na akong Mrs. Gutierrez.

habang nagmuni-muni ako, mom knocked at the door. pinatuloy sya ng mga nag-aayos sa akin. tumayo ako at niyakap si mom. agad nangilid ang luha ko sa sobrang kaligayahan.

"you're a baby no more!" mom said habang kumakawala sa yakap ko. pinunasan ko ang luha ni mommy at ganon din sya sa akin.

"masaya ako para sa yo anak kasi isang napakabait at mapagmahal na anak ang mapapangasawa mo! mapapanatag kami ng dad at kuya mo sa tuwing mapapalayo kami sa yo."

"thank you mommy! thank you for all the love and support! if not because of you and dad, i wouldn't be where i am and who i am today! you may not be with me all the time but still hindi nyo kami pinabayaan at hindi kayo nagkulang sa pagmamahal sa amin ni kuya! mahal na mahal kita mommy!"

"mahal na mahal din kita anak!" muli kaming nagyakap ni mom. habang magkayakap kami ni mom, dumating naman sina dad at kuya at niyakap kaming dalawa ni mom.

"i love you dad! i love you kuya!" i whispered habang nakayakap sila sa akin. my emotions are pouring. i am lucky to have them as my family.

"payakap naman sa baby girl ko!" kuya said habang nagpupunas ng luha nya. he open his arms for me and pull me for a warm embrace.

"kahit may asawa ka na, ikaw pa rin ang baby girl ni kuya! at hinding hindi magbabago yon." with what my kuya said, mas lalo ako naiyak.

"tama na yan! baka pumangit na nag baby ko! kanina nyo pa yan pinapaiyak!" suway ni dad kay kuya. si dad naman ang yumakap sa akin.

"hay! paano ba yan anak! mag-aasawa ka na! basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin nina mommy at kuya!" i nodded. niyakap ko si dad ng mahigpit. after ng madamdaming eksena namin ng family ko, nagpaalam na sila para daw maayusan na ako.

buti na lang at waterproof ang make up na gamit nila kaya konting retouch lang ginawa nila.

matapos nila akong ayusan, nagsimula na sila na kuhanan ako ng pictures and videos.

THE ENGAGEMENT RING

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE ENGAGEMENT RING

THE ENGAGEMENT RING

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon