Chapter 17: Realization

7 0 0
                                    

Ryan's POV

isang taon na ang nakalilipas simula ng iwan ko sya....at apat na buwan na akong nangungulila sa kanya simula ng magising ako....

sa panibagong puso na meron ako, sya pa rin ang itinitibok nito....

nakikibalita na lang ako sa aming mga kaibigan sa kalagayan nya....alam ko na lahat....nakwento na nila ang nangyari one year ago....from her suicide attempt to her 6 months depression....

alam ko rin na may pumalit na sa lugar ko....may gumagawa na ng mga bagay na dapat ako ang gumagawa para sa kanya....noong sinagot nya ako, i promised to make her happy...pero ako rin pala ang magiging dahilan ng kalungkutan at pagiging miserable nya....

thankful ako kasi nailigtas sya ni James sa tuluyang pagkalunod...but i feel so insecure....i envy that James kasi sya ang nasa lugar na ako dapat ang andon....sya na ang reason ng bawat ngiti sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko....and the worst feeling is wala akong magawa....gustuhin ko man bumalik sa Pilipinas pero wala na akong babalikan....ayoko na makagulo pa sa kanila....i believe in fate and destiny....at naniniwala ako na kung kami talaga ang para sa isa't isa, kahit ano pa ang mangyari, magkikita at magkikitang muli kaming dalawa....

sa ngayon, nag-aaral ako ng architecture....gusto ko kasi, ako ang magdedesign ng palasyo naming dalawa....kahit alam kong imposible sa ngayon, umaasa ako na balang araw, darating ang oras para sa aming dalawa....

sa ngayon, aayusin ko ang sarili ko....paghahandaan ko ang araw na muli kaming magkikita....

########

Bim's POV

second day namin dito sa resort....i tried to act normal kahit na andon pa rin yung awkward feeling between me and James....mabuti na lang at di nakakahalata ang mga kaibigan namin....naging part na rin sya ng barkada....

medyo nahihiya pa rin ako kay James sa nangyari kagabi....pero buo na ang pasya ko....i'm giving James a chance...di naman siguro masama kung susubukan ko....actually, i've talked to bes last night....

FLASHBACK

nilapitan ako ni bes kagabi....nakita daw kasi nya na mag-isa ako....

"o bes, mag-isa ka dyan...."

"nag-iisip-isip lang bes...."

"ano naman iniisip mo...?"

"marami....like kumusta na sya....buhay pa ba sya...."

"bes, siguro time na para mag-move forward ka...."

"pero bes...."

"bes, mahal ka namin at ayaw namin makita na nasasaktan ka....wag mong itali ang sarili mo sa nakaraan....bes, pakawalan mo na si Ryan....alam kong great believer ka ng fate at destiny....at kung talagang para kayo sa isa't isa, darating ang tamang panahon para sa inyong dalawa...." naiyak na ako sa mga sinabi ni bes....kilalang kilala na nya talaga ako....alam nya kung kailan sya dapat makialam, at kung kailan hindi....

"bes, andyan pa si James....di ko alam kung manhid ka ba o talagang sinarado mo na ang puso mo....pero alam ko bes at nararamdaman ko na mahal ka nya...." ouch....sapul.....di man lang naka-ilag....

"bes, buksan mo ang mga mata mo....hindi lang si Ryan ang lalaki na kayang magmahal sa yo....wag mo naman sana ipagkait sa sarili mo na maging masaya....alam kong masaya ka pag kasama mo si James....kahit di mo aminin, di ako bulag bes para di makita yon....give yourself a chance to be happy...wag kang matakot na masaktan kasi parte na yan ng buhay....wag kang matakot sumugal bes....kung mabigo ka man, at least masasabi mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat....it's better to regret knowing that you did everything than to regret knowing that you can do something but you did nothing...." niyakap ako ni bes bago nya ako iwan....

END OF FLASHBACK

dahil sa mga sinabi ni bes, nagising ako....at ngayon, handa na akong sumugal ulit....kailangan ko maging matapang....tama si bes, siguro panahon na nga para mag-move forward ako....

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon