PANGAMBA

2 0 0
                                    

BIM's POV

maaga pa rin akong nagising kahit feeling ko ay kakatulog ko lang. nag-ayos ako ng sarili ko para makapag-jogging. i need to release the negative thoughts in my mind. tulog pa si yaya kaya di na ako nagpaalam sa kanya.

habang nag-jojogging, iniisip ko pa rin ang mga pwedeng mangyari. pagod na pagod na ako pero ayoko tumigil. because i know, i'll break down when i stop.

hanggang sa maramdaman ko ang isang pares ng mga kamay na nakayakap sa akin. i cry my heart out. iyak lang ako ng iyak. yun lang naman ang kailangan ko. isang mahigpit na yakap mula sa kanya.

"sshhhhhh!!!" he tried na patahanin ko. pero pesteng mga luha to, ayaw tumigil. iniharap nya ako sa kanya. i covered my face. i can't look at him. niyakap nya lang ako.

"mind sharing what's bothering you honey?" i look up to him and shook my head. i don't know if i should tell him.

"pwede ba naman yung umiiyak ka ng ganyan tapos wala?" niyakap ko lang sya ng sobrang higpit. yung yakap na nagsasabing, wag mo akong iiwan honey, di ko kaya.

inalalayan nya ako papunta sa kotse nya. pinasakay nya muna ako at nilagay ang seatbelt ko before he headed to the driver's seat. he started the engine and drive. papunta sa condo nya ang way namin.

15 minutes after, narating namin ang condo nya. tahimik lang kaming dalawa. he went upstairs. nagpunta naman ako sa kitchen nya para maghilamos and to get some water.

hanggang sa maramdaman ko na yakap nya na naman ako.

"siguro naman ngayon, kakausapin mo na ako?" bulong nya sa tenga ko. it brought me shiver. umikot ako paharap sa kanya. i held both his cheeks and kissed him. he responded to each and every kiss.

"i love you!!" i whispered in between kisses. he lead the way to the sala without breaking the kiss. i am now lying on the couch and he's on top of me. his kiss was full of love. we're both panting and gasping our breath when our lips parted.

"i love you so much honey!" he whispered

"and i love you more!" i whispered back. tumayo na sya and guided me to sit. he turned on the tv and hug me while watching.

JAMES' POV

maaga akong nagising para pumunta sa bahay nina honey. gusto ko sana sya ipagluto ng breakfast. pero nung malapit na ako sa bahay nila. i saw her. hindi nya napansin ang pagdating ko. i immediately parked the car and followed her. she's jogging. she didn't even notice me. i know she's tired pero ayaw nya tumigil.

ilang sandali pa, huminto din sya. and she's crying. she's crying real hard.

Oh God! what's happening to her!

at dahil di naman nya ako napapansin, niyakap ko sya. yung yakap na nagsasabing nandito lang ako honey. mas lalo syang naiyak. hinarap ko sya sa akin but she covered her face. she can't even look at me. and that bothers me. may nagawa ba ako na mali? as far as i remember, okay na okay naman kami yesterday.

i ask her what's bothering her but she just shook her head as a response. hindi ko na sya pinilit. inalalayan ko sya papunta sa kotse and nagdrive ako papunta sa condo. tahimik lang sya sa byahe at mukhang malalim ang iniisip nya. nung makarating kami sa unit ko, i went upstairs. she headed to the kitchen. afterwards, habang umiinom ng tubig, niyakap ko sya.

"siguro naman ngayon, kakausapin mo na ako!." bulong ko sa kanya. umikot sya paharap sa akin and kissed me. i responded to her every kiss.

"i love you!" she whispered in between our kisses. i lead the way to bring her to the couch without breaking the kiss. this is the first time we became as intimate as this. i laid her to the sofa. i'm on her top. i break the kiss.

"i love you so much honey!" i whispered.

"and i love you more!" she whispered back. inalalayan ko sya paupo and i turned on the tv. i hugged her tight while watching the tv. dala na rin siguro ng sobrang pagod kaya nakatulog si honey. binuhat ko sya papunta sa kwarto.

pinagmasdan ko sya habang natutulog. napakaganda talaga ng soon to be misis ko.

"kung ano man ang gumugulo sa isipan mo honey, wag mo sanang kalilimutan na mahal na mahal kita. at kahit anong mangyari, di magbabago ang pagmamahal ko sa yo!" hinalikan ko sya sa noon bago ko sya iwan sa kwarto.

pinagluto ko sya ng mga paborito nya.

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon