Singapore Day 2

2 0 0
                                    


JAMES' POV

nag-file ako ng leave para sa araw na ito pero maaga pa rin akong gumising para ipaghanda si hon ng breakfast nya para na din pambawi sa kasalanan ko sa kanya. sa loob ng mahigit isang taon na relasyon namin ni hon, yun ang first time na nagselos ako.

FLASHBACK

Calling Steph...

"hello steph!" bati ko sa kanya pagkasagot nya sa tawag ko

"hi james! how are you!" she greeted me back and asked how i am

"i'm good! kayo, kumusta? how's your pre-nup photoshoot?" tanong ko sa kanya

"ok naman. super saya. pero mas masaya sana kung andito ka para kumpleto tayo."

"by the way steph, i've been calling hon pero di sya sumasagot. do you know where she is?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

"oh! she's by the shore! nagpaalam sya kanina! you want me to look for her?"

"di ba nakakahiya?"

"ano ka ba? parang others ka ah. stay on the line ha. puntahan ko lang sya. i think, andon na sila lahat ngayon."

"bonding? nakaka-miss! pag-uwi ko soon, punta tayo batangas."

"sige ba. promise yan ha! sabihin ko sa kanila. just tell me when para makapag-leave kami sa work. makapahinga naman kahit a day or two lang."

"oo nga. wag nyo masyado pagurin sarili nyo. try to relax sometimes!

"oh! by the way, dumating nga pala yung ex nya, si Ryan." natigilan ako sa narinig ko. i don't how to react.

"still there james?" tanong ni steph.

"yeah! sorry! ano nga ulit sabi mo? video call tayo steph! tatawag kasi si dad baka di nya ako macontact." pagdadahilan ko sa kanya.

"wag na! tawagan na lang kita pag nakita ko si Bim."

"please steph!" pangungulit ko sa kanya. "the truth is, gusto kong makita kung ano ang mangyayari pag nagkita silang dalawa" pag-amin ko kay steph

"you sure it's ok with you?" nababahalang tanong ni steph. i let out a deep breath before answering

"it's ok steph! don't worry about me! baba ko na ha para matawagan na kita sa messenger mo" paalam ko sa kanya.

"ok james! wait ko tawag mo. andito na ako sa labas ng hotel. bye!" i immediately ended the call after she said bye then contact her messenger for video call. agad din naman nya sinagot ang tawag ko.

nag-uusap lang kami habang naglalakad sya papunta sa tabing-dagat. pero bigla syang natigilan.

"steph! are you ok? what's happening there?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. kinituban na ako pero gusto kong makasigurado. dahan-dahan ay iniharap ni steph ang phone nya sa ibang direksyon. at parang sinaksak ang puso ko ng makita ko so hon na umiiyak habang yakap sya ni Ryan.

pinanood ko lang ang eksena nilang dalawa kahit sobrang nasasakyan ako sa nakikita ko. i trust hon. pero di ko maiwasan na matakot dahil alam ko kung gaano sya minahal ni hon noon.

End of Flashback

yun ang kauna-unahang beses na may pinagselosan ako. di ko naman inexpect na magkikita sila nung Ex nya. i know na sinabi ko kay hon na panahon na para harapin nya ang mga bagay na may kinalaman sa nakaraan nya. pero hindi ko inakala na makakaharap nya noong time na yun mismo ang taong nanakit sa kanya.

at di ko naiwasang magselos at masaktan sa nasaksihan ko. mas dobleng sakit kasi nakikita ko si hon na nasasaktan.

"lalim!" nagulat ako ng magsalita si hon sabay ng pagyakap nya sa akin mula sa likuran. kumawala ako sa yakap nya at humarap ako sa kanya para yakapin sya

"iniisip ko lang kung gaano kita kamahal! at masyadong malalim na ang pagmamahal ko sa yo kaya di ko na masisid pa!" pabirong sagot ko sa kanya.

"nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko sa kanya habang yakap ko pa rin sya.

"maayos na maayos! sarap ng tulog ko kasi yakap mo ko!" napa-ngiti ako sa sagot nya. mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. she's the only person capable of giving me roller coaster of emotions.

i send her of to the bath room to fix herself para makakain na kami ng breakfast.

hinintay ko sya sa labas ng bath room. and the moment she opened the door, niyakap ko sya at masuyong hinalikan sa kanyang noo, pababa sa ilong, hanggang sa matagpuan ng mga labi ko ang mga labi ni hon. her lips so sweet and addicting. she responded to my kisses. and we're both gasping for breath when our lips parted. i rest my forehead on hers and looked straight into her eyes.

"i love you so much!" i whispered and kiss her once more.

pero bago pa mauwi sa kung saan ang pananabik ko sa kanya, hinawakan ko ang kanyang kamay and lead her to the dining. masaya namin pinagsaluhan ang umaga este ang agahan pala.

<bawal yon author! hanggang kiss lang tayo! wholesome tayo dapat>

inaya ko si hon na lumabas pero ayaw nya. mas gusto pa daw nya dito sa bahay para mas may time kami sa isa't isa kasi walang distractions. por pabor! so nanood na lang kami ng movie hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na kaming dalawa!

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon