Chapter 15: Recovered

3 0 0
                                    

"huy...." panggugulat ni james kay Bim

"kalabaw ka!!!" halos atakihin naman si Bim sa ginawa ng binata.....

"ang gwapo ko namang kalabaw...."

"tsk....wag masyadong conceited mister..."

makalipas pa nga ang dalawang buwan, muling nagbalik ang dating Bim....bumalik ang dati nyang sigla at saya....

"nagsasabi lang ng totoo..." ani James sa dalaga....di maitatanggi na tuluyan ng nahulog ang loob ng binata kay Bim....

"oo na....yabang....haha..."

kasalukuyang nasa park ang dalawa....nag-aya kasi si Bim na lumabas....simula ng tuluyang gumaling ang dalaga, araw-araw na silang lumalabas....

########

masaya ang mga kaibigan ni Bim para sa kanya....sinusuportahan nila ang gusto ng kaibigan....

pero di pa rin sila makapaniwala sa kinalabasan ng relasyon ng kanilang mga kaibigan....di pa rin sila maka-move on....di sila nagagalit sa naging desisyon ni Ryan....pero di maiaalis sa kanila na sumama ang loob dahil mas pinili nitong sarilinin ang lahat....kinalimutan nya na may mga kaibigan syang handa syang damayan sa anumang pinagdadaanan nya....

########

"mister, thank you ha...." hinging pasalamat ni Bim

"para saan naman?"

"for saving my life and for bringing back my life...."

"isang kiss lang, solve na ako..." sabay nguso ni James na syang ikunapula ng dalaga....

"tss....kis-kissin mo yang mukha mo...."

"tss....damot....pero okay lang yun....kahit sino gagawin din yung ginawa ko" nginitian nya si Bim at ginulo ang buhok nito

"aish....asar ka naman eh....tagal ko inayos yang buhok ko tapos ginulo mo lang...." reklamo ni Bim

"tss....kahit magulo yang buhok mo, maganda ka pa rin." nag-blush na naman si Bim sa tinuran ng binata

"ewan ko sa yo mister....hmmmm....dyan ka nga...." tumayo si Bim at naglakad-lakad palayo sa binata....

sa loob-loob ng binata, hinihiling nya na sana noon pa nya nakilala ang dalaga....sana sya ang una nitong minahal....hinihiling nya na sana, mapansin ng dalaga ang tunay na nararamdaman nya para dito.....

########

sa kabilang dako ng mundo, nakatanggap ng magandang balita ang mag-asawang Trisha at Arthur Ayala....nagising na si Ryan mula sa mahigit walong buwan nitong pagtulog....walang pagsidlan ng kasiyahan ang mga magulang ng binata....hindi nila maitatanggi na unti-unti silang nawawalan ng pag-asa sa kondisyon ng anak....at lubos ang kanilang pasasalamat dahil sa wakas ay nagising na ito.....

makalipas pa ang isang linggo, tuluyan na itong nakalabas ng hospital....naipaalam na rin ng kanyang magulang ang kanyang kalagayan sa mga kaibigan sa Pilipinas....

samantalang pinayuhan pa rin sya na magpahinga sa bahay hanggang tuluyan syang maka-recover....

habang nagpapahinga sa bahay, hindi naman maiwasan ni Ryan na isipin ang kalagayan ng dalaga....hanggang ngayon, kahit ibang puso ang nasa loob nya, di nya maitatanggi sa sarili na mahal na mahal nya pa rin ang dalaga....at alam nya sa sarili nya na wala na syang ibang mamahalin maliban kay Bim....

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon