Chapter 1

7.1K 122 14
                                    

Sunod sunod ang mura ko habang papalapit na ako sa bahay.



Isang pagkakamali mo lang kaming apat ang mawawala sayo.




Paulit ulit na nag eecho sa tenga ko ang sinabi niya saakin noon.

Tangina nadala lang ako.

LALAKI LANG AKO.

Palay na ang lumalapit saakin.

At yun ang pagkakamali ko. Nagpadala ako sa tukso.


Nakampante ako na mahal ako ni Kathryn kayat isang beses akong magkamali ay alam kong tatanggapin niya akong muli.


Pagkababa na pagkababa ko sa sasakyan ay agad akong pumasok sa loob.


Sana hindi pa huli ang lahat.

Sana...


"Nay!!! Kathryn!! Nay!"

Nagsisigaw ako dahil hindi ko mabakas na nandito pa sila sa bahay.

Nagpunta ako sa kwarto namin.

Wala na ang mga gamit niya, konti nalang ang natitira.

Pinuntahan ko rin ang kwarto nang mga bata..

Wala narin ang mga gamit nila.



Argh! Anong ginawa mo Daniel?!


Nakarinig ako nang tunog nang sasakyan.

Bumalik sila?

Bumalik sila.

Kayat nagmadali ulit akong bumaba at nagpunta sa parking.


Yong kaninang ngiti ko ay nawala nang makita ko si Mama, si Magui at Lelay na namamaga ang mata.



"M-Ma..."




Tinignan ako ni Mama. Masamang tingin ang pinukol niya saakin.




*slap* *slap*



Mag asawang sampal ang natanggap ko kay Mama. Halos pumutok ang labi ko sa sobrang lakas nang impak nang sampal ni Mama.




"mali ba ako nang pagpapalaki sayo Daniel? Iniwas kita sa pamilya nang tatay mo dahil ayokong mamana mo ang kinaugalian nila. Pero anu to Daniel? Anu to?"






"paano mo nagawa yun ha? Nasan na yong daniel na pinaglalaban ang mga taong mahal niya? Nasaan na ang daniel na ginagawang mundo si kathryn pati ang mga anak niya. Daniel nasaan na yun? Kasi sa nakikita ko ngayon? Wala kang pinag iba sa mga lalaking nakasama ko! Pilit nating iniiwasan ang mangyari yun, ikaw na mismo ang nagsabi saakin noon na hindi mo itutulad ang magiging asawa mo sa nangyari saakin. Hindi lang kay kathryn nasira ang pangako mo, pati saakin Daniel sinira mo ang tiwala ko."




Tinalikuran na nila ako.








***



"asia's king and queen of heart hiwalay na..."




"ayun sa mga kumakalat na balita, 3rd party daw dahilan nang kanilang paghihiwalay, kaugnay dito ang kapartner ni daniel sa movie nila na pinagbibidahan ng tito robin niya. Hindi paman nagsasalita ang magkabilang panig, kinumpirma naman ito nang tweet ni Kathryn na ITS OVER. Maraming fans ang nagluksa, nalungkot at nagbibigay nang pampalakas nang loob kay kathryn. Samantalang matapos ang ilang minuto nang tweet ni kathryn ay nagtweet din si Daniel na talaga nga namang pinagkaguluhan nang maraming fans nila. WIN HER BACK. Ngayon nahahati ang mga fans nila sa dalawa. Marami ang nasa panig ni Kathryn ngunit ganun din kay Daniel na suportado ang kanyang desisyon."



CHASING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon