chapter 11

4.5K 113 14
                                    



Tinanghali na ako nang gising dahip late narin naman ako nakatulog kagabi.

Siguro hindi lang ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Talagang ginagampanan na ni kath ang pagiging ina at asawa niya.

Oo pati saakin ay bumabawi siya.

Nagulat na nga lang ako nong isang gabi ay pumasok siya sa kwarto.

Tinatanong ko siya kong anu ang ginagawa niya, ang sabi niya, dito daw siya matutulog sa KWARTO NAMIN.

Diba? Sino ba naman ang hindi mababaliw sa ganun?

Sa iisang kama lang kayo...

Hayy hindi niya alam kong gaano ako nagpipigil gabi gabi dahil katabi ko siya.

Matapos kong maligo ay bumaba narin ako.

Okey lang na tanghaliin ako ngayon, dahil sabado at wala namang pasok ngayon ang mga bata paniguradong natutulog pa ang mga yun.

Pero mali ako...

Gising na sila at mukhang nagkakatuwaan sila, habang naglilinis sa buong bahay!

Okey?

Nagsasayawan pa sila at nagtatawanan.

Natatawa si kay dj dahil panay ang kembot.

Nakakatuwa lang pagmasdan ang masaya ang mga anak ko sa pagbabalik nang nanay nila.



"Nay si Tatay gising na." si Sab ang nakapansin saakin.


Tiningnan naman ako ni Kath at nginitian.

Lumapit siya saakin.

"magbreakfast kana..." nakangiti niyang sabi.


"magkakape lang ako."



Ngumuso sita parang hindi niya nagustuhan ang isinagot ko.



"hindi pa ako kumakain Tay, hinintay kasi kita."



Napalunok ako sa narinig niya.



"hindi mo na dapat ginawa yun. Anong oras na..."


"pero gusto ko, kaya tara na.." hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinatak ako papasok sa dining.



"umupo kalang diyan, ako na maghahanda."

Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita dahil naggayak agad siya.



"paubos na pala ang stocks sa bahay no? Grocery tayo mamaya Tay, gusto ring magmalling nang mga bata."


"sige sige..." tipid kong sagot.




"hindi paba bumabalik sila Mama karla?"



"nag migrate na sila sa San Francisco, tumatanda na si grandpa kaya hindi nila maiwan iwan. Si Magui naman, ay mas piniling doon magwork."



"ahh kaya pala, eh bakit hindi kana kumuha nang maids?"



"dahil kaya ko naman mag isa."


Hindi na ulit siya nagsalita.

Wala namang mali sa sinabi ko diba?

Totoo namang kaya ko mag isa.

Ilang taon ko nang ginagawa to, hindi ko paba kaya?


"ahh anong gusto mo? Espresso? Or black coffee? Or tea? Or Me?" biro niya pero hutaaaah! Kinilig ang hormones ko pwede bang isilid kita sa kwarto at pagurin nang pagurin?


CHASING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon