chapter 7

3.3K 95 11
                                    

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad papasok sa bahay.

Gusto kong umiyak. Gustong gusto kong ilabas ang lahat nang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na kaya ang sakit...

Habang tumatagal e mas lalo akong nasasaktan.

Pucha! Sa isang pagkakamali ko, triple ang naging kapalit neto saakin.

Hindi ko na talaga siya maintindihan...


Nakita ko si Mama kaya lumapit ako sa kanya, walang sabi sabi ay niyakap ko siya nang sobrang higpit kasabay neto ang pagtulo ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"M-Ma ang sakit sakit na..."

Alam kong hindi naman ako papanigan ni Mama dahil kasalanan ko naman talaga pero tangna hindi ko na talaga kaya ang sakit eh.

Bumuntong hininga si Mama."kayanin mo. . . Maging matatag ka para sa mga anak mo Daniel. Kong hindi man kayo bumalik sa dati ni Kath, maging mabuting magulang nalang kayo sa mga anak niyo... Wala eh, hindi kita pwedeng kampihan kahit anak pa kita dahil ikaw naman talaga ang may kasalanan. Nagpatukso ka na hindi naman dapat..."

Hindi ko ata kakayanin na ang tanging relasyon nalang namin ay maging magulang sa mga anak namin.

Ngayon palang para nang tinutusok nang karayom ang puso ko.

"Ma, hindi ko kaya yun... Mahal ko siya... Mahal na mahal ko siya. At hindi ko hahayaan na ganun nalang magtapos ang relasyon naming dalawa."

"wala tayong magagawa diyan anak, ikaw ang nagkamali. At isa pa, desisyon parin ni kath ang iisipin natin lalo nat siya ang naagrabyado dito."

"hindi ko kasi matanggap Ma eh, space lang ang hinihingi niya saakin. Binigay ko yun sa kanya kahit ayoko. Tapos ngayon, sasabihin niya saakin na maging magkaibigan nalang muna kami?"

Galing ako sa bahay nila Kath Kanina, luckily naabutan ko siya doon sa bahay nila.

Nag usap kami...

Actually siya ang nag ayang makipag usap saakin.

Nakaramdam ako nang saya nun, kasi iniisip ko baka ito na yong sinasabi niyang handa na siya at babalik na siya saakin.

Matagal tagal narin naman kasi kaya iniisip ko na baka nga napatawad na niya ako.

Pero hindi yun ang sinabi niya saakin.


"ayoko nang magpaligoy ligoy pa Daniel dahil may shooting pa ako kaya mamadaliin ko ang lahat ng ito."

Ang lamig nang pakikitungo niya saakin, kaya yong kaninang ngiti ko ay unti unting naglalaho.

"ayokong paasahin ka sa mga bagay na hindi pa ako handa. For now, maging magulang nalang muna tayo sa mga bata."

"a-anong ibig mong sabihin?"


"maging magkaibigan nalang muna tayo."

Nag iwas siya nang tingin saakin.

"what?! No! Nay, please itigil na natin to, bumalik kana sa bahay. Kunin na natin yong mga bata at tumira ulit sa isang bahay gaya noon... Nay..."

"ayoko na Daniel... Honestly? Hindi ko kayang kalimutan ang panloloko mo saakin. Tuwing pipikit ako nakikita ko yun, tuwing makikita kita nakikita ko yun. Daniel, hindi naman ako nakakaahon sa sakit eh, hanggat nakikita kita sa paligid patuloy akong nasasaktan. Ginusto mo to diba? Ginusto mo akong saktan! Ginusto mong magkawatak watak tayo! Ginusto mo to! Ginusto mo to!"

CHASING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon