>>Dude, manuod ka nang FB live, presscon ni Kath<<
Natanggap kong text mula kay Diego.
Kumunot naman ang noo ko dun pero dahil nacurious ako ay binuksan ko ang android TV namin sa sala at piniling doon nalang manuod nang sinasabi ni Diego.
Snearch ko pa ang page ng abs dahil doon daw pinapalabas ngayon live ang presscon ni Kath.
Pagbukas ko palang ng fb live mukha niya agad ang nakita ko...
Halos magdikit na ang kilay ko sa nakikita ko sa kanya. Umiiyak siya na para bang nasasaktan siya.
"this past few years, I've been so selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko... Hindi ko inisip ang ibang taong nasasaktan ko. Ang mahalaga lang saakin noon ay ang pangarap ko. Mas pinili kong tahakin ang magulong mundo, kesa ang magkaroon nang tahimik na buhay kasama ang pamilya ko..."
Napakagat siya sa labi para pigilan ang hikbi niya.
"iniisip ko kasi na kahit anong mangyari tatanggapin at tatanggapin parin nila ako. Pero hindi pala, pwede karin pala nilang iwan. Pwede karin pala nilang talikuran gaya nang ginawa ko. Masakit sobrang sakit..."
"pero alam kong mas nasaktan ko sila.."
"today, ngayong araw ay tapos na ang kontrata ko sa ABS, sa star magic... Pero hindi na ako magre-renew ng contract... Tama na siguro yong para sa sarili ko, may mga anak ako na kailangan kong unahin na ngayon alam kong nasaktan ko. At sa lalaking, ipinaglaban ako noon na binalewala ko lang dahil sa makasarili ako. Im really sorry, matagal na kitang napatawad, dahil alam ko sa sarili ko, mahal na mahal mo ako. Nagkamali kaman noon, alam kong ako padin ang tinitibok ng puso mo... Tay.."
"Tay, matatanggap mo paba ako?"
Panibagong luha ang tumulo sa mga mata niya.
Tumawa siya ngunit peke.
"sa lahat ng supporters ko. Maraming maraming salamat sa inyo. Sobra sobra ang binigay niyo saaking suporta to the point na makikipagpatayan kayo wag lang ako masaktan... Hindi dito titigil ang pag iinspire ko sa inyo. Hindi man sa ganitong sitwasyon, kundi pati sa ibang bagay..."
"sa star magic, Mr. M thank you so much sa lahat nang blessing, opportunity, and memories na babaonin ko kahit hindi na ako artista. Maraming salamat sa lahat nang mga nakatrabaho ko, sa mga naging kaibigan ko sa industriya, sa mga crew na nakikipagpuyatan din saamin, sa lahat nang nakasama ko. Maraming salamat, mananatili kayong kaibigan saakin."
"bubuksan ko ang bagong journey nang buhay ko...."
"im Chasing my happy ending. Yun ay kasama ang mga anak ko at ang asawa ko. Thank you sa lahat nang pumunta."
Biglang naputol ang linya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
She choose us...
Pinili na niya kami...
Pero bakit hindi parin ako masaya?
Dahil ba hanggang ngayon ay iniisip ko parin na mas pinili niya noon ang pangarap niya kesa sa pamilya niya?
Bakit ganun?
Nasasaktan parin ako?
Eto na nga yun diba?