chapter 8

3.6K 103 22
                                    

"Tatay!!!"

Agad akong nataranta nang marinig ko ang sigaw ni Sab. Kinuha ko si Dj na naglalaro sa lapag at tumakbo palapit sa dalaga ko.

"anak bakit? Anong nangyari? Ha? Okey kalang ba?"

"ehh tay okey lang ako... Pero naubusan ako ng pads ko. Meron ako ngayon."

"anong meron? Anong meron ka?"

"tatay naman eh... Mens tatay meron ako ngayon. Ibili mo ako ng napkin with wings."

"hehehe... Nak, mukhang mapapalaban na naman ako diyan ahh. Sige sige maligo kana, iaabot ko nalang sayo mamaya."

Sinara na niya ang pinto.

"naku naman anak, ngayon pa nagkamens ang ate mo kong kelan wala ang mga maids."

Pagkausap ko kay Dj.

Bumaba na kami ni dj.

Wala rin kasi sila Mama dahil summer e nagbakasyon sila sa San Fransisco kasama ang dalawa kong babaeng kapatid. Si Jc naman e may sarili pamilya na yun kaya minsan nalang kong makita ko yun.

Nagdrive ako sa pinakamalapit na convenience store. Sa labas lang nang village namin.

Pagbaba ko ay may mga taong nakatingin saakin.

Sanay na naman ako sa ganyan.

Nong una ay mga nagpapapicture pa saakin.

Papaunlakan ko naman pero sasabihan ko sila ng HINDI NA PO AKO ARTISTA.

Marami ang nawindang sa naging pasya ko.

Pati ako nawindang hahaha.

Binayaran ko kasi lahat ng kontrata ko.

Kaya windang na windang ang bulsa ko.

Pumasok na ako sa loob ng convenience store at hinanap ang kailangan ko.

Whisper ang madalas kong bilhin para kay sab kaya yun ang kinuha ko.

Matapos kong bayaran ay agad din akong umalis baka tapos na si Sab maligo, bitbit ko lang si Dj dahil wala namang mag aalaga sa kanya.

Si sky kasi ay madalas wala sa bahay.

Alam niyo na binata na kaya okey lang naman yun.

Hindi ko ipagkakait sa kanya ang kalayaan na hindi ko nakamit noon dahil sa trabaho ko.

Ilang year na nga ba kaming hiwalay ni Kath?

One?

Two?

Mag t-three years na kaming hiwalay.

Hindi gaya noon na mahirap ngayon parang nasanay narin ako na ganito nalang talaga kami. Na tuluyan na nga niyang sinara ang puso niya para saaming dalawa.

Masaya na hindi...

Masaya ako dahil palagi kaming nagkikita.

Madalas siyang pumunta sa bahay kapag wala siyang ginagawa.

Minsan matutulog siya sa bahay.

Pero hindi na gaya nang dati.

May sarili na siyang kwarto sa sarili naming bahay.

Kong meron mang naapektuhan dito?

Si Sky yun...

Naging cold siya sa nanay niya.

Ni hindi nga siya excited kapag uuwi dito ang nanay niya eh.

Madalas pa siyang magkulong sa kwarto niya kapag nandito ang Nanay niya.

CHASING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon