Sky POV
Its good to be back!
Isang taon lang naman akong nawala pero kontento na ako dun, atleast ngayon masasabi kong okey na ako.
Naranasan niyo na bang makahanap nang taong akala mo siya na ang para sayo?
Naranasan niyo na bang magmahal dahil alam mo at ramdam mo na pareho kayo nang nararamdaman?
Naranasan mo na bang maging masaya kasama ang taong mahal mo?
Eh yong masaktan kahit hindi naman naging kayo?
Kung oo ang sagot niyo, pareho tayo.
Princess Jandi Dimalanta.
Nakakatawa no? Dahil sabi niya, pinaglihi din daw siya sa bida ng boys over flower.
Kaya nga soulmate tayo e, pareho ang pinagkunan nang pangalan natin.
Yun ang sabi niya saakin nang magpakilala siya saakin.
My first love...
My first heartbreak...
Nakilala ko siya nong mga panahong nasasaktan ako para sa Tatay ko.
First, ayoko sa kanya dahil makulit siya.
Mayat maya at nagpapapansin siya.
Mayat maya ay daldal siya nang daldal sa tabi ko.
She was my classmate back then.
Isang transferee na malakas ang loob para kausapin at bwisitin ang araw ko.
Actually, siya lang talaga ang bukod tanging nangahas na kulitin ako.
Kilala ako bilang Badboy sa Academy.
Masungit, at suplado.
Pero siya? Hindi siya natatakot na baka masapak ko siya.
You what i like about her is yong mga ngiti niya, nakakagaan nang pakiramdam ang mga ngiti niya.
"Hi Minho..." kasabay nang pagbati niya ay ang paglabas nang mga magagandang ngiti niya.
Tinaasan ko siya nang kilay, hindi na ako nagtaka kong bakit kilala niya ako. Marami naman talaga nakakakilala saakin, dilang dahil sa gwapo ako ehem, dahil mga artista ang magulang ko.
"what?" masungit niyang sabi saakin.
Napanguso siya.
Damn it! Bakit mo tinanggal ang mga ngiti mo?
Napailing nalang ako.
"im princess Jandi Dimalanta. And you are Minho Dane Skylar Ford diba? Ako ang soulmate mo dahil pareho ang pinagkunan nang pangalan natin." masaya pa siya havang sinasabi yun saakin.
Nakarinig ako nang tawanan, mukhang nahiya siya sa ginawa niya.
Tumayo ako. "im not interested."
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako.
Ang buong akala ko ay titigilan na niya ako.
Pero laking gulat ko nang makita ko siya sa grandstand kong saan kami nag c-car race nang mga kabarkada ko.
"Minho nandito ka pala..." ayan na naman yo g mga ngiti niya. Kong ibang tao lang? Mukha na siyang tanga pero dahil