"Kath..."
Mahinang tawag ko sa kanya.
Tinignan niya ako at malungkot na ngumiti saakin.
"Nay..." tuwang tuwa na sabi ni Dj.
Lumapit naman agad si Kath kay Sab at Dj at hinalikan ang dalawa.
"ang bunso ko... Aww ang likot likot na." tuwang tuwa na sabi ni Kath. Ngunit bakas parin ang lungkot sa mga mata niya.
"ahh puntahan ko lang si Sky... Kain nalang kayo."
Dahil sa sinabi ni Sky, na-awkward tuloy ako kay Kath. excited na ako nun kanina eh. Tsk
Tong binata ko talaga, napakamadamdamin.
Pero nakukuha ko rin naman ang gusto niyang sabihin pero nanay niya parin yun.
Hayy Naku!
Hindi na ako nag abalang kumatok, total nakabukas naman ang pinto niya.
"Sky..."
Nilingon niya lang ako ngunit hindi siya nagsalita.
"kain na..."
"mamaya nalang, hindi pa ako nagugutom."
"anak naman----"
"Tay naman, wag kayong mag expect na haharapin ko si Nanay."
Putol niya saakin.
Napabuntong hininga ako.
"ngayon lang anak, pagbigyan mo na si tatay. Gusto ko rin naman maging buo ang pamilya natin. Kahit ngayon lang hayaan mong maging buo tayo."
Pagsusumamo ko kay Sky.
Narinig ko rin siyang bumuntong hininga.
"i understand. Pero sana wag niyo akong pipilitin na maging masaya sa harap niya. Dahil kahit anong gawin niya hanggat hindi nabubuo ang pamilya natin, hinding hindi magiging maganda ang tingin ko sa kanya."
Tumango tango ako.
"tara na? Ang drama mo nak... Mana ka talaga sa Nanay mo."
"alam mong hindi totoo yan..."
"totoo kaya... Namana mo sa kanya ang ugali mo, saakin lang ang kagwapuhan mo."
"baliktan Tay..."
Hanggang sa makababa kami ay nagtatalo kami kong kanino siya nagmana. Kung sino ang mas pogi saamin, at kong meron na siyang girlfriend.
Hahaha
Nag iwas lang siya nang tingin...
I feel something fishyy! Hahaha
Pagpunta namin sa dining hindi pa nag uumpisang kumain sila Kath at Sab, si Dj palang ang pinapakain ni kath.
"bakit dipa kayo kumakain?"
Nilingon nila kami. Nang makita ni Kath si Sky ay agad siyang napangiti. "hinihintay namin kayo. Tara kain na tayo." nakangiti niyang sabi.
Nong una naging tahimik lang ang breakfast namin, tanging tunog nang kutsara at tinidor lang ang naririnig ko at kong minsan mga hagikgik ni Dj.
Pero nang magtanong na nang magtanong si Sab ay medyo umingay na.
"alam mo ba nanay, lahat ng palabas mo inaabangan namin ni Tatay... Naku lalo na si Tatay, kahit naghuhugas pa yan kapag umire na ang teleserye mo eh magmamadali agad yan."
O diba? Ayos din mambuko tong anak ko.
Tiningnan naman ako ni kath.
"talaga?" tuwang tuwa na tanong niya.