Malakas niya akong itinulak. Pag tingin ko sa kanya nag aalab ang galit niya!
Wala akong ibang makitang reaksyon sa mukha bukod sa galit.
"let me clear something to you Daniel. Ginagawa ko lang to dahil sinabi ni Mr. Chua, at para narin sa movie. So please stop acting na okey na tayo dahil hindi mangyayari yun. After sa gabing ito you're free from me. Pwede mo na ulit gawin ang lahat nang gusto mo."
"Nay-----"
"stop calling me that will you? Im kath.. Just call me kath!" madiin niyang sabi saakin.
Napilitan akong tumango sa kanya.
"tama na muna ang away, tara na hinihintay na tayo nang mga boss." biglang singit ni Mayora.
Naunang maglakad si Kathryn kaya sumunod nalang ako sa kanya.
Nasabi ko naba sa inyo kong gaano kasexy at kaganda ang ASAWA KO NGAYON?
DAMN! sobrang ganda...
Sa sobrang ganda parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa nagawa ko sa kanya.
Isang magandaat mahal nabulaklak ang pinagpalit ko sa isang santan.
Kuha niyo ba ang gusto kong sabihin?!

Bago kami makalapit sa entrance ay huminto si Mayora at Kathryn.
"its time kath, may mga media na sa labas"
Tumango si kathryn at malalim na huminga.
Limapit siya saakin at ikinawit ang braso niya sa braso ko. Tinitigan ko siya nang matagal.
Pwede ko bang halikan ang asawa ko?
Gaya nang madalas kong gawin noon?
Pwede ko ba siyang yakapin?
Gaya nang nakasanayan ko.
Pwede ko ba siyang ipasok sa bulsa ko?
Para maitago ko ang ganda niya at hindi na matignan pa nang iba.
Wala...
Nagsisisi lang ako, ipinangako ko noon na itong gandang ito ang hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong bagay.
Yong pagmamahal na ipinaglaban ko noon sa isang iglap lang nawala ang lahat.
Sa isang pagkakamali ko lang, nabura ang lahat nang sayang idinulot ko sa kanya at napalitan nang sakit.
"act normal Daniel... Pinili mo to kaya panindigan mo" matapang ma sabi niya.
Tumango ako sa kanya at pilit na ngumingiti. "i'll do everything to win you back Nay... Hindi mo ako mapipigilan sa gagawin ko."
Babawiin na sana niya ang kamay niya ngunit mabilis ko itong hinawakan.
"act normal Nay hindi ba? So, call me Tatay..." sabay kindat sa kanya.
"stop playing games Daniel. Hindi ako nakikipagbiruan sayo."
"hindi rin ako nagbibiro. Mark my word Kathryn Ford."