Mabilis lumipas ang mga araw...
Sa loob nang dalawang linggo ramdam ko na ang pagbabago nang lahat saamin.
Hindi ko mapasok ang schedule niya sa sobrang dami nang ginagawa niya. Swertehan nalang kong mareplyan niya ako sa mga messeges ko na sobrang dalang lang naman. Mas malabon naman sa tawag, kahit pa mapudpod ang daliri kakadial e hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.
Kong minsan pa ay ang manager niya ang sumasagot at sinasabing maraming ginagawa si kath.
Kong hindi lang talaga madalas siyang ibalita ay aakalain kong umiiwas siya saakin. Pero dahil laman siya lagi sa balita eh alam kong nagsasabi siya nang totoo.
Sa loob din nang dalawang linggo ay tatlong beses na akong nakadalaw sa NE, sa mga anak ko. Wala namang pinagbago maliban nalang sa anak kong si Sab na halatang pinaglalapit niya kaming muli ni Sky.
Hindi pa kami nagtatagumpay na makuha ulit ang tiwala ni Sky, i still have time para makuha ko ulit ang tiwala niya.
Hindi yun ang ipinangangamba ko. Nangangamba ako sa mga nangyayari ngayon sa amin kath.
Sa loob nang dalawang linggo ay hindi pa kami nagkikita ng personal, kahit na magpa appointment ako sa manager niya ay hindi ako makakuha nang agarang schedule.
Tinatawanan ko na nga lang ang sarili, imagine kailangan ko pang magkaapointment sa kanya para lang makita siya sa personal?
Hindi na magandang biro hindi ba?
Pero mas hindi magandang biro ang mga naririnig kong balita tungkol sa kanya.
Madalas daw kasi netong kasama si Paulo Avelino na ngayon ay makakasama niya sa isap Soap.
Nong una ay okey lang dahil parte talaga yun nang trabaho. Yong kailangan niyong makahang out ang makakapareha mo para maging komportable kayo sa isat isa.
Pero nong mga sumunod na na mga balita ay hindi na nagiging maganda.
Madalas daw itong sunduin at ihatid si kathryn sa bahay nila. Maraming mga kuhang litrato kaya naman alam kong totoo ang balita.
Matagal na ako sa showbiz, almost 10 years na pero hindi ako naging ganun sa mga nagiging kapareha ko.
Kay Liza, hanggang Abs lang kami o sa mga location namin. Hindi na ako umaabot sa puntong ihahatid ko pa siya sa bahay nila.
Kaya naman malaking palaisipan saakin ang nangyayari.
Minsan narin akong tumatambay sa labas nang bahay niya pero hindi ko siya maabutan. Madalas maaga umaalis, at madaling araw na kong umuwi.
Gusto kong magalit, pero anu ang karapatan kong magalit?
Nakagawa ako nang kasalanan kaya kailangan kong pagbayaran...
"damn dude nagmumukha na tayong stalker neto."
Reklamo ni Diego. Siya lang kasi ang madalas kong mahatak dahil siya lang lagi ang available at isa pa kahit diko naman sabihin sa kanya ay talagang nasa tabi ko lang lagi tong si Diegs. Kong di ko lang talaga kilala to iisipin ko na bakla to at nababakla na siya saakin. Hahaha
"wag kang mag alala diegs, this time bababa na tayo kaya tara na."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"woah dude, dont tell me, magpapakita tayo kay kath. No no no Dude, maiissue tayo niyan."
Napairap ako. "anu bang problema dun? Asawa ko ang pupuntahan natin. Kaya tara na, kailangan ko nang kasama. Putek, sa tagal namin ni kath ngayon pa umurong ang angas ko."