Celestine's POV
KRRRIIIIIIIINNNNNGGGG!!!!
Lintek na alarm clock to! Inaantok pa nga ako eiihh. Tinignan ko kung anong oras na... 6:30 palang nama— oh shit! 30 mins nalang magsisimula na ang first subject ko!
Nagmadali na akong pumunta sa bathroom para maligo. Sa mga oras na gaya nito, hindi na ako nag aalmusal. Sanay na rin naman akong magmadali kumilos dahil madalas talaga akong malate ng gising. Alam niyo na isa rin akong katulad niyo. Wattpad Addict. Kaya madalas akong mapuyat.
Hayy! Ba't kase kailangan pang dumating ng umaga?? Inaantok pa ako ehh!! *yawn*
After 10 mins. Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Yaya na naghuhugas ng mga pinggan. Naka-alis na siguro sila daddy. Okay lang sanay naman akong mag-bike or kahit skate board papuntang school. May sarili akong kotse pero nakakatamad gamitin at kailangan ko pa ng driver gayong napakalapit lang naman ng school.
Sumimsim lang ako ng Milo na nakahanda sa lamesa at nag-paalam kay Yaya na aalis na ako. Hindi na siya nagtanong pa kung bakit hindi ako nag-almusal dahil sanay na siyang umalis ako ng nagmamadali.
Agad kong kinuha ang skate board ko na nakatabi lang sa may bungad ng garden namin at umalis gamit 'yon.
Nagtataka siguro kayo na baka liparin ng hangin ang palda ko noh? Don't worry, may shorts akong suot at hindi naman kaiklian ang palda ko hindi katulad ng mga palda ng mga maaarte sa school na super ikli na halos makita na yung singit nila. Tsaka walking distance lang naman yung school na pinapasukan ko na pag mamay- ari nila daddy. Sa kanila hindi akin, kaya ewan ko ba kung bakit takot na takot yung mga ka-school mate ko sakin. Sabagay may pagka mataray naman talaga ako lalo na sa mga bitch na humaharang sa dinadaanan ko at sinasabihan akong mang-aagaw ng boyfriend samantalang hindi ko nga kilala yung mga boyfriend nilang feeling pogi.
Dali dali kong nilagay ang skate board ko sa tabi ng private parking ng aking bike. Pinalagyan ko talaga sadya ng space ang parkingan ko ng bike at skate board ko. Katabi lang naman 'to ng madalas kong parkingan o kaya ng mga magulang ko.
Nagdire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng classroom. May napansin akong nakatayo sa tapat ng kabilang side ng pintuan pero hindi ko nalang pinansin at nagmamadaling binuksan ko ng pabalang ang pinto at umupo sa upuan ko sa dulo.
"What?" sigaw ko sa kanila ng mapansing nakatingin silang lahat sa akin. Agad din naman silang umiwas ng tingin.
"You're late again Ms. Casstringe!" Sabi ni Mrs. Masangkay sa harap.
"Yep, I know. I'm sorry Ma'am! I just woke up late." simple kong sagot ng hindi manlang tumatayo.
Tumingin ako sa upuan sa may harap ko. Absent siya.
Tumayo na si Mrs. Masangkay mula sa pagkakaupo niya hudyat na mag sisimula na siyang mag disscuss about sa History.
Yumuko nalang ako at pumikit dahil aantukin lang din naman ako sa pagtuturo niya. Sabi ko naman sa inyo wattpad addict ako kaya antukin talaga ako. Pero hindi naman sa pagamayabang pero alam ko na naman yung mga pinag tuturo ng mga teacher dahil narin galing akong states 2 years ago. Wala akong ginawa roon kundi mag-aral. Home-school ang peg ko nun at hindi ko na eencounter si Watty kaya puro libro ng library ang binabasa ko at hindi na rin imposibleng makakuha ako ng matataas na score sa mga tests kahit hindi ako nakikinig sa tinuturo sa kanila.
Nang i-angat ko ang ulo ko may pinapasok si Mrs. Masangkay mula sa pinto. At may pumasok na isang lalaki.
Tinignan ko siyang maglakad papunta sa harap ni Mrs. Masangkay. Nagtama ang aming mga paningin. Alam kong ako yon dahil wala namang nasa likod ko kung hindi pader. Natitigan ko ng mas matagal ang kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...