Addict 7
Allen Kurt's POV"Whoooaaahhh!! What was that Sandoval?! Did you just smile? ^O^" sigaw ni Black. Napaka-ingay.
"No. I didn't. (--___--)!" Mahina kong saad sabay walk-out.
Aiisshh! Bakit ko ba ginawa 'yun?? Makakagawa nanaman 'tong mga ugok na 'to ng pang-asar sakin tsss.
Hindi ko kasi mapigilan. I was just fascinated by her attitude. Ngayon lang ako nakakita ng babaing hindi umuubra kay Wilson. Tinarayan pa nga niya, pfftt!
Pumunta ako sa school garden at umupo sa ilalim ng puno. Maganda rito tumambay dahil tahimik at maaliwalas. Sa EHU kasi ay sa field lang ang tambayan dahil sobrang laki nu'n. 'Yun nga lang, minsan maiistorbo ko ng nagliliparang bola o mga taong papansin.
Naalala ko yung mukha niya. Yung mga mata niyang mukhang mataray pero maganda. Pati yung pisnge niyang may pagka-mataba. Kanina para 'yung lobing puputok sa asar kay Wilson, pfftt!
*tug* *tug* *tug* *tug* *tug*
*tug* *tug* *tug* *tug* *tug*
*tug* *tug* *tug* *tug* *tug*
*tug* *tug* *tug* *tug* *tug*
What the?! I know this sign...
Ang sabi ni Wilson, kapag bumibilis daw ang tibok ng puso mo, may nilalaman na raw ito. Anong klaseng laman naman kaya yun??
WTH! Nababaliw na ba ko?? Bakit ako naniniwala dun sa Wilson na yun?? Puro kag*guhan lang alam nun ehh. Malamang kalokohan nanaman niya yang sinasabi niyang laman na yan.
Sht! Mabuti pa itanong ko nalang ito sa doktor. Baka may heart disease na ko, di ko pa alam. I don't much about heart diseases but there's gotta be a problem in mine. From what I know, isa sa symptoms nun ay ang pakiramdam na para kang pagod kahit hindi naman.
Tumakbo ako papuntang parking lot at sumakay sa kotse ko. Wala akong paki-alam kung pagalitan pa ko ng dean pagbalik basta kailangan ko ng kumunsulta sa doktor.
***************
Almhi's POV
Anyare dun?! Matapos niya kong titigan, ngingiti-ngiti siya sabay walk out?! Aba! Hindi libre titig sakin noh!
Baka kay Kim Taehyung pwede pa. Pero sa kanya?? Meehh...CHOZ!! Masyado naman akong nagmamaganda. Ayoko lang titigan ako ngayon dahil hindi ako kumportable. Feeling ko kasi nararamdaman ng kung sinong tumititig sakin na bumubulwak yung dugo ko dahil sa pesteng regla na 'toh.
Ammpp ang dugyot grrr!!!
Pero in fairness kamukha niya si Kim Min Kyu, yung Korean actor. Hindi nga lang siya kasingkitan tulad ni Min Kyu.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...