Addict 12
Celestine's POV
"Lintek ka! Kung san san ka nagsususuot! Alam mo ba—"
"Sinabi ko bang sumunod kayo??" depensa ni Denver.
"Oo nga. Inaalala niyo pa yang lalaking yan. Duwag naman yan ehh. 'Di yan makikipagbugbugan. Tignan mo kayo tuloy ang napasabak. Hahahaha!" hanggang ngayon ay nang-aasar parin si Cydric. Ready na akong sipain siya nang humirit nanaman siya.
"Oh pano kayo nakatakas? Niligtas ka ng destiny mo?? Hahaha! Pwe!" pang-aasar pa niya. Wala na akong nagawa kundi mag-walk out. Hindi naman yan titigil hanggang sa maubusan siya ng laway!
Maka-pwe ammpp! Bitter lang siya eh. Imbis na mag-alala.
Umakyat ako sa kwarto at dumiretso sa terrace ng kwarto. Tinanaw ko ang buwan sa itaas kasama ang kakaunting bitwin sa paligid niya.
I can clearly remember how he got away after beating those tiny men.
FLASHBACK:
"A-ahh. Sage, we're in trouble! Come on, maaabutan na nila tayo!" Sabi ko sabay hila sa wrist niya. Nauna nang tumakbo ang mga nasa likod ko at susunod na dapat ako nang maramdamang 'di ko mahila si Sage. Nilingon ko ang mga lalaki at malapit na sila sa amin.
"Sage halika na! Ano ba?!" Kinakabahan ako habang hinihila siya. Napahinto naman ang mga lalaki sa harap namin saka ako tinignan dahilan ng pagkakahigpit ko ng hawak kay Sage. Nagtago ako sa likod niya at napapikit.
Waahh!! Dapat natatakot na ako ngayon diba?? Bakit kinikilig pa ako?? Savior!! <3
Oh shit! Celestine, you're insane!
Napabitaw ako ng hawak kay Sage nang tumikhim siya habang papalapit sakanya ang mga lalaki. Sinilip ko ng kaunti ang mga lalaki mula sa likod ni Sage.
Agad na lumayo si Sage sakin tsaka bumwelo ng suntok sa isa sakanila at sa iba pa. Payatot sila pero sabay sabay silang umatake kaya medyo nahirapan si Sage. Natanaw ko ang isa sakanilang tumakbo papunta sa isang gilid at may kinuhang kung an sa lupa. Nanlaki ang mata ko nang nakita iyon.
Kumuha siya ng bato na sakto lang sa kanyang palad. Agad ko siyang tinakbo at lumapit sa harap niya. Bu-bwelo na dapat siya ng hagis ngunit hinawakan ko siya sa balikat gamit ang kanan kong kamay tsaka ko siya nginitian. Pero napawi ang ngiti ko nang ngumisi siya. Nandiri ako kaya agad ko nang ginawa ang gagawin ko. Tinuhuran ko siya ng malakas sa kanyang maselang parte. Napaluhod naman siya pero hindi pa ako nakuntento. Sinipa ko pa ang dibdib niya para tuluyan siyang mahiga.
Mambabato ka pang payatot ka ahh!! Hmmpp!!
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...