Celestine's POVNaglalakad ako ngayon patungo sa room. Medyo maaga akong nagising dahil hindi ako nakapag-basa kagabi dala na rin ng pagod kaya mabilis akong dinalaw ng antok kagabi.
Pagkapasok ko ng room ay kakaunti palang ang tao. Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder bag, nag message ako sa JHAYDACC at tinanong ko kung nasan na sila pero walang nag reply sa message ko. Tsss. Mga tamad talaga.
Habang naghihintay akong dumating ang teacher namin ay nagbasa muna ako ng libro sa alam niyo na yun.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may maramdaman akong umupo sa katabi kong upuan. Nakita ko siyang prenteng nakaupo at may kung anong sinusulat.
Ilang saglit lang at dumating na ang mga kaibigan ko. Napansin kong bigla nalang nagkaroon ng spaces para sa limang tao. Isa lang ang ibig sabihin nito. Magkaka-klase kaming magkakaibigan sa first subject. Wala nga lang dito si kuya dahil nasa kabilang building ang mga College. Sabi niya kanina hintayin daw namin siya sa tapat ng room namin para sabay sabay daw kaming mag-breakfast. Ganun naman talaga yung gawain namin kahit noon pa."Hi Celestine!" Sabay na wika ni Happy at Apple pagka-pasok nila ng classroom.
"Mukhang maganda gising natin ngayon ahh!" Bati ko sa kanila.
Si Almhi naman umupo sa tabi ko sa kanan.
"Tine. Sino yang cute guy na katabi mo?" Bulong niya sakin at halatang kinikilig.
"Ahhh Sage yung pangalan niya. Transferee siya. Actually kahapon lang siya nag-transfer." sagot ko sa kanya ng pabulong din.
"Hihihi type mo siya noh?? Ayyiiee! Siya na ba yung wattpad boy na hinahanap mo?" Sabi niya habang medyo napapalakas ang boses kaya agad ko siyang pinatahimik.
The guy shifted on his seat a little beat kaya pinanggigilan ko si Almhi.
"Pero di nga Tine. Seryoso ako. Siya na ba?" Pangungulit niya. Kaya wala akong nagawa kundi irapan nalang siya.
Tinawanan niya naman ako at pinagbantaan na alam na alam niya raw yung reaction kong ganto.
"Alam mo Tine? Bagay kayo." Sabi niya ulit. Hindi parin pala siya tapos.
Umirap nalang ako para hindi mahalatang kinikilig ako.
Nahagip ng mata ko ang DEN² na as usual, mag kahawak ng kamay na pumasok sa classroom. Umupo sila sa harap namin. Gusto talagang magsarili.
"Tine. Blooming ka ngayon hehe." Sabi ni Yezza sakin habang ngumingisi. Umupo siya sa tabi ni Almhi. Nag-palit sila ng pwesto ng upuan.
Alam ko na ang ibig sabihin ng ngiting yan kaya agad kong kinapa ang notebook ko at ibinigay iyon sa kanya.
"Wow! Paano mo malaman na kailangan ko yan?" Nagtataka nyang tanong. Nag kibit-balikat nalang ako sakanya.
"Aissh nevermind. Thankiees talaga Tine, you’re the best!" Sabi niya habang tumatalon talon pa.
Kinopya niya agad ang mga naka sulat sa notebook. After 2 minutes agad din naman niyang ibinalik iyon.
Ilang saglit lang ay pumasok na sa classroom si Mrs. Masangkay.
"Good Morning." Pormal na bati niya.
"Good Morning.” Pabalik na bati ng iba samantalang ang iba ay hindi na nag-abalang bumati pa.
Nagsimula ng mag-disscuss sa harap si Mrs. Masangkay. As usual, nagkwento siya ng mga pangyayari many many years ago.
Haay boring. Pumangalumbaba ako para mapigilan ang antok kaso ng magtagal ay bumagsak parin ang ulo ko at bumagsak iyon sa balikat ng kung sino mang nasa kaliwa ko.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...