Cydric's POV
"Shirley." bati ko sa kabilang linya.
"Yes, sir. What can I do for you?" sabi niya sa kabilang linya.
Isa siya sa mga tauhan ni Papa, tunay kong daddy. Sabi niya pagdating ko raw dito at may kailangan akong kuhanin doon sa korea ay tawagan ko lang siya.
Pilipino rin naman siya kaya hindi na ako mahihirapan makipag-usap.
Nakiusap kasi sakin si Tine na bilhan daw siya ng mga album ng BTS. Hindi raw kasi available dito yon sa Pilipinas. Eh since, pwede naman ako magpabili sa korea sinabi kong ako nalang ang bibili.
"Buy me all the albums of BTS. I want that complete. I need that tomorrow ok?" sabi ko.
"As you wish Mr. Cydric." sabi niya at saka ko in-end call.
"Ok na. Makukuha na natin yun bukas." sabi ko sakanya at sumulyap ng mabilisan dahil nagda-drive ako.
"Yey thanks oppa!" sabi niya habang pumapalakpak pa. Last week niya lang natutunan yang mga basic korean languages at kahapon niya lang akong tinawag na Oppa.
Sabi niya kasi kailangan niya rin daw mag-aral ng korean dahil baka dumugo raw ang ilong niya sa akin. Nako kung alam niya lang ang karanasan ko kay Eomma.
Marunong naman mag-english ang mama ko kaso sabi niya dapat daw matuto ako mag-korean kung gusto ko raw tumira don dahil hindi kami mag kakaintindihan ng mga pinsan ko roon.
"Para kay Almhi yung album noh. Ba't mo ba naman naisipan yan?" sabi ko.
"Eh kasi naka-one week straight akong nanghingi ng notes sakanya. Eh alam mo naman yun, napaka-mautak at laging may kapalit. Kaya bibilhan ko siya nun para sa pasasalamat." nakangiti niyang sabi.
"Eh sa pagkakalam ko bumili na siya ng album last year nung nandon pa kami." nagtataka kong wika.
"Sabi niya bumili siya ng album pero nilagay niya lang dun sa collections niya at ayaw niya raw gamitin dahil baka raw masira kaya sabi niya gusto niya bumili ulit. Yun yung gagamitin niya na talaga. Kaya napagdesisyunan kong unahan ko na siyang bumili para yun na yung pambawi ko sakanya." pagpapaliwanag niya.
"Iba talaga pag fangirl. Ang gastos!" sabi ko habang naiiling.
Kung si Celestine at Apple kasi ay Wattpad Addict si Almhi naman ay K-pop lover.
Si Yezza at Denise naman Potter Head.
Tapos si Happy tsaka si Denise ulit Directioner.
Oh diba grabe talaga yang mga babaing yan hindi mawawalan ng hinahangaan na hindi naman sila ma no-notice.
"At bakit ka nga pala umabsent ng ganun?! Balita ko yung class nayun lang ay ang class na kaklas mo ang lalaking yon!" naiirita kong tanong.
Kahit nalaman kong hindi ko siya tunay na kapatid at hindi ko tunay na mga magulang sila daddy at mommy ay kailan man hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila.
Thankful pa nga ako dahil inalagaan at minahal nila ako na parang tunay nilang anak. Kung hindi dahil sa kanila palaboy laboy lang ako sa daan, nanlilimos at naghahanap ng makakain sa basurahan. Ayytt! Kailan pa ko natutong mag drama?!
“It’s not like what you think, kuya. Napahiya kasi ako kaya nag lie-low muna ako." seryoso niyang wika habang nakatingin ng seryoso sa akin.
“Ano?! Pinahiya ka ng gagong yun?! Who-“ Nag-init bigla ulo ko. Sage’s the name right? I stared at the road sharply.
“No! I said napahiya ako! Hindi niya ako pinahiya okay?” Paliwanag niya pa.
“And you’re defending him? You like him huh?” I’m starting to get annoyed.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Novela JuvenilHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...