Addict 10
Rose's POV
"Rosella Mae Casstringe..." tawag ng nasa likod kong may tonong pagbabanta. Nilingon ko si Celestine na nakahiga at naka-tingin sa cellphone ko.
Lumapit ako sakanya at kinuha ang cellphone ko. Nag-message si Daniella. O_o Pa'no niya nalaman ang tungkol samin?! Mag re-reply pa sana ako kaso inagaw na ito ni Tine.
Tinaasan niya ako ng kilay. Binigyan niya ako ng 'Magpaliwanag-ka-look'.
"Ahh guys labas muna kami ni Tine. May pag-uusapan lang kami." Pagpapaalam ko tsaka hinila palabas si Celestine.
Huminto kami sa sala sa baba. Nag-cross arms si Tine atsaka nagtaas ng kilay.
Napakamot ako ng ulo. "Aahhh...pa'no ba 'to." nag-iwas ako ng tingin tsaka humawak sa baba.
"Tell me the whole story." sabi ni Tine sabay upo sa sofa.
-FLASHBACK-
Kasalukuyang nagtuturo sa harap si Mr. Vasquez, ang terror na teacher namin sa Science. Last subject na namin ito.
Nakapangalumbaba naman ako at tahimik na nakikinig sa kanyang tinuturo nang may tumambad sa aking harap na ballpen.
Tinignan ko kung saan galing iyon at ng makita kong galing iyon kay Brian na nasa harap ko lang ay nag-init agad ang ulo ko. Binato ko iyon pabalik sa kanya ngunit masyado itong napalakas kaya umabot ito sa likod ni Mr. Vasquez na may kung anong sinusulat sa board. Napatigil ito sa kanyang ginagawa at agad kaming nilingon ng nakasalubong ang kilay.
"Who is that?!" Diin na wika ni Mr. Vasquez.
Dahan dahan ko namang tinaas ang kamay ko ng nakayuko. Nanginginig na ako sa kaba dahil lumapit sakin Mr. Vasquez.
Padabog nitong inilagay ang ballpen sa desk ko kaya napaangat ang balikat ko at napapikit ng mariin.
"1 hour detention, Ms. Casstringe." Sabi niya at saka bumalik ulit sa harap at nagturo ulit na parang walang nangyari.
'Detention detention.. Hindi man lang ako pinag explain-.... Wait, what?!
Holy sh*t. May piano lesson pa akong dapat attendan pagkatapos ng class!
Bumaling naman ako kay Brian at sinamaan siya ng tingin. Lalo naman akong nainis ng ngumisi ito at nangindat pa ang g*go! Aarrrggghhh!
Tumunog na ang bell at nagsitayuan na ang lahat pati ako. Lumabas ako ng classroom ng nanlalambot at bagsak ang balikat. I'm sure malalaman agad ito ni Mom.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...