Addict 14
Apple's POV
Natanaw namin si Sage na nakaupo sa isa sa mga mesa sa loob ng café. Kasama niya sa table ang team mates niya na maiingay samantalang si Sage at ang katabi niyang lalaki ay tahimik lang, yun yata yung Allen Kurt Sandoval. Pinakatahimik daw siya sa team.
Kilala ko na ang Lightnings dahil sa kadaldalan ni Yezza, nai-tsismis na niya samin matapos nilang magsabay sa cafeteria last time. Naikwento niya kasi kung bakit hindi nanaman pumasok si Clestine last time. Pfftt! Natanawan ko tuloy ang sinisipsipan ni Sage ngayon. Chuckie iyon kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng malawak.
Hinila ko si Tine na mabagal na naglalakad at pinaunang pumasok. Naglingunan naman sila nang tuluyan kaming makapasok.
"Ayan na si Celestine, Captain oh!" Sigaw pa nung isa, si Warren Black, kahit na nakalingon na si Sage sa gawi namin. Dumiretso kami papalapit sa kanila.
"Hi Lightnings! Nice to see you again hehe." Paunang bati ni Celestine at tumayo naman sila na ngiting ngiti.
"Hi Celestine." Pormal na bati nung isa na malaki ang ngiti. Sa pagkakaalam ko ay siya ang pinaka-friendly sa team na si Keith Jezreel Anderson.
"Yow Casstringe!" Sabay na bati nung dalawa. Yung Warren Black at Jonathan Wheeler.
"Celestine! *wink*" Sabi naman nung isa na kumindat pa. The great Clark Oliver Wilson na nung Thursday lang ay may pinaiyak na babae.
Kaklase ko yung babae sa isang subject at pinagkakalat niyang girlfriend siya nito dahil nai-date na raw siya kaso nung sinalubong siya nito ay simpleng sinagot lang ni Clark ay 'I don't do girlfriends. Sorry Miss, but it was fun.' It was a mess because many students were watching her. Pinagkalat niya pa kasi, ayun pahiya siya. Iyak siya eh.
Hahawak na sana si Clark sa likod ni Tine nang tampalin niya iyon. Nagtawanan naman sila at lumingon sakin kaya nginitian ko lang sila at tumango.
"Ahh si Apple pala, kaibigan ko. Magkaka-group kami ni Sage. Pero kayo hindi naming ka-grupo, so why are you guys here?" dere-deretsong sabi ni Tine. Ang prangka huh? Siniko ko naman siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ouch! Ayaw mo ba 'kong nandito?" Humawak pa sa dibdib niya yung kumindat kay Tine kanina na kunwaring nasaktan.
"Hahahaha! Grabe 'toh oh. Sinamahan lang naming maghintay sa inyo si Cap. Kakagaling lang naming practice eh. Aalis na rin kami since nandito na kayo." Sabi nalang ni Jonathan sabay lingon sa kung saan.
"But before that, let me introduce myself to your pretty friend *wink*" Ako naman ang kinindatan ng lokong Clark. Ang landi pala talaga ng lalaking 'to.
"No need. I know all of you guys. Especially this manwhore." Sabi ko ng nakangiti sabay turo kay Clark. Nagtawanan naman sila at nakitawa rin naman si Clark. Kinuhanan kami ng upuan ni Allen Kurt kaya naupo na kami at umupo rin naman sila ng sunod.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Ficção AdolescenteHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...