Addict 13
Celestine's POV
"Anong eksena nun?" Pang-uusisa ni Yezza matapos marinig ang papaalis na sasakyan ni Cydric.
"Pfftt! Baka ayaw niya lang mahuli sa tsismis kaya gusto niya ipaalam agad sakanya." Sabi ni Almhi.
"Bakit, may pina-plano ba kayong gawin? Psh!" Walang ganang sambit ni Denver. Napa-buntong hininga naman kami.
Ang tamlay tamlay ng aura niya. Buti nga hindi naman siya gaanong nalasing dahil naalalayan nandun si Cyd. Pumunta raw siyang convenience store para bumili ng tubig para mahimasmasan sa alak na ininom.
"SYEMPRE... wala." Sagot ni Happy.
"Apple??" I turned to Apple na tulala lang at umiling lang 'to sa akin.
"I have no idea how to deal with this." Apple said. Maski siyang maraming pakulo nawalan ng ideya kung pano magre-react sa sitwasyon.
"'Wag nalang kayong makialam. This is our relationship anyway." Nagpilit ng ngiti si Denver samin. Bumuntong hininga ulit kaming mga babae.
"Yeah. I think you guys should talk by yourselves and sort it out yourselves." Nagpilit din ako ng ngiti kay Den para pagaanin ang atmosphere.
"But you're both our friend. Syempre concerned di—" Angal pa ni Almhi.
"Mhi... Hayaan na muna natin silang mag-usap. Umalalay nalang tayo sa kanila. Hindi naman ikaw ang jowa, tsk." Pangongontra ni Yezza na inirapan lang ni Almhi ngunit wala na ring nagawa.
"For now, I think I need to clear my head. 'Wag na kayong sumunod pa at gabi na."
"Nakuu! Subukan mong mag-bar ulet, makokotongan kita. Wala ka pang disiotso, Joyle! Paalala lang." Panenermon ni Almhi.
"Tss. Hindi na nga, baka sumugod pa talaga kayo kapag nalaman niyo. Gabi na pati. Dito nalang kayo magsleep over kasi hindi ko na kayo mahahatid." Paalala pa ni Den sabay tayo sa inuupuang sofa.
"I agree! Sleep over kami dito, Tine??? Please??" Pamimilit pa ni Yezza at nag-puppy eyes pa ang bruha.
"Ano pa bang magagawa ko eh nandito na kayo??" Pagtataray ko at tumayo na rin para ihatid si Den sa parking lot.
"Are you sure you're sober enough to drive?" Pagtatanong ko pa kay Den ng may pag-aalala sa mata.
"Tsh! Ako pa." Pagmamayabang niya saka ngumiti samin at kumaway. Dere-deretso siyang pumasok sa kotse niya at bumusina ng isang beses saka lumayas.
"Haaayy!" Sabay-sabay naming buntong-hininga habang tinatanaw parin ang dinaanan ng sasakyan ni Den kahit wala nay un 'don.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...