Yezza's POVPinagmasdan lang namin silang dalawa na magyakapan. Halata sa mukha nila na miss na miss nila ang isa't-isa. Matagal tagal din naman nilang hindi nakita ang isa't isa.
Kung nagtataka kayo kung sino ang kayakapan ni Celestine ngayon sasabihin ko na kung sino.
Siya si Cydric Lee. Also known as Cydric Casstringe. Matanda lang siya ng isang taon samin kaya hindi na kami nag ku-kuya sa kanya.
He is Celestine's brother. Sobrang close nila sa isa't isa.
Nung 12 years old palang kami, bantay sarado siya ni Cyd. Ayaw niyang may umaaligid na mga lalaki sa kapatid niya.
Kaso umalis siya ng bansa simula ng malaman niya na ampon siya nila Tita Choe, mommy ni Tine. Hindi naman siya nagalit kila Tita Choe pero mas pinili niyang sumama sa tunay niyang mga magulang. Half-korean siya dahil pinoy ang tunay niyang tatay at korean naman ang tunay niyang nanay at dahil d'yan ay tuwang tuwa si Almhi nang malaman ang tungkol dun.Nung mga panahon na umalis si Cydric, nasubaybayan ko ang pangungulila ni Celestine sa kanyang kuya. Sobrang attached kasi nila sa isa't isa. Kung hindi mo nga sila kilala mapagkakamalaman mo silang magkasintahan. Bukod kasi sa bantay sarado si Celestine kay Cyd ay hindi pa sila mag kamukha.
Nung umalis si Cydric napag desisyunan namin na sumunod sa kanya sa korea. Lahat sila pinayagan kaso kaming dalawa ni Celestine hindi. Sinasama kasi kami minsan sa business trip or kung san mang site nang business ng mga magulang namin para ma-train narin hangga't maaga pa raw. Kaya ayun ang ingay ingay namin ngayon dito sa loob, halos sabay-sabay nga kami magsalita pero nagkakaintindihan parin. 2 years din silang nandun noh!! Mag-1 year pa nga lang nun simula nung makumpleto talaga kami dahil pa-alis alis ang iba papuntang ibang country para sa pag-aaral.
By the way, nasa parking lot na sila ngayon habang ako ay nagpaiwan muna dahil may bibilhin akong libro ng Harry Potter. Sabi ko sakanila hintayin nila ako sa parking lot.
Natuwa ako ng makita ang hinahanap kong libro. Papunta na sana ako sa direksiyon nung libro kaso natalisod ako sa kung anumang bagay. Akala ko babagsak na ang mukha ko sa sahig kaso may naramdamam akong nakahawak sa bewang ko. Kumalas ako sa pagkakahapit sa akin ng kung sinong lalaki. Tinignan ko kung sino iyon at—OHMAYGULAY!! Ang pogi shett! And oww he's so damn hot. Teka 'di naman ako tumakbo ahh bakit parang pagod ako?? Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko.
"Careful, miss beautiful. " Sabi nung gaurd ng Bookstore na siya palang nakahawak sa baywang ko! Fudge! Mabilis akong tumayo at nakitang nakatingin parin sa akin ang gwapong ngayon ay nainsulto na ko dahil nakangisi na.
Kinindatan pa ako ng loko at hindi ko alam bakit hindi ako naasar. Umalis siya sa harapan ko ng nakangiti. KYAAAHHHH!! Hihimatayin na ako shett! Para siyang si Lee Jong Suk na korean actor. Waaaahhh!!
What the hell?!! Bakit sa harap niya pa huhuhuhuhu!!!
"Thank you po manong. Hehe!" Pasasalamat ko nalang sa gaurd. Aiiisshh.
Nakalabas ako ng mall ng hindi man lang nakabili ng librong dapat bibilhin ko dahil sa nangyaring hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nakalimutan ko na kung ano bang ipinunta ko dun!
"Jusko Yezza halos 30 minutes ka naming hinintay tapos wala ka namang dalang libro. Nasan na yung Harry Potter book?" Nanghihinayang na tanong ni Denise. Potter Head kasi kaming dalawa.
"Ahhh ehhh w-wala ehhh hindi ko makita. Sa susunod nalang siguro ako bibili." Pag-dadahilan ko. Wala akong gana mag-kwento sa kanila ngayon siguro next time.
"O siya halika na at nagugutom na talaga ako." Sabi ni Almhi. Ganyan talaga yan, gutumin. Pisnge lang naman ang tumataba sa kanya.
Sumakay na kami sa kotse ni Cydric. Si Cydric ang nag da-drive at si Celestine ang nasa kanan niya. Tinawagan nalang ni Celestine ang driver nila at ipinauwi ang kotse niya na ginamit namin papunta dito sa airport.
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...