Addict 11

14 4 0
                                    

Addict 11

Celestine's POV

"Disco ball!"

"Laos na yan. Pool party nalang."

"Lul! Maligo ka mag-isa."

"Aba! Minura kita ha?! Pak--"

"Shut up, will you?!" Sigaw ko sa kanila. Kasalukuyan kaming nasa bahay ulit ni Ate Anne at pinag-uusapan parin 'yung party.

Kanina pa nagtatalo ang magpinsan sa kung anong bagay na tinatanong ni Ate Anne.

"Si Apple Maze ang tinatanong. Si Apple ba kayo ha?" Inis kong saway sa kanila.

Binalingan ko naman si Apple na kanina pa hindi kumikibo. Kaya yung magpinsan ang nagtatalo eh. Ang tagal kasi sumagot ng isang 'toh!

Kanina pa siya tulala na nakaharap sa kanyang cellphone. Mukhang may problma ang isang 'to ah. Ilang saglit ko pa siyang tinitigan bago nagpaalam kay Ate Anne. Mukhang hindi ito tamang time para sap ag-organize dahil wala sa mood ang Apolonya.

Mukhang napansin din iyon ni Ate Anne at sabi niya ay may pupuntahan din naman siya kaya umalis nalang kami. Inaya ko silang maglibot-libot nalang muna.

Habang naglalakad kami paikot ng subdivision ay naramdaman kong may kakaiba sa bawat isa.

Si Denise at Denver ay hindi magkadikit ngayon, which is weird! Ngayon ko lang sila nakitang magkahiwalay. Napapagitnaan sila ni Yezza at Happy na kasalukuyang nagdadaldalan sa harap ko.

Nasa magkabilaang parte ko naman si Apple at Almhi na parehas tahimik. Their aura is different today. It feels like there's something they are hiding from us! At hindi man lang makaramdam ang dalawang magpinsan sa harap ko.

Ang magaling kong kuya ay hindi nanaman sumama. Hindi ko alam kug totoong busy siya sa school dahil nga kolehiyo na o nagdadahilan lang dahil nalaman niya kila Ate Anne ang tungoo naming kanina. Tsk! Tsk! Napaka-torpe talaga.

Hindi ko pa nga nakakausap yun tungkol sa rumored girlfriend niya. Baka may date nga 'yon kaya hindi sumama.

Natahimik ang dalawang mag-pinsan nang biglang may nag ring na phone.

"You and me got a whole lot of history (oh)

We could be the greatest team...." Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng tunog nang napansing hindi ito humihinto.

Tulala si Denise habang nakatitig sa phone na nagri-ring. Nang malingunan niya kami ay agad niyang pinatay ang phone at bumaling samin.

"Excuse me guys. I have to run some errands." Sabi ni Den tsaka naglakad palayo samin. Nagkatinginan kaming lahat tsaka sabay sabay na nilingon si Denver.

Nanatili siyang nakatitig sa kawalan with his cold eyes. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang ang dalawang babae sa magkabilang gilid ko ay tila nag-uusap gamit ang mata.

"Luhh! LQ yung dalawa??"

"Mukhang malala 'to ahh. Ngayun ko lang silang nakitang ganyan. " Ang dapat na bulungan ng magpinsan ay rinig ng lahat. Pero ang dalawa sa gilid ko ay tila walang naririnig!

Bahagya kong binilisan ang lakad para sadyang maapakan ang likod ng paa ng magpinsan. Napahinto ang dalawa at ilang segundo lang ang lumipas, bumagsak naman sila Almhi at Apple sa sahig.

"Ouch!"

"Bakit ba bigla nalang kayong huminto?!" Reklamo ng dalawa. Nagpamaywang naman ako sa kanilang dalawa.

When A Wattpad Addict is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon