Addict 8
Celestine's POV
"What?! Bakit niyo siya sinama?!! Alam niyo namang hindi kami magka-sundo diba??" Gulat na sabi ko sa kausap ko sa phone.
It's Friday and I've decided to not go to school. Hindi ko na rin pinasukan yung ibang subjects kahapon a magka-klase kami ni Sage dahil nahihiya parin ako. Kailangan ko ulit mangalap ng kapal ng mukha bago siya harapin ulit. Sa ngayon ay hindi parin enough ang kakapalan ng mukha ko para harapin siya.
Kaya ito ako ngayon, nanonood kay Cydric na nagdudunung-dunungan dito sa kitchen. Gagawan niya raw ako ng Gimbap. Kahit na ang kalat niya ditto sa kusina at pawis na pawis pinigilan kong tumawa dahil baka mabadtrip at hindi na ituloy ang pagpapasikat niya. Wala rin naman akong alam sa pagluluto kaya bumisita ako ng wattpad at naghingtay ng update ng iba't ibang author ngf mga on-going stories na binabasa ko. Sakto namang tumawag si Mom.
Ibinalita niya saking pauwi na sila ni Daddy galing Malaysia. Nakalimutan ko palang banggitin sa inyo na umalis ang parents ko ng bansa para sa business trip nung mga nakaraang lingo at ngayon ay pabalik na sila kasama raw ang aking b*tch na pinsan.
Actually dalawa silang pinsan ko pero yung b*tch na sinasabi ko ay ampon lang nila Tito Manuel, Daddy nila.
"Anak, can't you just treat her like what you just treat her sister??" Sabi naman ni Mommy sa kabilang linya.
"Mom, they're not sisters! Dan-" napasigaw na ako sa inis ngunit pinutol niya ang sinasabi ko.
"Stop it Celestine! Watch your mouth! If you don't want to be with your cousin then it's your problem and I have nothing to do with it!" Sigaw ni Mommy sa kabilang linya saka niya ibinaba ang telepono.
Ang pinag-tataluhan namin ni Mom ay ang pinsan ko na si Daniella. She's my number one enemy since I was born. Yes, call me immature and all for not wanting her to be near me because everytime we're in a same place, she causes trouble and that would always include me!
Dalawa silang pinsan ko. Ang panganay ay si Rosella Mae Casstringe and si Daniella Eunice Casstringe.
Si Ate Rose ang ka-close kong pinsan. Actually nasa CU rin siya at batch mate niya si Cydric. Magkaibigan nga pala sila ni Ate Anne yun nga lang naiwan umalis si Ate Anne kaya nagka-hiwalay sila pero friends parin naman sila sabi ni Ate Rose. Nakasanayan ko nang mag-ate dun sa magkaibigan dahil ina-ate rin sila ng JHAYDA at si Cydric lang ang hindi dahil ewan ko sa trip nila. Syempre, hawa-hawa na kaya nagku-kuya nalang ako kay Cyd 'pag naglalambing.
Si Daniella naman ang kasing edaran kong pinsan. Ang kwento sakin ni Tito Manuel, nakita nila si Daniella sa labas ng pinto nila na nasa basket. May nakalagay na papel sa ibabaw nito na sulat na halatang galing sa magulang nito.
'Daniella Eunice ang pangalan niya. Nawa ay mabigyan niyo sa siya ng magandang buhay at ilayo niyo siya sa kapahamakan.'
BINABASA MO ANG
When A Wattpad Addict is In Love
Teen FictionHindi porket Wattpad Addict ka, hindi ka na magmamahal ng totoong tao. Yun nga lang ,mahirap maghanap ng taong pinapangarap mo na mala-fictional character. Swerte ka kung may makita ka katulad ni Celestine. Gusto mo bang makakilala ng isang Wattpad...