Chapter 2

427 30 4
                                    

Chapter 2

Me, After Two Years

__________

Naku lagot na talaga!

Nagmamadali na kong suotin yun uniform ko, late na nga kami sa trabaho. Yes trabaho, isa akong Accounting Staff sa MA Industries. Isang taon na din kami dito nagtratrabaho, pagkatapos lang namin makapasa sa board examm marami nang offer pero dito namin naisipan na magapply.

Nagmadali na ako kagad bumaba, nakita ko sila Tita at Tito sa sala. Yes nandito na si tito. Kakauwi niya nga lang uli eh, two weeks pa lang siyang nandito.

“Good Morning po!”Malakas na sigaw ko sa kanila.

“Ano ba ate ang aga aga ang ingay mo!”Reklamo naman ni Allen.

“Naku bat di ka pa umaalis? Late na ah!” Tanong ko naman sa kanya. Tuesday ngayon kaya alam kong may pasok siya sa school.

“Ate wala akong First subject ngayon, kaya mamaya pa ang pasok ko.”Pang eexplain niya.

Naalala niyo pa ba yang kapatid kong yan? Naku! 1st year college na si Allen sa Penderson. Natanggap din siya sa scholarship, at ang makulit kong kapatid ay Mechanical Engineering Student. Oha!

“Ganun ba?”

“Oh anak, nasa kusina na si Jenny sabayan mo nang magalmusal yun.” Sabi ni tita

“Ok po! Kayo po?”Tanong ko naman

“Tapos na kami, sige na bilisan mo na at baka mahuli pa kayo.”

Tumango nalang ako kela tita at pumunta na sa kusina.

“Hoy Bakla! Kumain ka na bilis.” Sigaw uli ni Jenny, pagkatapos niyang uminom ng kape niyang mabango, naiinggit ako.

“Pahingi nga niyan”Sabi ko sabay kuha ng hotdog sa plato niya, wala na kasi eh yun nalang.

“Naman eh, akin yan!”

Pero wala na nakain ko na. muhahaha.

“Naku Bakla.”Nagtatampong sabi pa niya,

“Bat ka ba masyadong nagmamadali? Hindi ka ba susunduin ni Johny?”Tanong ko.

Oo, sila pa rin ni Johny, going strong nga eh. Pero nakita ko sa mukha niya ang pagkainis, nang mabanggit ko si Johny, nagaway yata.

“Ewan ko sa kanya, buset siya!” Sabi niya, at kagad na tumayo at lumabas ng kusina.

Haha. Mukang may away nga. Hinayaan ko na lang siya, lagi naman may tampuhan yung dalawang yan, tas ilang sandali lang tignan niyo, halos mangisay na yan sa kilig pag nagkausap sa phone. Well kahit ganyan yang dalawang yan. At least magkasama sila diba? Tsk. Napapailing na lang ako.

Ilang sandali pa ay tumayo na din ako, siyempre nagsupilyo muna bago lumabas, kagad akong nagpaalam at kinuha ko na ang susi ng kotse ko. Oha may kotse na ako! Isa itong Vios, 2nd hand lang naman ito nung binili ko kaya mura ko lang nakuha. Kelangan kasi namin para sa trabaho, minsan kasi biglaan kaming pinapatawag sa opisina.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon