Chapter 23

221 22 0
                                    

Chapter 23

Kidnapped

__________ 

“Bakla, tara na.”

Kumatok ako sa kwarto niya, at tsaka ko ito binuksan. Napagusapan kasi namin na maghahanap kami ng trabaho ngayon. Lumapit naman ito kagad sa pinto.

“Ok ka lang ba talaga Bakla? mugto pa yang mata mo oh.” Nagaalalang sabi nito at tinuro pa yung mata ko.

Nagiwas ako ng tingin sa kanya, at hinawakan ang mata ko. Naayos ko na ito kanina paanong halata parin? O-oo, ayos lang ako, tara na. Mas maaga, Mas maganda.” Sabi ko nalang.

Hindi ko na siya hinantay magsalita pa, at nauna na akong bumaba.

“Oh anak, nandito si Richard, kakarating lang.” Sabi ni tita. Nakasalubong ko siya nang makababa ako. Bago pa ako makasagot kay tita, meron nang humawak sa braso ko.

“Totoo bang natanggal ka din sa trabaho?” Nagaalalang tanong nito.

Ngumisi ako. “Hindi ba ikaw naman ang may gawa nun?” Malamig kong sagot sa kanya. Pagkasabi ko nun, mabilis kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinalikuran siya. Nagpaalam na din ako kela tita.

“Bakla sandali.” 

Nauna na kasi akong maglakad, hindi kami gagamit ng kotse ngayon, iniisip ko rin kasi na ibenta ito. Ayaw ko man sana, pero kailangan na. Napahinto ako nang may humawak nanaman sa braso ko.

“Aray naman Bakla—“ Paglingon ko, hindi pala si Jenny ang humawak sa akin, si Richard pala.

“Anong problema? Why are you being cold to me?" Kunot noong tanong niya.

Para namang hindi niya alam. Maang maangan pa. Hindi ko nalang siya pinansin at binalingan si Jenny.

“Bakla, tara na sabi eh.”

Ganun uli ang ginawa ko, mabilis kong tinanggal ang pagkahawak niya sa braso ko at iniwanan siya.

“Hehe, ahm una na kami Code ha. Babay.” Narinig ko pang sabi ni Jenny. “Bakla, ano na naman bang problema?” Tanong ni Jenny nang makasabay niya na ako sa paglalakad.

Umiling lang ako sa kanya, at nauna ng sumakay ng jeep. Nakahinga na ako ng maluwag nang hindi na siya nagtanong uli sakin.

~~~

Hay.

Pagod na pagod kaming napaupo sa may labas nang pang 50 na atang kompanyang in-aplyan namin ni Jenny. Fifty talaga as in. 8 kami ng uamaga umalis ng bahay pero ngayong mag aalasiyete na ng gabi wala parin kaming nahahanap na trabaho.

Kung san san na nga kami naghanap. Kahit nga ultimo tiga hugas na lang ng pinggan o waitress hindi pa rin kami nakukuha.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon