Chapter 13

286 27 1
                                    

Chapter 13

Surprise

_________

“Bakla nandiyan na sila, bilisan mo!” Sigaw ni Jenny.

Garabe ang lakas talaga ng boses nun. Biruin mong nasa baba yun ha, at nasa loob pa ako ng kwarto. Sila Andi ang tinutukoy nito. Birthday kasi niya! Kaya nagyaya siya ng 3 days sa Batangas. Kami kami lang ang inimbitahan niya, kasama na din dun si Richard.

Speaking of Richard. Dalawang linggo na din ang nakalipas mula nung naospital siya. At hanggang ngayon wala pa rin siyang maalala. ‘Wag kang nega Bakla, sabi ng doctor, unti unti na daw bumabalik ang alaala niya.’

Mabilis na akong bumaba buhat buhat ang bag ko. Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ng may kumuha ng bag na hawak ko.

“Salamat Jeric.” Nakangiting sabi ko. Ngumiti at inakay lang ako nito pababa.

Kasama din namin siya. Pumayag naman si Andi, dahil sabi niya, ‘fafa’ naman daw! Lande talaga. Naabutan ko sila sa sala nakaupo, kasama sila tita.

“Hay naku Bakla, ang tagal ha.” Maarteng sabi ni Andi.

“Eh sorry naman, ni-check ko pa uli yung gamit ko.” Palusot ko.

“Hay naku dali tara na may surprise kami sayo!”

Naguguluhang napatingin ako sa kanila. Siya ang may birthday pero sakin may surprise?

Nagpaalam na kaming lahat kela Tita, Niyaya din sila ni Andi, pero hindi na sila sumama, kami nalang daw. Pati si Allen, naku isa pa yun. Hindi talaga sasama yun, mas gugustuhin pa nung magkulong sa kwarto kesa sumama. Sembreak na nga rin pala nila.

Sabay sabay na kaming lumabas. Nakita ko ang isang Van, at isang kakarating lang na sasakyan. Bumaba dito si Richard at may kasamang Espasol.

“Bakla anong ginagawa niyan dito?” Bulong sakin ni Jenny.

“Aba malay ko.” Sagot ko.

Hindi ko naman talaga alam kung bakit siya nandito, ang alam ko si Richard lang naman ang ni-invite ni Andi.

“Oh My sino yan, si Code lang ang invited!” Bulong din samin ni Andi.

“Hello” Masayang bati ni Richard samin.

“Hi Code.” Sabay sabay na bati nila. At sabay sabay din napatingin kay Espasol.

Mabilis naman itong lumapit samin, na ikanagulat naming tatlo nila Bakla. “You’re Andi right?” Sabi niya sabay turo kay Andi. Alanganin naman itong tumango bilang sagot. “Thank you for inviting me.” Sinabi niya yan nang may plastic na ngiti. Pagtapos ay inirapan niya kami.

“Bakla pigilan niyo ako, pigilin niyo ako.” Sabi ni Andi.

Pero siya naman ang may hawak sa braso namin.  Tinaggal namin ni Jenny yun at mahinang tinulak siya.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon