Chapter 21

246 24 0
                                    

Chapter 21

Takot

__________

“Richard!”

Mabilis kaming napahiwalay ni Richard at sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“Ma?!”

Ang mama ni Richard ang dumating, galit na galit din ang itsura nito habang nakatingin sa aming dalawa, nakasunod sa kanya si Max, nasa likod niya ito at umiiyak na parang kakasumbong lang sa magulang.

“What is the meaning of this?! Ha Richard!” Sigaw muli nito.

Nakita kong hinihingal na dumating din si Manang at malungkot na umiling lang ito samin. Mukang di niya napigilan ang pagdating ng Mommy ni Richard.

“Kung hindi pa ako pinuntahan ni Maxene, hindi ko pa malalaman ang mga pinaggagawa mo. At kasama mo pa yang hampas lupa na yan.” Dinuduro duro pa nito ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni Richard sa kamay ko at mabilis na hinarang ang sarili niya sa akin. “Ma stop it!”

“Anong 'Ma stop it'? Dahil diyan sa babaeng yan naaksidente ka na naman kaya dapat—“

“Ma nakaka alala na ako. Hindi ba dapat sa inyo pa ako magalit dahil sa mga sinasabi niyo sa aking mga kasinungalingan?” Putol ni Richard sa kanya.

Mukang nagulat ito dahil nakita kong nanlaki ang kanyang mata pero kagad din itong nawala. “What? Magalit? Nakita mo na ang nagagawa ng babae niyan sayo! At Ikaw!” Binalingan niya naman ako. “Hindi ka parin ba nadadala? Hindi mo ba talaga lalayuan ang anak ko!”

“Hindi po.” Lakas loob kong sagot, umiling ako. “Hindi ko po yun gagawin—“

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko nalang ang pagsampal nito sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko.

“Ma!”

Mabilis ang pangyayari. Ni hindi din nagawang mapigilan ni Richard ang kamay ng Mommy nito.

“Ang kapal din talaga ng mukha mo. Hindi kayo bagay ng anak ko. Ikakasal na si Richard kay Maxene! “ sigaw pa rin nito.

“Ma I won’t let that happen.” Seryosong sabi ni Richard.

“Lets see Richard. Lets see. Ikakasal kayo before the week ends.” Matigas na sabi pa nito.

“Max nakapagusap na tayo diba? Why don’t you tell to—“

“We did Rico. Pero hindi din ako pumayag sa gusto mo. Mahal kita.” Umiiyak pa ring sabi ni Maxene.

“End of this talk. You and Max will get married, and That’s Final!” Pagkasabi ng mommy ni Richard nun ay mabilis na siyang umalis at kagad sinundan naman ni Max.

Kagad akong nanghina ng nawala na sila sa paningin ko. Hindi tumigil ang malakas na tibok ng puso ko. Nanghihina ang buong katawan ko. Hindi pa ba matatapos to? Takot na takot na ako sa pwedeng mangyari.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon