Chapter 14

262 26 1
                                    

Chapter 14

Another Surprise

_________

Kinahapunan na, nang mapagplanuhan na naming magswimming, hindi na kasi masakit sa balat ang init ng araw kaya magandang maligo sa dagat. Nandito na kami sa kwarto para magbihis ng pampaligo.

“Dali na Bakla, suotin mo na yan.” Pagpipilit ni Jenny sakin.

“Bakla naman, sa tingin mo ba susuotin ko yan. Hindi, hindi, pwede natong suot ko.” Umiiling pang sabi ko.

Abutan daw ba ako ng isang two-piece? Hindi daw kasi pwede ang suot ko, bakit anong masama sa isang tshirt at shorts sa pagligo sa dagat.

“Hello naman Bakla! Nakita mo ba nung lumabas si Espasol? Diba halos wala ng suot!” Sabi pa niya.

Oo nga nauna na kasing bumaba si Espasol kanina pagkatapos niyang magpalit ng bikini niya. Naka two piece din ito at halos wala ng itago. Pati si Ella bumaba na, sinundo na din kasi ni EJ.

“Kaya yan, kelangan mo siyang matalbugan. Kahit na mas malaki ang kanya, ano ahm mas malaki parin ang kanya.” Napapailing nalang ako sa sinabi niya.

“Ok basta yung ibabaw lang ha.” Pagsusuko ko.

“Oo na, naku!”

~~~

“Teka lalabas ba ako, wahh megash!” Tanong ko sa sarili ko.

Nakakabaliw pala to noh? Nasa loob ako ng banyo at nagpalit na ng damit. Tinitignan ko lang ang repleksyon ko sa salamin.

“Bakla, matagal ka pa? Garabe naman yan, mahirap bang suotin yung gown? Gusto mo tulungan kita?” Sarkistong sabi ni Jenny.

“Mauna ka na, sunod nalang ako.” Sigaw ko sa kanya.

“Nandito na si Johny, mauuna na kami!” Sigaw din niya. “Suotin mo din tong sumbrerong nasa kama mo ha.” Dagdag niya pa.

“Oo na sige!”

Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto. Ayos lang bang lumabas ako ng ganitong ayos? Jusko naman eh! Bumuntong hininga ako at lumabas na din ng banyo. Nakita ko ang sinasabing sumbrero ni Jenny sa akin. Ito yung binigay sakin ni Richard nun, pano niya to nakuha?

Dinala ko na lang ito at bumaba na. Naabutan ko yung mga babae sa dagat, yung mga lalaki naman nakita kong nagiihaw sa may gilid ng bahay.

Nang nakita ako ni Jeric, mabilis siyang lumapit sakin.

“Maliligo ka na?” Tanong niya.

“Oo, sana.” Di siguradong sagot ko.

“Tara sabay na tayo.”

Hinila niya na ako papunta sa dagat. Palapit palang kami sa dagat ng sumigaw si Jenny. Naku patay! Mabilis akong nagtago sa likod ni Jeric.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon