Chapter 27

156 6 4
                                    

Hello! Yehey, nakapagupdate na din! Haha. Dapat bago pa matapos ang 2014 ko 'to ginawa, kaya lang naadik ako sa kapapanood ng RM, haha. Eto lang muna. 

________

Chapter 27 

Finally

________

“Ma hindi ako papayag na makasal kung hindi lang si Sandra ang papakasalan ko. I just want you to know na kahit anong gawin niyo hindi niyo na kami mapaghihiwalay. I’ll fight for her, Ma, kahit ikaw pa ang makakalaban ko.” Hinila ako ni Richard palapit sa kanya ng sabihin niya iyan sa Mommy niya.

Hinigpitan ko naman ang pagkahawak ko sa kamay niya at tumingin ng diretso sa mata ng Mommy niya. “I’ll fight for us too.” Lakas loob na sabi ko.

Napatingin sila pareho sa akin, but I just ignored them. I just can’t stand here and let Richard talk to her mom. Hindi pwedeng hindi ako magsalita. I need to fight for us too.

Magsasalita pa sana ako pero umiwas ng tingin ang mommy ni Richard sa akin at umiling-iling. Napalunok ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ilang sandali lang ay ibinalik niya sa akin ang tingin at bigla itong ngumiti. Hindi na ito yung ngiting nakakaloko o ano. Totoong ngiti ang pinapakita niya sa amin.

“No need. There's no need for you to fight.”

Nagkasalubong naman ang kilay ko dahil sa narinig ko. What does it mean? No need to fight? Ibig sabihin ba ay kahit anong gawin namin ay wala pa ring mangyayari? Magkakahiwalay pa rin ba kami?

“Hija, can I talk to my son? Just the two of us.” Nakangiti pa ring sabi nito sakin.

Nagkatinginan kami ni Richard. Naguguluhan na ako. Bakit kailangan sila lang? Bakit hindi ako kasama? Ano ang paguusapan nila? Alam kong nararamdaman niya na nagpapanic ako, pero tumango lang siya ng dahan dahan sa akin, hinawakan niya ang baba ko at tsaka mabilis akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya, parang lalo akong nagpanic! Hindi sa hindi ko iyon nagustuhan, eh, kasi naman! Nandiyan lang ang mommy niya, oh!

Napayuko ako dahil sa hiyang naramdaman ko, meron pa ako niyan. Pero dahil hawak niya pa ang baba ko, inangat niya ang ulo ko para magtama ang mata namin, may isa pa bang kiss?

“Get inside first. Dont worry.” Sabi niya. Mga ilang segundo pa akong nakatingin sa kanya, pero wala na pala.

Dahan dahan na lang akong lumayo sa kanya kahit nagaalangan pa rin at lumakad papasok sa loob ng bahay nila. Lumilingon lingon ako sa kanila habang papasok, nakatingin lang ang parehong nakangiting mag-ina sa akin. Tumango ako uli kay Richard at mabilis ng dumiretso sa loob. Sinalubong ako ng ilang kasambahay at sinamahan ako sa living room ng bahay.

Inabutan lang nila ako ng makakain. I asked them to stay with me. Kailangan ko ng kasama at kausap dahil kung hindi sarili ko ang kakausapin ko at mababaliw ako!

“Naku mam. Kayo ho ba ang girlfriend ni Sir Code?” Maintrigang tanong ng isang kasambahay habang inaayos ang mga pagkaing dala niya.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon