Chapter 24

200 22 0
                                    

Yes, nakapag-update din, after two weeks. 

Medyo busy. Maikling update.

_________

Chapter 24 

Hideout

_________

Bago pa ako makalapit kela Jenny, ay may humila na sa akin pasakay sa isang kakahinto lang na taxi. Narinig ko ang pagsigaw ni Jenny pero wala na rin itong nagawa ng utusan na nung humila sa akin— na si Richard pala na i-drive na yung sasakyan.

“Richard! Ano ba!” sigaw ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin.

“Drive.”

“Teka manong! Kidnapping to, manong wait lang.” sabi ko kay Manong Driver.

“Don’t mind her. Just Drive.” Madiing sabi uli ni Richard.

“S-saan po?” Pati si manong mukang kabado na.

“I said just drive.”

“Manong wag, ahmm magdrive kayo sa pinaka malapit na police station—“

“Kapag hindi ka tumigil, I will kiss you just to shut you up!”

Napatigil ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Napaisip ako, ilakas ko pa kaya yung sigaw ko? Haha.

“Ano sisigaw ka pa ba? Hmm?” Nagaalinlangang umiling ako. Ang lande ko! “Dapat hindi ko na lang pala sinabi, dapat ginawa ko nalang.” Natatawang sabi pa niya.

Pinipilit kong tanggalin ang pagkahawak niya sa kamay ko pero hinigpitan niya lang ito, lumayo nalang ako sa kanya at dumulo sa may pinto pero sumusunod pa rin siya, siniksik niya pako!

“Richard! Ang luwag luwag dun oh!” Sigaw ko uli, mas malakas, baka gawin niya na yung banta niya eh. Haha.

Pero hindi niya lang ako pinansin at mas lalo pang sumiksik sakin. Dinantay niya pa yung kalahati ng katawan niya sakin. Ang bigat pa naman netong mokong na to.

“R-richard ang b-bigat mo.” Sabi ko.

Pinipilit ko siyang itulak pero hindi ko talaga kaya.

“Edi ikaw nalang.” Nakangising sabi niya.

Mabilis siyang humiwalay sakin at ako naman ang hinila palapit sa kanya, nagkapalit tuloy kami ng pwesto. Ako na ang nakaibabaw sa kanya.

“Much better.” Bulong niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

Hindi ko alam kung gano katagal na kami bumabyahe, pero ganun parin ang pwesto namin.

“S-san ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya.

“I don’t know.” Simpleng sagot niya.

“Ano?!” Sigaw ko at lumayo ng onti sa kanya, pero mabilis niya uli akong nilapit sa kanya.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon