Chapter 7

281 29 3
                                    

Chapter 7

Kung Kailangan, Gagawin Ko

__________

“Mga Bakla.” Napalingon kami sa sumigaw. 

Nakita ko sila Andi at EJ malapit sa entrance ng Resto,  at mukang kakapasok palang nila. Kitang kita sa mukha nila ang saya at excitement habang papalapit sa amin.

“Bakla! Andi, at EJ!” Sigaw din ni Jenny at kagad  na kaming lumapit sa kanila.

“Oh My God! Oh My God! Reunion ito! BONGGA!” niyakap namin sila isa isa.

Lumapit din si Johny samin. Hanggang ngayon, maiingay pa rin sila. Matagal na din nung huli naming pagkikita lalo na yung makokompleto kaming ganito, lagi kasing kulang ng isa o kaya ng dalawa kapag magkikita kami, kaya bihira lang talagang mangyari to.

“Bakit kayo napadpad dito? At bakit kayo magkasama? Kayo ha.” Pangaasar ni Jenny pagkahiwalay niya ng yakap kay Andi. Ang alam ko nga din kasi malayo dito kung saan sila nagtratrabahong dalawa.

“Nagkita lang din kami ni EJ kanina dun sa entrance.” Sagot ni Andi. Tinuro pa nito yung pinto ng Resto.

“Hinatid ko kasi yung girlfriend ko sa katapat na building, naisipan ko lang din na bumili sana ng pagkain.” Sagot naman ni EJ na ikinagulat namin.

“Girlfriend?” di makapaniwalang tanong namin ni Jenny.

Napakamot sa batok si EJ atsaka tumango. Haha, hindi ko talaga akalain, dahil nung college kami ay kami lang ang babaeng close niya at si Andi, akala ko nga sila pa ang magkakatuluyan eh. Haha.

Inakbayan ni Jenny si EJ. “Naks, Congrats, binata ka na!” pangaasar pa ni Jenny sa kanya.

Lumapit naman sa akin si Andi. “Baklang Ales, kamusta ka na, lalong gumaganda ah!” sabi ni Andi sa akin at hinawakhawakan pa ang buhok ko.

“Adik ka, ikaw din gumaganda ah. May Fafa ba?” Pangaasar ko.

Inikot niya lang ang mata niya, mukang wala. Haha. Bigla siyang napatingin sa may likod ko, nakita kong nanlaki ang mata at napanganga pa siya, pero bigla din siyang ngumiti at mabilis na pumunta sa may likuran ko.

“Oh my God fafa Code. You’re here din pala?!” Tanong ni Andi. Nagtatakang tumingin si Richard sa kanya. “Hala nag dodouble date pala kayo! Kelan ka pa nakabalik Fafa Code? Hindi mo ba ako namiss?” lumapit si Andi kay Richard at pilit na kumakapit sa braso niya, pero iniiwas ito ni Richard.

“Kilala mo rin ako?” Nakakunot parin ang noo ni Richard.

Natawa si Andi sa sinabi nito. Akala niya siguro ay nagbibiro lang si Richard. “Ay haha Fafa Code. Nice One. Ako pa makakalimutan mo—“

Hindi na natuloy ni Andi yung sinasabi niya ng makitang seryoso lang na nakatingin sa kanya si Richard.

“Oh My God. Seryoso siya? Ano bang nangyari?” Naguguluhang tanong ni Andi. Napatingin pa siya sa amin na parang nagmamakaawa na sabihin na kung anong nangyari.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon