Chapter 3

351 31 6
                                    

Chapter 3

Celebration

__________

“Oh my God! Excited na ako mamaya.”

“Oo nga, makikita ko uli si Jeric nang hindi naka pang office uniform!”

Narinig kong tili ng mga kasamahan namin sa trabaho. Nagpatuloy lang naman ako sa pagliligpit ng gamit sa table ko.

“Bakla, ready ka na?” Tanong ni Jenny sakin.

Napatigil ako sa paglalagay ng gamit sa bag ko at lumingon kay Jenny, walang ganang tumango lang ako sa kanya.

Meron kasing Celebration Party ang department namin. Well, napromote kasi ang dati naming department head kaya gusto niya lang kaming i-blowout.

“Bakla, I know kung bakit ka ganyan." Napatingin ako kay Jenny, at nakita kong huminga siya ng malalim. "We, you need to celebrate!" dagdag niya pa.

Celebrate? Celebration?

Dapat sa araw na to magkasama kami na masayang nagcecelebrate, pero mukang malabong mangyari na naman yun, kagaya nalang din nung nakaraang taon.

“Ok, ako muna uli ang proxy niya ngayon, basta kelangan natin magenjoy ha! Kaya ngiti na, mas ok pa kaya akong kasama kesa sa kanya.”Pangchicheerup niya pa sakin. Lumapit siya sa akin, isinabit niya yung braso niya sa braso ko, at tinaasan baba ng kilay. Mabilis naman akong ngumiti sa kanya. Yan ganyan!” Buti nalang talaga at nandiyan palagi si Jenny.“Ay bakla, sasabay daw nga pala satin si Jeric!”Medyo malakas na pagkakasabi ni Jenny.

Sinenyasan ko si Jenny na manahimik, pero wala na, naglapitan na kagad ang ilan sa mga katrabaho namin.

“Talaga sasabay siya sa inyo? Sabay din ako!”Singit bigla ni Blossom.

“Sabay din ako.” Sabat naman ni Bubbles.

“Siyempre ako rin!”At siyempre kung may Blossom at Bubbles mahuhuli pa ba ang pangatlo? Nandiyan din si Buttercup.

Triplets kasi sila kaya ganyan. Fan siguro ng Powerpuff Girls ang Mommy nila kaya yun ang pinangalan, swerte nalang talaga at naging triplets pa sila.

“Wah Jenny! Tulungan mo ko!” Paligiran daw ba ako at tsaka ako inalog alog!

“Naku mga mahaharot na babae! Ano kala niyo sa sasakyan ni Ales, JEEP?”Nilayo ako ni Jenny sa kanila, napahinga naman ako ng malalim, ligtas na ako.“Hindi kayo magkakasya dun, sakto na kaming tatlo!”

“Eh kasya pa naman siguro ang tatlo, pasabay na kami.” Pagpupumilit pa nila.

“Dali na please please, ahmm” tumigil silang tatlo at parang nagiisip ng maisusuhol samin.

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon