Chapter 1

484 30 4
                                    

Ok, eto na ang First Chapter ng Book 2. 

Enjoy.

_________

Chapter 1

What Happen Two Years Ago

_________

 

Two years ago, I was just a 3rd year college student, naging masaya ang 3rd year ko nun, bagong natutunan at siyempre magagandang grades. Simple lang ang buhay ko, hanggang sa nakilala ko ang ‘mahal ko’, si Richard. Nagbago ang lahat, nagkaroon ng kulay ang buhay ko.

Ayaw ko sa kanya nung una, dahil nayayabangan ako sa itsura niya. Tamad pang magaral. Pero para yata talagang pinaglalapit kami ng tadhana, niligtas niya ako sa isa panganib, muntik na akong gawan ng masama ni Jude, buti nalang at dumating siya at tinulungan niya ako.

Hindi pa nga diyan natatapos ang lahat. Naging mag partner pa kami sa reporting kay Sir Garcia. Halos dun na nagsimula ang lahat ng masasayang araw namin.

Nung araw na nagpunta kami ng Library, at yun din ang araw na sinabi niyang First Date daw namin, pero siya palang daw ang may alam nun. Dun ko rin naranasan ang First Kiss, hindi nga lang sa inaasahan na pangyayari.

Isang linggo siyang nawala pagkatapos, at pagbalik niya, dun ko tuluyang narealize na iba na pala ang nararamdaman ko para sa kanya. Kung hindi ko pa sila makikita na magkasama na nagsasayahan ni Xhyla, hindi ko pa malalaman. Nagseselos kasi ako!

Pero dahil din sa selos na yan, nagawang umamin ni Richard sakin. Sinabi niyang gusto niya ako, pero parang higit pa daw dun ang nararamdaman niya. Nagpunta pa kami sa Rainbow Land nun, at bago matapos ang araw, sinabi ko na din sa kanya ang nararamdaman ko, na mahal ko din siya.

Akala ko, lagi nalang kaming ganun. Wala masyadong problema at masaya.  Hindi ko akalain na matatapos kagad ang masasayang araw namin, nang dumating si Trisha. Si Trisha, ang naging girlfriend ni Richard nung nasa states pa siya.

At hindi lang yun ang naging problema, marami pang pangyayari ang naging dahilan para mapaghiwalay kami. Dumating ang isang pangyayaring hindi ko kailanman makakalimutan, ang muntikan ng pagkawala ni Richard sa buhay ko.

Naaksidente si Richard, pero laking pasasalamat ko, nang nakaligtas siya. Masaya ako dahil pagkatapos ng dalawang buwan niyang pagkakatulog ay nagising na siya, pero hindi ko akalain na hindi ko na pala muli siyang makikita. Dahil bumalik na sila sa Amerika.

Ilang araw, linggo, buwan, at taon ang lumipas, pero ni isang balita walang akong nakuha. Nakapagtapos kami nila Bakla—Jenny ng pagaaral, naging cum laude pa ko. Ginawa ko ang lahat, siya ang ginawa kong inspirasyon. Papatunayan ko na pagdating ng panahon na babalikan niya ako, were not in that kind of love that everyone forbids. Kagaya rin ng pangako niya sakin nung huling araw na nakausap ko pa siya.

“Promise when I get back, our love will not be forbidden anymore.”

 

“Bakla! Gising na! malalate nanaman tayo!” Naramdaman kong may tumulak sakin sa kama kaya nahulog ako.

“Aray Bakla!” sigaw ko.  

Napanaginipan ko nanaman pala ang nangyari two years ago. Namimiss ko na talaga siya.

Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit malapit sa kama ko, September 18. Kaya ko pala siya napanaginipan uli. Tumayo na ako sa kama, at lumapit sa study table ko, kinuha ko yung picture namin nung nag photo booth kami at tsaka ito tinignang mabuti.

“Happy 2nd anniversary, mahal ko.”

“Naku, bilisan mo na!” sigaw nanaman uli ni Jenny sa akin.

“Oo na!”

Pagtapos kong sabihin yun, lumabas na ako ng kwarto, ang sakit ng balakang ko. Garabeng Bakla talaga to!

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon