Chapter 18

244 26 0
                                    

Chapter 18

Flat Line

__________

“J-jeric.” Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Nagkalat ang mga pagkain sa sahig, dahil sa pagkahulog nito kanina. Gulat pa rin ang makikita mo sa mukha nilang dalawa ni Max.

“W-what is the meaning of this?” Nagawa na ding makapagsalita ni Max. “Oh my God! This can’t be happening!” Sabi pa niya nang nakahawak sa noo niya. Napatingin siya sakin, at nanlaki ang mata ko nang mabilis siya lumapit sakin. “You! How dare you!”

Hindi niya ako nagawang mahawakan dahil humarang kagad si Richard at Jeric sakin. Hinawakan siya ni Richard para ilayo sa akin. Pilit siyang kumakawala sa hawak ni Richard pero hindi niya magawa.

“Stop it Max! Stop!” Napatigil lang siya ng tuluyan ng sumigaw si Richard.

“Why are you stoping me Rico? Nilalandi ka niyang malandi na yan!” Sigaw ni Max at sabay turo pa sa akin.

‘Malandi’ yan na nga ba ang tawag sakin? May boyfriend ako, si Jeric, at hinahalikan at nagpapahalik naman ako sa isang taong ikakasal na. Kahit sabihin nating si Richard naman ito, ay iba na ang mga pangyayari ngayon, hindi na ito katulad ng dati na kaming dalawa lang. Dahil ngayon may ibang tao nang involve at masasaktan.

“Don’t you dare talk to her like that.” Pigil parin ni Richard kay Max.

Gulat akong napatingin kay Jeric, nang hinawakan niya ang braso ko at mabilis na hinili palabas ng cubicle ko. 

“T-teka Jeric!” Pigil ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin, at nagpatuloy lang sa paghila sa akin. Bago pa kami makasakay ng Elevator ay nahabol na din kami ni Richard.

“Bitiwan mo siya.” Madiing sabi ni Richard. 

Matatakot ka sa tono ng boses na ginamit niya, na parang kusa kanalang mapapsunod kapag nagsalita siya, pero parang hindi tinablan si Jeric.

Hawak hawak nito ang braso ni Jeric para pigilan. Huminto lang si Jeric at mabilis nitong tinanggal ang pagkakahawak ni Richard sa braso niya at tsaka niya ito sinuntok.

“Richard!” sabay na sigaw namin ni Max. 

Lalapitan ko sana siya pero bago ko magawa yun ay hinila na uli ako ni Jeric palayo sa kanila, sumakay na kami sa Elevator at kagad niya itong sinara.

“Jeric, teka nasasaktan ako. Bitawan mo na ako, please.” Nagmamakaawa kong sabi. Nararamdaman ko na din kasi ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

“Bakit? Bakit ako ba naisip mo na nasasaktan din ako?” Malumanay na sabi niya sakin nang hindi nakatingin sa akin. Deretso lang ang tingin nito.

“Jeric—“

“Kung magsosorry ka, wag mo nang ituloy.” Malamig na sabi na niya.

Galit siya, at ramdam na ramdam ko din ang sakit na nararamdaman niya. Siyempre sino ba naman ang hindi masasaktan dahil sa naabutan niyang pangyayari kanina. Hindi naman ito ang ginusto ko, pero wala, nangyari na.

Ilang sandali pa ay nagbukas na ang elevator at nasa parking lot na kami. Mabilis niya uli akong hinili at kagad na pinasakay sa sasakyan niya. Bago pa kami tuluyang makaalis, nakita ko pa si Richard, na pasakay na din ng sasakyan niya at sumunod sa amin.

“J-jeric!” Sigaw ko kay Jeric, pabilis na ng pabilis ang pagtakbo ng sasakyan. Nakita ko sa side mirror yung sasakyan ni Richard na nakasunod sa amin.

“Jeric please, ihinto mo na yung sasakyan.” Pagmamakaawa ko pa.

“Hindi.” Madiing sabi niya.

Patuloy lang sa mabilis na pagddrive si Jeric. 

“Jeric!” Sigaw ko nang 3 seconds nalang mag rered na ang traffic light, pero mas lalo niya pang binilisan ang pagtakbo. 

Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa seatbelt. Nakarinig na lang ako ng mga busina at parang nabasag na mga salamin. Nagmulat ako ng tingin at inikot ang paningin ko. Ayos lang naman kami. Napatakip nalang ako ng bibig nang mapatingin sa likod.

“R-richard.”

Nakita kong nabangga ang sinasakyang kotse ni Richard sa isang delivery truck.

“Jeric, si Richard. Jeric!” Sigaw ko kay Jeric. Inaalog alog ko pa ang braso niya.

“Sandra, tama na, baka maaksidente tayo!” Sigaw din niya sakin.

“Wala akong pakiilam at talagang maaksidente tayo pag hindi mo tinigil tong sasakyan! Balikan natin si Richard!” Lumuluha kong sabi.

Laking pasalamat ko nang inikot niya ang kotse at mabilis na pinuntahan si Richard. Naabutan namin na nasa stretcher na si Richard at pasakay na sa ambulansya. 

“Kuya, sasama ako!” Sigaw ko dun sa mga humihila sa kanya.

“Kilala niyo pa ba—“

“Oo, kilala ko po.” Mabilis na sagot ko.

Pumayag na din naman sila na isama ako.

“Richard, please nangyari na to dati, wag mo naman akong tuluyang iwan oh.” Umiiyak na sabi ko, hawak hawak ko ang kamay niya ngayon. Puro sugat ang braso niya at ilang bahagi ng mukha niya. 

“S-sandra.”

Napatingin ako uli sa kanya nang marinig ko siyang magsalita. May oxygen na nakakabit sa kanya kaya hirap din siyang magsalita.

“Nandito ako Richard!” Nakangiting sabi ko sa kanya.

“Ma-mahal ko.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero nanlumo ako nang unti unti niyang pinipikit ang mata niya, at lumuwag ang hawak niya sa kamay ko. Narinig ko rin ang pag flat line ng monitor.

“R-richard!”

 

My Forbidden Love: Not AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon