Kabanata 3
Napamura si Anton dahil nakakalokong tawa na sinagot sa kanila ng driver ng jeep. Hindi niya alam kung dapat na ba siyang tumayo sa kinauupuan para lapitan ang driver at dagukan o manatili na lang sa kanyang kinauupuan at hintaying mangyari pa ang hindi dapat na mangyari sa kanilang lahat.
"Leche! Kami ba pinaglololoko mo?! Hindi naman 'to ang daan papunta sa amin?!!!" Parang mapuputol na ang litid ng leeg ni Anton dahil sa lakas ng sigaw niya sa driver. Tila natakot naman ang mga kasama niya sa jeep dahil dito. Balbas sarado na nga siya at mukhang barumbado, nakakatakot pa ang malaki niyang boses.
Ngunit muli, isang nakakalokong at baliw na tawa ang sinagot ng driver sa sigaw niya.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Ang tila baliw niyang tawa ay nagdudulot ng kakaibang takot sa ibang kasama ni Anton sa loobng jeep. Nabaling ang mata ni Anton sa isang batang babae na ngayon ay umiiyak na at inaalo ng katabi niyang guro.
"Ariane, tahan na." Alo ng guro sa dalaga niyang katabi. Nagkasalubong sila ng tingin at nagsukatan ng ilang segundo pero umiwas kaagad ang guro at ibinaling ang sarili sa harap ng driver. "Manong, hindi na po nakakatuwa! Nasaan na po ba tayo?"
Napangiti si Anton sa inasal ng guro. Sa gitna kasi ng sitwasyon na 'to ay nagawa niya pa ring maging magalang. Isang imposibleng bagay na mangyari kay Anton.
Sinilip naman niya ang binata na kakasakay lang kanina. Nagpapanik na ito nang kanyang madatnan habang sinusubukang tumawag sa kanyang telepono.
"Shet!" Dabog nito.
Napailing si Anton. Rumehistro sa utak na niya na hindi rin sila makakatawag o makakahingi man lang ng tulong dahil walang mahagilap na signal ang katabi niyang binata.
Habang tumatagal ay lalong bumibilis ang takbo ng jeep. Kasabay nito ay ang pagdami lalo ng daing ng mga pasahero kasama na si Anton.
"Bwisit!" Sigaw muli ng binata niyang katabi.
"Pwede po bang pakibagalan?" Pakiusap ng guro na kaharap niya at ang bata nitong katabi ay patuloy sa pag-atungal.
"Bes!" Naiiyak namang sambit ng dalagang nakasuot ng sweater sa kanyang kaibigan na mukhang malapit na rin maiyak dahil sa sitwasyon nila ngayon.
"Manong! Pakitigil na po!" Daing na binata na malapit sa driver seat. Tinangga nito sa ulo ang nakasukbit na sumbrero at lumapit sa manong.
"Putik. Nakakaasar na talaga." Saad naman ng isa ring lalaki na nakasuot ng pormal na damit na mukhang kagagaling lang sa opisina, na ngayon ay tumayo sa kinauupuan at lumapit sa driver. Ipinasok niya ang kanyang ulo sa butas para makausap ang driver ng jeep. "Manong, 'wag mo kaming pinagt-tripan. Kailangan na naming umuwi sa-"
Hindi na natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin dahil mabilis na bumaon sa leeg niya ang isang makintab na itak. Natumba ang lalaki sa harap ng lahat at nangisay na tila isang baboy na kinatay. Nagtalsikan ang mainit pang dugo ng lalaki sa buong jeep at ang iba naman ay unti-unting umapaw sa lapag na parang isang natapon na tubig.
Nang dahil sa nangyari ay napuno ng sigawan, tilian at palahaw ang loob ng jeep. Parang isang nakakagimbal na musika na maririnig, ngunit sa kamalas-malasan ay nasa kawaln sila at walang makaririnig ng kanilang mga atungal. Habang nagsisigawan sila ay lalong bumibilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa hindi na nakontrol ng driver ang manibela at umikot ito ng umikot.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Gumewang gewang ang sasakyan hanggang sa natumba ito sa gilid ng talahiban. Tumigil sa pagtunog ang makina. Namatay ang mga ilaw sa loob ng jeepney at naging isang tahimik na lugar ang talahiban.
Walang ng ibang naaninag si Anton kundi ang kadiliman dahil kusang nagsara ang talukap ng kanyang mata.
***
"Bes. Nasaan na ba tayo?"
Nakarinig ng boses si Earl.
Umubo nang umubo si Earl nang magising mula sa sandaling pagkawala ng malay. Noong una'y wala siyang maaninag na kahit ano dulot ng kadiliman ng paligid. Pero nakapagpokus naman siya ng maayos kaya nadatnan niya ang dalawa niyang kasakay na dalaga. Nakasalampak sa lapag at tahimik na nagmamatyag sa paligid.
Tatayo na sana si Earl pero naramdaman niya ang kirot sa kanyang binti. Hindi niya makita kung ano ang nakadagan sa paanan niya dahil sa kadiliman. Pero sinubukan niyang hugutin ang kaliwang paa niya mula doon para makabangon.
"Shit. Tulong!" Palahaw ni Earl dahil hindi niya talaga matanggal ang kung ano mang nakadagan sa paa niya.
"Sshhh!" Saway sa kanya ng babaeng naka-sweater. "Huwag kang masyadong maingay. Baka nandyan siya."
Hindi maintindihan ni Earl ang ibig sabihin ng babaeng nasa harap niya. Ang tanging naiintindihan niya lang ay ang sakit ng kanyang binti dahil sa nakadagan ditong hindi niya maintindihan na bagay.
"Tulungan mo 'ko! May nakadagan sa paa ko!" Sigaw niya na para bang hindi siya pinakiusapan ng babae na manahimik siya. Napailing ang babaeng nagbabala sa kanya at lumapit sa kanyang pwesto.
Hinawak ng babae ang gilid na bakal na malapit sa binti niya.
"Pagbilang ko ng tatlo, hilahin mo paa mo." Tumango si Earl sa sinabi ng babae. "Isa... Dalawa... Tatlo! Ughh!"
Sinubukang buhatin ng babae ang nakadagan sa paa ni Earl at sinubukan din ni Earl na hilahin ang paa niya mula sa nakadagan dito.
"Bwisit. Ambigat ng nakadagan sa binti mo. Isa pa." Sinubukan muli nilang dalawa na gawin ang hilahin ang paa ni Eark mula sa nakadagan pero wala pa ring nangyari. Nanatiling nakadagan ang mabigat na bagay sa binti niya at nanatiling nakaipit ang mga binti niya, lalo na ang kaliwa.
"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Nagsisigaw si Earl sa sobrang inis. "Bwisit!!!"
Bumuntong hininga si Earl bago nag-isip ng paraan para maialis ang mga paa niya sa pagkakaipit. Huminga siya ng malalim at napapikit.
Muling napadilat si Earl nang rumehistro sa utak niya ang isang paraan para maitanggal ang mga kumikirot na binti niya mula sa pagkakaipit.
"Hindi. Hindi. Hindi." Bulong niya sa isip dahil sa isang masamang ideya. Pero ano nga bang magagawa niya? May iba pa ba siyang paraan oara makaalis doon? Paano kung nagising na rin ang driver? Paano na lang kung may balak pa itong gawing masama sa kanila at nanatili siyang nakaipit?
Wala na talagang ibang paraan si Earl na naisip. Umiling na lang siya at kinagat ang ilalim ng labi niya.
"A-Anong balak mong gawin?" Nanghihitakot na tanong ng isa pang dalaga na kasama ng tumulong sa kanya.
Hindi niya na sinagot ang babae. Ang tangi niyang ginawa ay kumuha ng isang bato na nakapa niya sa lapag. Malaki ito at sapat sa kanyang plano.
"Evy, 'wag mong panoorin!" Babala ng babae sa kaibigan nito.
Iniangat ni Earl ang kanyang kamay na may hawak na bato at inumpisahang pukpokin ang binti niya nang sobrang lakas. Napahiyaw sa sakit si Earl. Pero sa isip niya'y kulang pa 'to para makalaya kaya sinunod-sunod niya ng pukpok ang binti hanggang sa masira ang suot niyang pantalon at magasgasan ang binti. Lalo siyang napapahiyaw dahil buto ang natatamaan ng bato. Pinukpok niya namg pinukpok ang binti hanggang sa bumaon ito at sa bawat hugot niya ay may kasamang dugo. Inulit niya pa ito hanggang sa tuluyan nang lumalim ang kanyang sugat.
Kita na mismo ang buto ng kanyang binti. Umiiyak na si Earl sa sobrang sakit pero wala siyang ibang paraan.
"Itigil mo na 'yan!" Saway sa kanyang ng babae pero hindi niya ito pinakinggan.
Pinukpok niya ang litaw na niyang buto hanggang sa mag-crack ito.
Nabasag ang buto niya at naglabas ng pulang likido. Humalo ito sa buhangin na lupa.
Inulit lang nang inulit ni Earl ang proseso hanggang sa manipis na lang na balat ang natirang nakaipit.
Pinukpok niya ang manipis na balat hanggang sa matanggal na nang tuluyan ang kaliwa niyang paa.
Napahiga sa lapag si Earl at nag-umpisang magkarera ang mga luha sa mata niya.
Nawalan lang naman siya ng kaliwng paa.
***
BINABASA MO ANG
Byahe (COMPLETED)
HorrorBabyahe ka pa ba kung buhay na ang kapalit? Liliko ka pa ba kahit na sa paglikong ito'y may panganib? Magpepreno ka ba kung ito na ang iyong huling sandali? BYAHE! Isang kwentong binubuo ng tatlong parte tungkol sa madugo, magulo, mapanganib, at nak...