Kabanata 5

2.7K 117 4
                                    

Kabanata 5

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Napatigil silang lahat nang muling umalingawngaw ang tawa na kanina ay nagdulot sa kanila ng kilabot. Parang tumigil din ang umiihip na hangin sa kanilang paligid. Nag-umpisang pagpawisan ng malamig si Cael at parang kabayong tumatakbo ang puso ni Cael. Napamura siya sa hangin habang unti-unting iniikot ang paningin.

Natagpuan ng mga mata niya ang driver na nasa likod nilang lahat. Nakatayo ito at nakapameywang. May bahid ng ngiti sa mukha niya habang iwinawagayway sa hangin ang hawak na itak.

Tila nanuyo ang lalamunan ni Cael at hindi alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam niya'y kinakawayan siya ngayon ni kamatayan.

"T-Takbo!" Nauutal na sigaw ni Earl sa kanyang mga kasama pero isang maling bagay pala ang sinabi niya. Paano siya makakatakbo ngayong wala na ang isa niyang binti?

Pero dahil pare-pareho silang takot at pare-parehong desperadong makatakas sa bumabadyang kamatayan, nagsitakbuhan silang lahat. Swerte ni Earl at hindi siya iniwan ni Cael at Anton. Binuhat siya ng dalawa saka sila tumakbo nang mabilis. Nakikipagtakbuhan din ang ang kanilang mga puso. Pakiramdam nilang tatlo'y mawawalan sila ng hininga. Ang kamalas-malasan pa sa kanila ay nagsitakbuhan ang mga kasama niya sa iba't ibang direksyon kaya nagkahiwa-hiwalay sila.

Sa kabilang banda naman, magkahawak kamay na tumakbo sina Mia at Evy. Umaagos din sa mga mata ni Evy ang luha habang tinatakasan ang kamatayang humahabol sa kanila.

"Ayoko pang mamatay, Mia..." Iyak niya sa kaibigan habang tumatakbo sa hindi nila alam na direksyon. Rumehistro bigla sa isipan ni Evy ang hitsura kung siya ay nasa loob na ng isang kabaong. Isang malamig na bangkay. Hindi na gumagalaw at wala ng buhay. Naiisip pa lang niya ay nasasaktan na siya. Lalo pa't marami siyang pangarap. Ayaw niyang hayaan ang sarili na mawala na lang ng bigla. Alam niya ring masasaktan ang mga magulang niya.

"Walang mamamatay, Evy. I will do everything to keep us alive." Determinadong sagot sa kanya ng kaibigan.

Patuloy sila sa pagtakbo sa mabatong daan hanggang sa makakita sila ng isang malaking bahay.

"Humingi tayo ng tulong sa bahay na iyon!" Sigaw ni Mia sabay hila sa kaibigan patakbo sa bahay na nakita nila.

Nakalapit silang dalawa sa bahay. Hinihingal na napasandal si Evy sa pinto ng bahay samantalang si Mia ay nakatayong humarap sa pinto. Parang walang tao sa loob dahil walang ilaw. Wala ring ingay na maririnig kundi ang mga habol hininga nilang tunog. Inikot ni Mia ang mata sa paligid para masigurong hindi sila nasundan ng driver. Sa kabutihang palad ay wala siyang namataan.

"Tao po!" Sigaw ni Evy sabay hampas sa pinto ng bahay na nagdulot ng pagdagundong ng pinto. Tumingin si Mia kay Evy dahil sa ingay na ginagawa ng paghampas niya sa pinto.

"Evy! 'Wag kang maingay!" Suway niya sa kaibigan.

Tumigil si Evy sa paghampas sa pinto pero hindi siya tumigil sa pagsigaw para subukin kung may tao ba sa loob.

"Tao po!" Sigaw muli ni Evy.

Napagdesisyunan ni Mia na lumapit sa pinto. Hinawakan niya ang doorknob at nagulat siya nang bumukas ito.

"Putik! Bukas naman pala!" Inis na tugon ni Evy nang mabuksan nang tuluyan ni Mia ang pinto.

Hindi nila inaasahan ang hitsura sa loob ng bahay. Malinis sa loob at ang ilang lampara ang nagbibigay ng ilaw sa buong bahay.

"Tara na sa loob!" Hinila ni Mia si Evt at muling isinara ang pintuan ng bahay. Nagtago sila sa isang lamesa na malapit lang sa hagdanan.

Bumagal na ng bahagya ang tibok ng puso at paghinga ni Evy. Sa wakas ay muli niyang naramdaman na ligtas siya at ang kanyang kaibigan... sa ngayon.

Byahe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon