Wakas

2.1K 85 40
                                    

Wakas

Sabay na lumabas ng kwarto sina Carlos at Jet. Kapwa matigas ang mga titig sa paligid at pinapanatiling alerto ang kanilang mga sarili sa kapaligiran.

"Tandaan mo ang plano. Magkita tayo sa arko." Wika ni Jet kay Carlos. Simple namang tumango si Carlos.

Mabilis man ang tibok ng puso ay hindi nag-atubili pang tumakbo papunta sa kabilang direksyon si Carlos. Muli siyang nagbalik sa pinanggalingan hawla. Nasabi kasi sa kanya ni Jet na malapit sa hawla ang kinalalagyan ni Misha.

Wala namang nasalubong si Carlos na kahit na sino kaya hindi rin siya nagtagal at nakarating din siya sa isang kwarto.

Pinasok niya ang kwarto at bumungad sa kanya ang isang matandang lalaki na nakatalikod sa pinto. Kaharap ng matandang lalaki ang tulalang si Misha.

"Sino ka?" Malumanay na tanong ng matanda. "Sino ka?" Muli nitong tanong.

Sa pangalawang beses na pagtanong ng matanda kay Carlos ay nakaramdam siya ng kakaiba. Parang bumigat ang damdamin niya at parang may pumipigil sa kanyang kumilos.

"Kung ayaw mong magsalita, ako na lang ang magpapakilala." Muling wika ng lalaki saka humarap sa kanya. Nabigla naman si Carlos dahil pamilyar ang mukha ng lalaki. Parang nakita na niya ito sa isang litrato at sigurado siyang sa estasyon niya iyon nakita. "Ako si Apo Cael."

Nanuyo ang lalamunan ni Carlos sa sinabi ng matanda. Doon ay naalala na niya ito. Isa ito sa mga taong matagal nang nawawala at huling namataan sa sikat na highway.

"C-Cael..." Nangangatal na wika ni Carlos.

"Mukhang sikat na talaga ako sa labas." Simpleng wika nito.

Walang ibang pumasok sa isipan ni Carlos. Isa lang marahil ang ibig sabihin nito. Isa na sa mga taga-baryo ang lalaking nasa kanyang harapan. At ang dapat niyang gawin ay ang kilos na naaayon sa nabuo nilang dalawa ni Jet na plano.

Hawak ang itak ay tumakbo si Carlos papalapit kay Apo Cael. Buong lakas niya itong sinubukang sugatan sa tagiliran. Natamaan niya sa kanang tagiliran ang matanda.

Napadaing ng kaunti ang matanda ngunit hindi ito natinag ng sobra. Bumawi ang matanda sa pamamagitan ng malakas na sipa sa sikmura ni Carlos. Agad na natumba padapa si Carlos sa mismong harapan ni Misha.

Sinipang muli si Carlos sa likod kaya hindi na siya nakatayo. Hinawakan siya sa kwelyo ng matanda at inangat. Nakangisi ang matanda.

"Sa tingin mo ba mahina ako porque matanda na 'ko. Ha! Nagkakamali ka." Binayo ng suntok sa tiyan si Carlos kaya muli siya napatalsik sa malayo. Tumama ang likod at ulo niya sa pader. Sumuka siya ng dugo at umalingawngaw rin ang malutong na tunog ng nabasag na bungo.

Nabitawan rin ni Carlos ang armas na hawak niya at ito'y napunta sa harap ni Misha.

"Simple lang naman ang buhay namin dito. Hindi naman kami nanggugulo sa labas. Kaya ayaw din namin ng may nakikiusisa dito sa loob. Kaso antigas ng kokote niyo-"

Naputol ang sasabihin ng matanda dahil dinuraan siya sa mukha ni Carlos. May halo pang dugo ang dura nito na kinainis ng matanda.

Agad na pinatigas ng matanda ang palad nito. Inipon niya ang enerhiya sa kanyang palad at buong pwersang sinampal si Carlos.

Umalingawngaw ang tunog ng nabaling buto na parang nababasag na babasaging bote kasabay ang palabas ng dugo sa bibig ni Carlos. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ay pumutok ang ugat sa batok ni Carlos nang ito'y mapalingon sa kanang bahagi. Tumama pa ang bungo niya at nakagawa ito ng malaking butas. At ang masaklap, hindi na itp humihinga.

Byahe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon