Kabanata 1

2.6K 91 14
                                    

Kabanata 1

Isang pamilyar na tugtugin ang umuugong sa loob ng bus na siyang nagpapaindak sa karamihan ng mga sakay sa loob. Napupuno rin ito ng tawanan dahil sa makukulit na sayaw ng iba. Dahil sa aliw ay hindi na nailanta ng mga estudyante ang kanina pa nilang hinaharap na mabigat na trapiko.

"Groove!" Hiyaw ng lalaking si Gian kaya kumembot naman ang kanyang kaibigang babae na si Eunice. Lalo silang nagtawanan nang umakto itong inaakit si Gian.

Tumawa ang binata at inilingan ang ginawa ng kaibigan.

Isa rin sa malakas na tumawa ay ang mismong nobya ni Gian na si Aileen na tila walang paki sa inasal ng kanyang nobyo at kaibigan.

"Char lang! Baka sampalin ako ni Aileen!" Natatawang sambit ni Eunice saka tumigil sa pagsayaw at paggiling. Lumapit siya sa kaibigang si Aileen at hinawakan ang kamay.

"I know bes. May Brando ka na ee!" Halahak na sigaw ni Aileen kaya sabay sabay na nag-'ayiee' ang mga kaklase nila.

Nalukot naman ang mukha ni Eunice sa kaibigan. Hindi kasi kagandahang lalaki si Brando.

Tumawa lang din si Brando dahil alam niyang nagbibiro si Aileen. Ano nga bang bago? Si Aileen na mahilig magbiro? Patuloy na tumugtog ang radyo ng kanilang bus kaya tumayo ang iba at nagpatuloy sa pagsayaw.

Napanguso ang kanilang driver na si Josue, ang leader ng kanilang grupo.

"Upo na kayo. Uusad na tayo." Paalala niya sa mga kasama na nakatayo pero walang nakinig.

Umiling si Josue pero wala naman siyang magagawa. Ito kasi ang naging mga ka-grupo niya.

Naatasan silang magkakaklase na lumikha ng isang shortfilm bilang parte ng final requirements sa kanilang paaralan. Ito na lang kasi ang natitira nilang pasanin kaya hindi sila makapagbakasyon, sa tingin niya.

Pero ang mga kaklase niya ay maagang ine-enjoy ang bakasyon na tila wala pa silang kailangang gawin. Nabibigatan tuloy si Josue, mukhang mamimerwisyo siya sa mga ito at malaki ang posibilidad na baka maraming oras ang masayang sa kanila.

Sa kabutihan palad, may nasamang responsable sa mga ito tulad ni Bianca at Aileen. Silang tatlo lamang ang nagplano ng halos lahat ng mangyayari sa shortfilm pero ayos na iyon kay Josue. May nagawa naman sila. Shooting na lang ang kulang.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Bianca na seryosong na nakatingin sa daanan.

"Malapit na. Natagalan lang tayo dahil sa traffic." Sagot niya.

"An-ingay nila."

"Sabi mo pa."

Umirap sa hangin si Bianca at mabilis na pinindot ang radyo para mamatay ito. Dahil sa ginawa niya ay natigil sa pagsayaw ang mga kaklase.

"Sino'ng nagpatay?" Tanong ni Eunice.

"Ako. Bakit?" Sagot ni Bianca na hindi na nag-abalang lumingon sa mga ito.

"Tsk. KJ."

At marami pang komosyon ang narinig ni Bianca na parang wala lang sa kanya.

Kabisado na niya ang mga kaklase. Ang paraan nito na makisama. Ang mekanismo sa lahat ng bagay. At kung ano ang magiging reaksyon nito.

"Ewan ko na lang kung makakapagsaya pa kayo kung mag-umpisa na tayo." Bulong ni Bianca. Sumilay ang ngiti sa manipis niyang labi.

***

"We're finally here!" Irit ni Allan habang pakembot na bumaba ng bus. Umalingawngaw ang irit niya na naging dahilan na naman ng tawanan nila.

Isa isang nagbabaan ang magkakaibigan dala-dala ng kanilang mga bagahe. Nakunot naman ang noo ni Bianca nang makita ang mga dala nito.

"Bakit andami niyong dala?" Tanong niya kay Luis. Ngumiti ito bago sumagot.

"Overnight tayo rito." Sagot niya.

Umiling ang dalaga dahil sa sagot.

"Josue! Ano'ng sinasabi nito?!" Irita niyang tanong.

"Overnight tayo. Hindi mo ba na-receive message ko kagabi?" Tanong ni Josue.

Napamura ng mahina si Bianca dahil sa nakakadismayang sagot ni Josue.

Ang akala niya'y isa na naman 'to sa mga kalokohan ng kanilang kaklase ngunit mali siya sa pagkakataong ito. Sa kamalas-malasan, wala siyang dalang kahit anong bagahe, damit, o pagkain. Tanging cellphone at pera lamang.

"Uuwi na lang ako mamaya." Saad niya.

"Bakit besuwap?" Tanong ni Aileen.

"Wala 'kong damit."

"May extra ako, besuwap."

"No. Uuwi ako." Matigas niyang sagot. Tumango na lamang si Aileen dahil mukhang hindi niya na mapipilit ang kaibigang manatili hanggang gabi.

Naghanda na sila para sa kanilang pangunahing dahilan, ang gumawa ng shortfilm.

Hinalungkat na ni Aileen ang mga gamit nila para hanapin ang script at ang laptop na gagamitin nila. Inayos naman ng mga lalaki nilang kasama tulad ni Sander at Brando ang camera at mic. Si Aileen naman ay inihanda na ang make-up kits niya para ayusan ang mga gaganap sa kwento. Samantalang si Josue ay in-arrange na ang lugar para sa shooting.

"Okay! First scene!" Sigaw ni Josue. "Eunice as Kathryn at Gian as James. Pwesto na!"

Pumwesto sa talahiban ang dalawang tinawag ni Josue.

"Do as I say. Alam niyo na rin naman script niyo, right?" Nag-thumbs up ang dalawa.

"Wooh! Goodluck babe!" Sigaw ni Aileen sa nobyo. Nginisihan siya nito.

"Lights. Camera. Action!"

"Kath... You know that I can't face my problems." Malamyos na wika ni Gian. Dalang-dala nito ang scene kaya natahimik ang lahat.

"You can do it, James. Takot ka lang na subukan." Sagot ni Eunice.

"Sasamahan mo ba 'kong harapin ang mga 'to?" Ani Gian.

"Kung pwede lang, James. Pero..." Natigil si Eunice. Ilang segundo rin siyang hindi nagsalita. Humarap siga kay Josue at kumagat sa ilalim ng labi. "Nalimutan ko. Hehe. Sorry!"

Nag-peace sign ang dalag kaya walang nagawa si Josue kundi ang mapailing.

"Halika rito!" Pinalapit ni Josue si Eunice sa kanya kaya lumapit ito. Si Gian naman ay nilapitan ni Aileen.

"Angaling mo, babe." Natutuwang saad ni Aileen pero hindi siya pinansin ni Gian dahil nakatitig ito sa ka-partner na si Eunice na sinesermonan ni Josue. Ngumiti na lamang si Aileen at bumalik sa pwesto.

"Ulit! Lights. Camera. Action!"

"Kath... You know that I can't face my problems."

"You can do it, James. Takot ka lang na subukan."

"Sasamahan mo ba 'kong harapin ang mga 'to?" Hinaplos ni Gian ang pisngi ni Eunice.

"Kung pwede lang, James. Pero..." Bumuntong hininga si Eunice bago nagsalita. "Pero paano si Nadine?"

***

Byahe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon