Kabanata 7

1.6K 78 0
                                    

Kabanata 7

Bumuntong hininga si Sander nang tuluyan nang mawala ang lalaki na kanina ay kanilang pinapanuod. Pumasok na nga ito sa loob ng arko.

Bumalik ang sistema nilang dalawa at kahit papaano'y naging maginhawa ang kanilang pakiramdam at ito'y dahil sa hindi sila nakita nito sa kanilang lihim na pinagtataguan.

"Lumabas na tayo." Wika ni Gian.

Una siyang hunakbang palabas. Sumunod sa kanya si Sander na kahit na hindi na gaanong kinakabahan ay nakakuyom ang mga kamao tulad ni Gian. Wala na ang mabibigat nilang hinga. Napalitan ito ng isang maalertong sistema at pag-iisip. Panay na ang tingin ni Sander sa paligid.

"Ano na'ng gagawin natin?" Tanong ni Sander.

Lumapit si Gian kay Sander at inakbayan. Bumulong lamang siya ng mahina at dinala da gilid ng mga talahib.

"Papasok tayo sa arko." Bulong ni Gian.

"Huh? Eh paano kung makita nila tayo? Patay tayo niyan?!" Histerikal na sambit ni Sander.

Lalong hinigpitan ni Gian ang akbay kay Sander.

"Tsk. Tsk. Sino ba nagsabing magpapakita tayo? Gagawi ka sa kanan. Tapos ako, sa kaliwa. 'Wag ka lang magpakita kung gusto mo pang makalabas. Pumasok ka sa mga bahay. Pero siguraduhin mong wala kang makakakita sa'yo na kahit na sino huh?"

Tumango ang walang ideya'ng si Sander.

"Sige. Punta na 'ko. Magkita tayo dito pagkatapos." Ika ni Gian at saka tumakbo nang tahimik papasok sa loob ng arko.

Naiwan naman sa labas si Sander na hindi pa rin alam kung saan nga ba siya magpupunta at kung ano nga ba ang una niyang gagawin.

"Psh. Bahala na nga." Tumakbo na rin si Sander habang walang tunog itong ginagawa papasok sa arko.

Una sa kaniyang bumungad ay ang maliwanag na baryo na animo'y hindi natutulog ang mga tao.

Nakatirik ang samu't saring mga sulo sa bawat kanto ng bahay sa loob nito.

Mabilis na gumilid sa kanan si Sander at nagtago sa dalawang sako na nakita niya, at wala siyang ideya kung ano ang laman nito, basta lamang siyang nagtago.

Isiniksik niya ang sarili sa mga sakong nakatayo. Naramdaman niya na basa ito ngunit pinagwalang bahala lamang niya.

Habang patagal ng patagal ay naririinig ni Sander ang hakbang na papalapit sa kanyang direksyon.

Mas pinili niyang maging tahimik. Pinilit niyang kontrolin ang hininga para hindi ito makagawa ng ingay.

"Kunin mo na 'yung mga sako." Wika ng isang boses.

Napadilat si Sander at kikilos na sana ngunit huli na ang lahat dahil nabuhat na ang dalawang sako at tumamba siya sa dalawang lalaki.

"Dayo." Nakangiting sabi ng isa sabay hugot ng sundang sa lagayan nito.

Tumayo kaagad si Sander at akmang tatakbo nang mapansin ang isang bagay na nahulog sa loob ng sako.

Ulo.

Ulo ni Allan.

Dahil sa pagkahindik ay hindi nakakilos si Sander. Hindi na niya namalayan na paparating na pala sa kanya ang talim ng sundang.

Tumama ito sa kanyang beywang. Nagdulot ito ng malalim na sugat. Natumba si Sander at dumaing dahil sa sakit.

Sunod na ginawa ng lalaki ay tinapakan ang kanyang ulo. Mabigat ang paa ng lalaki. At paulit-ulit siyang tumalon sa ulo ni Sander.

Talon. Talon. Talon. Talon.

Tumalon nang tumalon ang lalaki hanggang sa madurog ang bungo ni Sander at madurog ang laman nito. Sumabog sa lupa ang sariwa niyang utak habang lumalagatok ang tunog ng bungo na parang nababasag na baso. Umagos sa butas ang mainit at malapot na dugo at nag-umpisang dumaloy at ito ay humalo sa buhangin sa lapag.

***

Magagaan lamang ang mga hakbang ni Gian habang tinatakbo ang isang maliit na eskinita na nasa likod ng isang hilera ng mga kubo. Pinipilit niyang huwag makagawa ng kahit na anong tunog.

Sumasalubong sa kanya ang maliliit na liwanag na nagmumula sa mga sulo na nakatirik sa kabila ng eskinita.

Buhangin naman ang tinatapakan ni Gian kaya naman may kabagalan ang kanyang pagtakbo. Tumigil siya sa pagtakbo nang marinig ang boses mula sa kanyang unahan.

Mabilis siyang gumilid at sumandal sa kawayan na bakod na nasa kanan niya. Pinagmasdan niya rin ang unahan at nakita ang isang lalaki na may kausap sa telepono.

"Oh? Seryoso? Hinahanap na naman ako dyan?"

"Oo. Kailan ka ba babalik? Baka magtaka si Boss?"

"Baka bukas. May operasyon kasi ngayon dito sa baryo. Sige. Sige."

Naghintay ng ilang minuto si Gian bago muling humakbang upang ipagpatuloy ang pahahanap kay Brando. Nang matapos ang ilang minuto ay muli siyang tumakbo.

Inulit lamang ni Gian ang mga bagay na ginawa niya kanina. Kumilos siya ng maingat at sigurado. Kahit pawis at nakakaramdam ng pagod, ito'y kanyang tiniis.

Tumigil lamang siya sa pagtakbo nang marating ang dulo.

Ibinulsa ni Gian ang kamay upang kapain kung dala nga ba niya ang kanyang telepono. Nang makapa ay agad niya itong kinuha. Binuksan niya ang flashlight nito at itinapat sa harapan.

Ang unang tumambad sa kanya ang isang malaking hawla na gawa sa kawayan. May mga maliliit na bahid ng dugo sa kawayan. Isang makapal na tali ang nakatali dito. Walang ilaw o kahit anong liwanag.

Lumapit pa siya ng maigi at itinapat ang kanyang flashligt hanggang sa magulantang siya sa nakita.

Natagpuan niya ang kaibigan na si Brando sa loob nito. Nakagapos, duguan, at walang malay.

Biglang nag-alab ang galit at awa sa loob-loob ni Gian kaya naman mabilis siyang humanap ng matulis na bagay sa paligid.

Pumulot siya ng nga bato sa lupa at sinubukan na gamitin ang mga ito upang putulin ang tali sa pintuan ng hawla.

Makailang ulit niya iyong ginawa ngunit hindi siya nagtagumpay sa pagtanggal ng tali. Ngunit hindi siya sumuko hanggang sa makakita siya ng isang matulis na bato na kanina niya pa pala naaapakan.

"Lintik 'yan."

Kaagad itong kinuha ni Gian at kiniskis sa tali. Nang maputol ito ay kaagad niyang binuksan ang pinto at pinasok ang kaibigan.

"Brando." Tinapik ni Gian sa pisngi ang kaibigan. "Brando."

Ungol ang tanging nasagot ni Brando at nanghihinang tingin. Lalo namang naawa si Gian sa kaibigan kaya agad niya itong kinalagan upang makatakas na sila.

"Tatakas na tayo. 'Wag ka lang gagawa ng ingay."

Nang saktong mabuhat niya ang kaibigan ay isang boses ang biglang nagsalita mula sa labas.

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?" Isang lalaking may hawak na sulo at sundang ang nakatayo sa pintuan ng hawla.

"Lintik na 'yan." Agad na sinalubong ni Gian ang lalaki ng isang mabilis na suntok ngunit mabilis itong nakailag. Mabilis naman siya nitong natadyakan sa tyan kaya siya'y nawalan ng balanse at halos matumba.

Agad siyang umatras at bumwelo. Ikinuyom niya ang kamao at mabilis na sinalubong ng suntok ang lalaki. Natamaan ito sa mukha at umugong pa ang malakas nitong tunog ngunit parang pader ang lalaki at nanatiling nakatayo na parang wala lang sa kanya ang suntok.

Aatras na sana si Gian nang maramdaman niya ang isang mabigat na bagay na tumama sa batok niya.

Mabilis siyang natumba at kahit labanan niya'y, bumabagsak na ang kanyang mata.

***

Byahe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon