Kabanata 6

1.7K 81 3
                                    

Kabanata 6

"Are you out of your mind? Sa tingin mo ba malalabanan natin sila dyan sa baril mong 'yan? Paano kung isang batalyon pala sila? Tapos... Tapos... Tapos tayong tatlo lang?" Malakas na sigaw ni Aileen.

Lalong nagpanik si Aileen nang maipakita sa kanila ni Eunice ang sinasabi ni Josue na armas nila.

Isang revolver.

Lalo naman nalukot ang mukha ni Eunice sa dismaya dahil sa kakarampot na sandatang gagamitin daw nila at nang malaman niyang tatatlo lamang ang bala nito.

"Baka baboy ramo lang ang mapatay mo nyan?" Salitang muli ni Aileen.

At isa pang dahilan ng pagkabahala ni Eunice ay ang pagpapanik ni Aileen na malinaw na hindi makakatulong sa kanilang sitwasyon ngayon.

Magsasalita pa sana si Aileen ngunit natigil siya nang mapansing mapait na ang timpla ng mukha ni Josue.

Sa wakas ay natahimik na rin ito at tila nabawasan ang pagkapanik dahil nag-iba na ang ekspresyon ni Josue.

"I'm still thinking ways. Ang mahalaga lang kasi rito ay mailigtas natin ang mga kasama natin mula sa mga kung ano na 'yon." Mahinahong wika ni Josue. "Sa ngayon ay maghalughog kayo sa bus natin ng pwedeng armas na gamitin."

Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Aileen at Eunice.

Pinakawalan na rin ni Aileen ang pagpapanik sa kanyang loob na malinaw na hindi makakatulong sa kanilang sitwasyon ngayon. Ang magandang bagay ay magtunlungan sila.

Tumayo si Eunice at nagsimulang naghalughog sa mga upuan at mga gamit ng kanilang kaklase. Nag-umpisa na ring maghanap si Aileen matapos ang ilang minuto.

Matapos ang ilang minuto ng paghahalughog ay nakahanap ang dalawa ng mga maaari nilang gamitin.

Nakahanap si Eunice ng isang balisong sa bag ni Brando. Nakahanap rin siya ng isang maliit na kutsilyo sa gamit ni Sander.

Si Aileen naman ay nabigla nang madatnan ang isang kalibre 45 sa gamit ng nobyo. Hindi niya kasi alam na may ganito palang gamit ang nobyo.

Naglapit ang tatlo matapos nilang gawin ang paghahalughog sa kanilang bus.

"A-Ano nang gagawin natin?" Nangangatog ang mga kamay ni Aileen dahil sa hawak niyang baril. Parang hindi niya kasi ito kayang gamitin.

"Pupuntahan natin ang pinuntahan nina Gian. We'll follow them." Utas ni Josue.

Tumango ang dalawang dalaga sa sinabi ng binata.

Naghanap pa ng ibang gamit ang dalawang dalaga. Si Josue naman ay naupo sa driver sit at kinambyo na ang bus para paandarin diretso sa kalsadang nasa harapan nila.

"Bagalan mo lang ang takbo, Josue. Baka maalarma silang papunta tayo sa kanila." Paalala ni Eunice.

Sinunod ni Josue ang winika ng dalaga. Mabagal na pagpapaandar ang kanilang ginawa. Maya-maya pa'y naramdaman nila ang pag-alog ng sasakyan. 'Yun pala'y nasa mabato na silang daan. Hindi na sementado ang kanilang dinadaan.

"P-Putol ang daan?" Tanong ni Aileen. "Mukhang ito 'yung sinasabi sa amin ng matanda."

"Matanda?" Nagtatakang tanong ni Eunice tsaka lumingon kay Aileen.

"May nakausap kaming matanda kaninang umaga ni Bianca. Magsasaka. Sabi niya ay putol ang daan dito." Paliwanag ni Aileen.

Magsasalita sana si Eunice ngunit biglang tumirik ang kanilang bus.

"Syete!" Mura ni Josue.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Eunice.

Bumaba silang tatlo at sinilip kung ano ang naging diperensya ng bus. Napansin kaagad ni Josue ang gulong nila na butas na pala. Nilapitan ni Josue ang gulong.

Pinanliitan ni Josue ang gulong upang obserbahin ang gulong nila na bigla na lamang nabutas. Napansin niyang wala namang dahilan upang mabutas ang kanilang gulong ngunit ano itong napapansin niya.

Hiningi ni Josue ang flashlight kay Aileen. Iniabot naman ito ng dalaga sa kanya.

"Putik naman oh. Ano 'to?" Hinugot ni Josue ang napansin niyang nakatusok sa gulong. "Ngipin?"

***

"Saan na tayo nito?" Inikot ni Sander ang kanyang paningin upang silipin kung saan sila maaaring sumuot.

"Teka. Mamaya na tayo lumabas." Paalala naman sa kanya ni Gian kaya tumigil siya sa ginagawa at muling natahimik.

Nagtago silang dalawa sa talahiban na malapit sa arko na una nilang nadatnan matapos nilang sundan ang bakas ng dugo ni Brando.

Hindi pa napuputol ang bakas ng dugo at ang tinuturo nito ay ang mismong loob ng baryo na nasa kanilang harapan. Malaki na ang posibilidad na dito nga dinala ng mga lalaki si Brando. Ngunit ano nga ba ang motibo ng mga ito?

"Paano kung marami pala sila? Wala tayong laban nyan, Pre." Sambit muli ni Sander.

"Naisip ko na rin 'yan. Kaya nga mas magandang ipuslit na lang natin palabas si Brando. 'Wag na tayong maglaban." Sagot naman ni Gian.

Natahimik silang dalawa nang lumabas ang tatlong lalaki. Dalawang lalaki na mukhang magsasaka. May dala itong mga itak. Ang isa nama'y nakasuot ng pormal na damit. May hawak na telepono at maotoridad ang mga tingin nito. Mas matangkad ito sa kanila.

"Apo, nang manmanan po namin ay napag-alaman po naming may kasama silang umalis. At babalik pa po ito bukas." Wika ng isang lalaki sa matangkad nilang kasama na tinawag nilang Apo.

"Huwag niyo nang pakialaman ng isang iyon. Kung babalik man siya rito ay may naisip na 'kong plano." Ani ng lalaking matangkad.

"Ano po bang ipag-uutos niyo sa amin, Apo?" Tanong naman ng isa.

"Hanapin niyo silang lahat bago mag-alas tres ng madaling araw, bago magsimula ang seremonya. Kailangan niyo ring malaman kung may birhen ba silang kasama." Muling wika ng lalaking matangkad.

Tumango ang dalawa at mabilis na tumakbo sa direksyon na papunta sa sementadong kalsada.

Napahawak naman ng mahigpit si Gian sa flashlight na kanyang hawak.

Bagamat hindi niya maunawan ang sinasabi nito, inisip na lamang ni Gian na ang mga ito'y mga rebelde. Nakakapagtaka nga lang na walang nakakaalam ng tungkol sa mga ito. Na wala manlang nakakapansin sa mga otoridad na may ganitong grupo o baryo ng mga tao na gumagawa ng mga masasamang bagay.

Crack!

Nabigla si Gian nang bigla niyang maapakan ang isang sanga sa kanilang tinataguan na nakagawa ng isang ingay.

Ang lalaki naman na nasa arko ay biglang naalarma at parang nakaramdam na may nanunuod sa kanya kaya't pinagmasdan nito ang paligid.

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang tinataguan nina Gian at Sander, dahil may napansin siyang kakaiba rito.

Ang dalawa naman ay lalong kinabahan nang magawin sa kanilang tinataguan ang lalaki. Kahit na nakatitig ay parang hindi naman sila nito nakikita.

Humakbang ito ng ilang sentimetro papalapit sa talahiban at lalong bumilis ang tibok ng puso ng dalawa. Lumapit pa ito lalo. Pinanliitan ng lalaki ng mata ang talahiban na parang sinisilip ng maigi ang kaloob-looban nito.

Ikinuyom na ni Gian ang kamao bilang paghahanda kung sakaling makita man sila ng lalaki.

Ngunit tumigil sa pagtitig ang lalaki matapos ang ilang minuto. Pumasok na ito sa arko at hindi na bumalik.

Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib ang dalawa nang mawala na ang lalaki.

***

Byahe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon