Kabanata 11

1.5K 71 4
                                    

Kabanata 11

Ngalay na ang leeg ni Josue sa pagkakalaylay ng leeg niya sa sandalan ng silya na inuupuan niya.

Paiku-ikot pa ang ulo niya dahil umiikot rin ang paligid niya kasabay na dulot ng pagkakapukpok sa kanya ng mga lalaking nagdala sa kanya dito.

"Gising!" Isang malamig na tubig ang bumuhos kay Josue kaya siya'y nabuhayan.

Napabangon siya sa pagkakalaylay na parang isang papel. Medyo nagising din siya at napagtantong nakatali siya sa isang kahoy na silya.

Ngayon niya lang nakita ang sarili na para nang isang taong grasa. Hindi na rin niya namalayan ang mga natamo niya mula sa mga taong ito.

Inilibot niya ang paningin sa buong kubo. Malaki ang kubo at napapaligiran ng napakaraming mga lampara.

Malawak ang loob ng kubo. May isang mahabang lamesa sa gitna. Nakalagay sa mahabang ang lamesa ang tatlong itak na pangkatay na nakatuhog sa kahoy.

May mga laman loob rin sa lamesa na hindi niya alam kung galing ba sa hayop o baka sa tao.

Isa pang nakakuha ng atensyon niya ay si Brando na malapit sa lamesa.

Gising na ito at ang ikinagulat ni Josue ay makita ang kaklase na umiiyak. Isa sa mga bagay na huli sa kanyang inaasahan.

"Buti nabuhayan ka na?" Seryosong wika ng lalaki na kung susumahin ay nasa na hindi bababa sa kwarenta.

Mababakas ang otoridad sa pagtayo nito sa kanyang harapan.

Walang salita na pumapasok sa isip ni Josue na isagot sa lalaki na nasa kanyang harapan. Nanginginig man ang mga labi, nagawa niya titigan ito ng maayos.

"Bago ang lahat, ako nga pala si Apo Cael. Ang lider ng baryong ito."

Gusto ni Josue na ikunot ang noo niya sapagkat hindi niya naiintindihan kung bakit ito nagpapakilala sa kanya, ngunit hindi niya ito ginawa at mas piniling manahimik.

"Ikaw ba, hijo? Anong nga bang pangalan mo?"

Ayaw ni Josue na sagutin ang tanong ng lalaki kaya natahimik siya. Nilipat na rin niya ang tingin sa ibang bagay at lumingon kay Brando.

Suminghap ang lalaki sa kanyang harapan bago nagsalita.

"Naiintindihan kita, hijo. Naranasan ko na rin 'yang estadong kinalalagyan mo. 'Yong estadong litung-lito ka sa mga bagay na mas pinili mong manahimik. Sa pagkalito mo'y pinili mong huwag gumalaw at kumilos. Pero mawawala ang pagkalito mo kung gagawa ka ng tamang desisyon."

Nakuha ng mga salitang iyon ang atensyon ni Josue kaya mabilis niyang tinignan ang lalaki. Hindi man lubusang naiintindihan, nakuha ni Josue ang punto ng lalaki.

"An-Ano pong i-i-ibig niyong sabihin?" Nanginginig niyang tanong.

"Dalawang bagay lang hijo, sumapi ka o mamamatay ka. Mamili ka ngayon na."

Nagulantang si Josue sa bagay na sinabi sa kanya ng lalaki.

Ngayon ay malinaw na sa kanya.

At kailangan niyang maging matalino upang mabuhay.

Ngunit hindi niya pinatagal ang mga bagay, kailangan niyang gawin ang isang mabigat na desisyon sa pagkakataong ito.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"A-Ano po ang kailangan kong gawin para makasapi?" Mabigat sa damdamin na tanong niya.

Ngumiti ang lalaki.

Byahe (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon